chapter twelve

223 4 2
                                    

Chapter Twelve:

            “Jayla anak may nag-hahanap sayo.” Rinig kong tawag sa akin ni tita ellen mula sa labas ng bahay namin. Kakauwi ko lang galing hospital dahil plano kong matulog kahit sandali dahil anong oras na  ngayon alas onse na ng gabi at kailangan ko pang gumising ng alas-tres ng madaling araw para mamili ng mga lulutuin bukas ng umaga. Hinatid ako ni Martin dito sa bahay namin dahil iyon daw ang bilin ni Larce. Hindi ko alam sa lalaking iyon kung ano bang gusto niyang mangyari at gumagawa siya ng mga bagay na mapagkokonekta sa amin. Buwisit kasi eh.

            “Sandali lang po.” Sigaw ko at daling bumaba para pag-buksan siya ng pintuan. Pagbukas ko ng pinto ay parang gusto kong isarang muli dahil sa lalaking kasama ng tiyahin ko. Talaga bang hanggang dito sa bahay namin ay hindi niya ako tititgilan. Tumikhim ako para maagaw ko ang mga atensyon nila ni tita na tila sarap na sarap sa pakikipagkwentuhan sa isa’t isa. Close na sila agad kung si Chris nga eh kahit na matagal na kami ay hindi kinausap ni tita ng ganito eh. Inis kasi sila sa isa’t isa, ayaw ni tita kay Chris at ayaw naman ni Chris kay tita.

            “Jayla. Itong si Rev hinahanap ka.” Wow first name basis na. Nginitian ko naman itong si tita at nilingon si Larce na ngayon ay nakangiti ng malapad sa akin, anong problema ng lalaking ito? “Sige maiwan ko na kayo at akong matutulog na.” Ika ni tita at agad din na umalis ngunit may pahabol pa. “Ikaw na bahala Rev sa pamangkin ko ha.”

            “Opo tita ellen.” Sagot naman ng lalaking ito ngunit hindi naman nag-abalang lingunin ang tiyahin ko dahil tila napako lang sa akin ang mga mata nito na sobrang expressive at sa hindi ko malamang dahilan ay pumintig ng kay bilis ang puso ko lalo na ng idampi nito ang mga labi niya sa mga labi ko mabilis lang ngunit ramdam ko ang lambot ng mga labi niya at ang milyong milyong boltaheng dumadaloy ngayong sa buong pag-katao ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng pisngin ko sa ginawa nitong paghalik.

            Napatingin ako sa mga labi nitong ilang sentimetro lang ang layo sa mula sa labi ko. Nag-lapside smile siya na nagpabalik sa akin sa ulirat. “Hindi porke may utang ako sa iyo ay malaya ka ng gawin ang gusto mo sa akin.” Simpleng sabi ko at lumayo ng kaunti mula sa kanya. Nuon ko lang siya napagmasdan ng maayos, naka-suit pa ito at dala pa nito ang mailman bag niya. Huwag niyang sabihing galing siya sa trabaho at dumiretso siya dito.

            “Yeah, galing pa akong office.” Wika nito na nagpabalik ng tingin ko sa mukha niya. Tumutubo ng muli ang kanyang balbas at ang kanyang bigote na lalong nag-pagwapo sa kanya. “Pwede ba kong pumasok na kasi ang lamok eh.” Ika niya at nagbigay naman ako ng puwang para makapasok siya.

Larce P.O.V

            “Bakit ka nandito?” Tanong nito sa akin ng makaupo ako sa isa sa mga single sitter sofa nila. Nakatayo ito malapit sa pintuan na nakahalukipkip pa at bakas ang pagka-balisa sa kanya. “Ang usapan diba natin hindi mo agad ako sisingilin sa utang ko. Nakakalimot ka ata. At hindi mo na kailangan pang personal na pumunta dito sa amin dahil marunong akong magbayad ng utang kung iyon ang kinapapangamba mo.”

            Tumayo ako at isinarado ang pinto dahil gabi na at hinahayaan niya pang bukas ang pintuan niya baka mas masamang loob ang pumasok na lang dito sa bahay. “Bakit mo isinara? Hayaan mong bukas yan.” Bulalas nito at agad na inagaw sa akin ang seradura at muling binuksan ang pintuan. Ano bang problema nito pero hinayaan ko na lang siya sa gusto nito at marahang sumandal sa hamba ng pintuan. Lumayo ito sa akin na para akong masamang tao na dapat iwasan. At hindi ko makuha kung bakit at isa pa tila ninenerbyos ito dahil kung saan-saan nadadapo ang mga kamay niya.

            “Madali palang puntahan itong sa inyo.” Sabi ko at nilingon siya saglit at nakita ko siyang nakatingin sa akin. Kita ko ang takot sa mga mata niya at ang hindi pagiging komportable.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AFFAIR WITH A TOTAL STRANGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon