Alondra's POV
Hindi gaya ng kahapon, sa condo kami nag-almusal. Si kuya Carlos ang nagluto ng agahan namin.
"How's school?" Tanong niya sa amin habang kumakain.
Sa aming magkakapatid, siya ang tumatayong ama kapag wala si papà or si lolo. He's responsible unlike kuya Cristobal. Alam kong may galit din sa akin si kuya Carlos dahil noong bata pa kami ay lagi niya ako inaaway. Nagbago iyon n'ong mag-college siya.
"Okay lang sa 'kin. Ewan ko lang d'yan sa nasa kaliwa mo." Ani kuya Cristobal saka sumulyap sa 'kin.
"Why?" Napatigil sa pag-nguya si kuya saka marahas na binitawan ang kubyertos na hawak niya, napaigtad ako. "May naka-away ka na naman ba?"
Tumungo ako, nakakatakot kaya magalit si kuya! Hindi na lang ako sasagot para hindi na ako-
"I'm asking you, Alondra Calil."
"Ano kasi... Oo. May rason naman, kuya!"
"What is the reason?" Tumaas ang kanang kilay niya.
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi, baka sabihin niya lang ulit na "friend? O baka naman gusto mo? Malandi ka talaga." Kaya nanahimik na lang ako.
Nang makarating sa school ay ganoon pa rin, may epal nga lang.
"Baby, that's the girl who punched me yesterday." Nakangusong anito saka ako tinuro.
"Hoy! Ikaw!" Sigaw naman n'ong lalaking katabi niya.
Matangkad siya, siguro 5'10 ganoon. Tinuro niya ako saka sinenyasan na lumapit sa kanila. Napakamot ako sa batok ko saka lumapit sa kanila.
"Ano?!" Iritang tanong ko, kapag ito gumawa ng away at nalaman ni kuya, ewan ko na lang!
Walang hirap kong sinalag ang kamao niya, anak ng! Sabi ko na nga ba't gagawa ng away 'to, eh!
"Kung naghahanap ka ng ka-suntukan, 'wag ako." Sambit ko sa malalim na boses, kapagkuwa'y tumalikod na at dumeretso sa cafeteria.
Ano ba 'yan! Gutom pa ako, eh, tatlong sandok na ng kanin 'yong almusal ko. Hindi kaya may bulate ako sa tiyan?!
"Hi!" Napatingin ako roon sa may vending machine, nasa labas na ako ng cafetria. Lumapit sa akin 'yong babae na matangkad ng ilang pulgada sa 'kin, naka-messy bun 'yong buhok niya at morena. "Hope Devera." Inilahad niya ang kamay niya, tinanggap ko naman iyon.
"Alondra Calil Vazquez." Wika ko saka sumipsip ng chuckie.
"Your name sounds familiar." Napahimas siya sa baba niya, "Are you somehow related to the richest family in the world?" Naningkit ang mga mata niya.
Napa-ubo ako, "H-hindi! Ano, mukha ba akong mayaman?" Napakamot ako sa pisngi ko.
"May pagkaka-hawig kasi kayo n'ong bunsong babae nil 'tapos pareho pa kayo ng name." Napatango naman ako, "They own this school."
"Baka naman kahawig ko lang! Section two ka rin?" Pagiiba ko sa topic.
"Yes, we're classmates." Tugon niya, "I follow her on instagram. Take a look at her photos." Kapagkuwa'y dagdag niya saka may kinalikot sa phone niya.
Pucha.
Hinarap niya ang phone niya sa akin saka pinakita 'yong picture. Naka-champagne gold cocktail dress iyon, light lang ang makeup niya at naka-pusod ang buhok niya na may nakatakas na ilang hibla ng buhok niya.

YOU ARE READING
Chasing Storm
RomancePromises. A simple word that holds a huge meaning. An agreement. Promises are meant to be kept, they say. That's why a girl named Alondra Calil Vazquez chased Storm. It's because of a promise. Will Storm remember the oath they share? Or continue to...