Chapter 3

16 3 0
                                        

Alondra's POV

Napabuga ako ng hangin nang makababa kami galing sa sasakyan. Nandito na kami ngayon sa La Casa Vazquez-- ang mansion namin dito sa Pilipinas

Makikita sa malaking brown na gate ang 'La Casa Vazquez'--meaning --The Vazquez House. Malaki iyon, classic Spanish style iyon. Para ring nasa Spain kami dahil sa disenyo. Marami ring halaman sa harap, mayroon din maliit na fountain sa tabi ng Narra tree, roon ako laging naka-puwesto kapag nag-pi-pinta ako. Puti at brown ang kulay ng exterior-- puti ang mga dingding at brown naman ang bubong. Simple lang ang disenyo n'on.

"Manang!" Patakbo akong lumapit kay manang Belinda na kasalukuyang papalabas, galing siya sa loob.

"Alondra? Ikaw ba iyan, Alondra?" Inayos niya ang salamin niya saka kunot noong lumapit sa akin.

"Opo, manang! Kasama ko po ang mga kuya ko." Turo ko sa mga kuya ko na nakasunod sa likod ko.

"Nako, ikaw nga Alondra! Hindi kami nasabihan na uuwi kayo ngayon." Napatingin siya kina kuya, "Alfonso? Alejandro? Kayo na ba iyan? Napakalalaki ninyo na!"

Nag-usap sila roon habang ako ay pumasok na, ramdam ko naman na sumunod na rin sila sa 'kin papasok. Hinanap agad ng mata ko si Glitter. Napatingin ako sa glid ko nang may tumahol, napangiti ako saka patakbong nilapitan ang aso ko.

"Hi, Glitter! Na-miss kita! Ang bigat mo na, hahahaha!" Hinimas himas ko ang ulo niya, iyon ang gusto niya.

Glitter's a golden retriever. I have her since I was 14 and now I'm 17. Gunn gifted me Glitter when I turned 14, he also named him Glitter because of her shiny fur. Tila ba mayroong glitter ang kaniyang balahibo kapag naarawan iyon. Gunn adopted her, wala naman problema sa akin iyon.

"Nako, hindi nga iyan gaanong kumakain, hija. 'Yong binili mong dog food nang nakaraan kayong umuwi rito ay nakakalahati pa lang  niya." Sambit ni manang.

"Aww, what's wrong? Did you eat already? Come on, papakainin kita." Aya ko sa kaniya, pumunta kami sa likod kung nasaan ang dog house niya. Naroon din ang pagkain at tubig niya. Nilagyan ko ng sapat na dog food iyong lalagyan niya ng pagkain saka ako nagbilang ng tatlo bago siya magsimulang kumain. Ganoon palagi ang ginagawa namin kapag ako ang nag-pa-pakain sa kaniya.

Pagkatapos niyang kumain ay naglaro kami saglit saka na ako umakyat at nag-linis ng katawan. Natulog ako ng ilang oras bago ako magising ng tatlong magkakasunod na katok.

Minulat ko ang mga mata ko saka tumingin sa wall clock, 7:55pm na pala. "Alondra! Mag-ha-hapunan na raw tayo!" Rinig ko sa tinig ni kuya Carlos na labag sa loob niya ang tawagin ako.

"Okay! I'll be there in a minute!" Tugon ko naman.

Tumayo ako saka nag-mumog. Nag-hilamos na rin ako ng mukha saka bumaba na.

Umupo ako roon sa upuan ko-- sa kanang parte ng dining table. Kumuha ako ng apat na sandok ng kanin mula sa bowl saka tig-dalawang sandok ng tatlong ulam.

"You're eating too much. You'll get fat." Puna ni kuya Cristobal.

I shrugged my shoulders, "Okay lang, atleast busog." Wala naman akong paki kung tataba ako, iyon nga ang gusto ko. Natural na balingkinitan ang katawan ko, mabilis din ang metabolism ko kaya kahit anong kain ko hindi ay ako tumataba.

"You three need to change something on yourself. Para hindi kayo ma-recognize ng mga nakakakilala sa inyo." Ani lolo, "Mahirap mag-aral kapag mayroong reporters na naka-sunod sa inyo." Dagdag pa niya.

"Saan ba sila naka-enroll, 'lo?" Tanong ni kuya Carlos.

"Ricar Academy." Maikling tugon ni lolo.

"Can I color my hair blue, 'lo?" Paghihingi ko ng permission.

"Sure."

"Can I have a piercing? On my nose? Again?" Dahan-dahang tanong ko. Mayroon kasi akong piercing sa ilong ko dati, nakita ni papá  kaya pinatanggal niya.

"You can ask your papà." Napanguso ako, hindi naman siya papayag, eh.

"Alondra, hija?" Napatingin ako kay manang Belinda nang tawagin niya ako.

"Po, manang?"

"May naghahanap sa 'yo sa labas, Gunn at Blaire ang pangalan." Ngumiti si manang, alam niyang sabik na sabik ako na makitang muli ang mga kainigan ko.

Nagliwanag ang mukha ko, "Patuluyin niyo po sila, manang. Salamat po." Masiglang sambit ko.

"Alondra! BWAHAHAHAHAHA!"

Pare-pareho kaming nagulat sa pagtawag ni Blaire at Gunn sa akin. "Gunn, Blaire! Ano ba, gabi na at ang iingay ninyo." Saway ni lolo sa kanila.

"Sorry, 'lo hehehehe! Peace!" Nag-peace sign si Gunn saka sila nag-mano kay lolo.

"Halikayo't sumabay kayong mag-hapunan sa amin." Aya ni lolo.

"Sure 'lo!" Ang mga walang hiya, hindi man lang nag-pakipot.

"Ayusin mo 'yang pagmumukha mo, Alondra at kakadating mo lang." Ani Gunn habang kumukuha ng pagkain.

"Baka gusto mo rin ayusin 'yang pagmumukha mo? Lalo lang pumangit, gago." Pang-asar ko sa kaniya.

Tinaas niya lang ang gitnang daliri niya saka kumain. Kung makakain naman 'tong dalawang 'to akala mo pamamahay nila, eh.

"Glitter, baby!" Bati ni Gunn kay Glitter nang dilaan siya nito sa braso.

"Anong 'baby'? Sa 'kin anak 'yan, kingina mo." Sambit ko.

"For your information, sa akin siya. Pinapaalaga ko lang siya sa 'yo."

"Sa akin siya." Pakikipagtalo ko.

"'Wag na kayong mag-away dahil sa akin siya. Ako ang nanay niya, shut up kayo."

Pareho kaming umismid ni Gunn nang pag-laruan ni Blaire si Glitter, tapos na agad siyang kumain.

"'Lo, p'wede ba kami matulog dito? Yieee, papayag na 'yan." Sinundot-sundot pa ni Blaire ang tagiliran ni lolo.

"Papayag ako kapag itinigil mo 'yang ginagawa mo." Tumigil naman kaagad si Blaire sa ginagawa niya, pagkatapos ay pumayag si lolo basta raw hindi kami magpupuyat.

Tinapos ko na rin ang pagkain ko saka umakyat, sumunod naman si Gunn at Blaire kasama si Glitter.

Pagkatapos kong maligo ay sunod si Blaire, pagkatapos ay si Gunn naman. Inilibot nila ang paningin sa kwarto ko, marami na kasing nagbago ro'n.

"Wala na 'yong family picture niyo rito?" Takang tanong ni Blaire habang nakaturo malapit sa pinto ng banyo-- roon ang puwesto n'on-- alam nila kung gaano ko kamahal ang pamilya ko at kahit isang litrato ay hindi ko magagawang alisin iyon sa kwarto ko.

"Ahh, nasa Spain 'yon." Tugon ko.

Napa-tanong sila. Napa-tingin naman sila roon sa painting sa harap ng study desk ko saka sila napatingin sa isa't isa. Ipininta ko 'yong lalaki na laging nasa panaginip ko. Kamukha niya kasi 'yong batang... nangako sa 'kin.

"Kilala mo ba 'to, Alondra?" Turo ni Blaire roon sa painting.

Nagkibit-balikat ako, "Hindi ko sigurado kung siya nga iyon. Madalas siyang nasa panaginip ko at kahawig niya 'yong batang... kalaro ko n'ong bata ako."

Nagkatinginan sila saka sabay na ibinalik ang tingin sa akin, "Storm Alexander."

+++++
thanks for reading!<3

Chasing StormWhere stories live. Discover now