chapter eleven

147 3 0
                                    

Chapter Eleven:

Nandito ako sa loob ng kusina ng kainan namin kasama si Chris. Nag-luluto ako para sa miryenda mamaya habang siya naman ay nag-pupunas ng mga pinggan. Si mama naman ay nasa labas at inaasikaso ang mga kumakain at si Jayver naman ay nasa eskwelahan. Tatlong araw na rin ang nakakalipas noong pagkikita namin ni Larce at hanggang ngayon ay nabubugnot pa rin ako sa tuwing naaalala ko ito.

Tahimik lang kami hanggang sa tawagin ako ni mama mula sa labas. Dali akong pumunta kay mama na ngayon ay kaharap si Mr. Ortega, siya iyong may-ari nitong kinatitirikan ng kainan namin. Mabait naman iyan kaso nga lang mukhang pera. “Bakit po kayo napadalaw Mr. Ortega?” tanong ko sabay lahad ng kamay. Tinanggap naman niya ito.

“Tungkol sa kainan ninyo, sa renta. Alam kong gusto nyo talaga ito at kita ko ang pag-sisikap ninyong mabayaran ito pero ilang buwan na kayong palyado sa pag-babayad at...” Pinutol ko siya sa kanyang pag-sasalita ang dami pa kasing satsat.

“Ano po ba ang ibig ninyong sabihin? Direstohin ninyo na po kami.” Ika ko at marahan siyang pinakatitigan. Nakita ko naman ang pag-aalinlangan sa mga mata niya.

“Ibabalik ko ang porsyentong binayad ninyo para mabili itong pwesto, iyong bayad sa renta ninyo na lang ang kukunin ko basta sa pagkatapos ng isang buwan ay nalisan na ninyo itong pwestong ito.” Paliwanag niya. Napamaang naman ako sa sinabi niya. Hindi ko makuha ang linaw ng usapan namin noon tapos ngayon sasabihin niya na ganito. Hindi ko makuha.

Nilingon ko si mama na tahimik lang sa tabi ko. Bakas ang lungkot sa mukha nito. Binaling kong muli ang atensyon ko kay Mr. Ortega. “Bakit naman po? Baka naman po pwede pa nating pag-usapan ang tungkol dyan. Magbabayad naman po kami sadyang gipit lang po kami.” Ika ko dito. “At higit sa lahat malinaw po ang usapan natin.”

“Ihja, malaki ang offer sa akin sa pwesto nyo triple ng pinag-usapan natin at on cash ito at hindi naman ako tanga para pakawalan ito.” Paliwanag nito. Mukha talagang pera naibulong ko na lang sa sarili ko. Gusto kong bangasan ang matandang ito dahil naiiyak na si mama pero Jayla respeto, respeto sa kapwa ang susi sa tahimik na pagsasama.

Ngunit napa-isip ako sino ba ang magkakagusto sa pwesto namin? Hindi naman ito ganoong kalaki at higit sa lahat malayo ito sa syudad o kung ano paman na maibabalik agad sa bumili ang perang kanyang ginamit. Pero kung sa sinabi ni Mr. Ortega mukhang wala kaming laban lalo na ngayong wala naman akong trabaho. At triple ng offer niya sa amin, kung ang offer niya sa amin ay 1.2 million ibig sabihin 3.6 million ang ibabayad nito at in-cash pa. Aba kay yaman naman ng taong iyon pero kulang sa strategy. Hindi naman gaanong pangkomersyo ang pwesto na ito. Tama lang para sa mga maliliit na negosyo katulad ng saamin

“Ibabalik ko naman ang ilang porsyento ninyo upang makapagsimula kayong muli, huwag kayong mag-alala.” Paninigurado nito. Napatango na lamang ako dahil hindi ko alam kung ano pa bang kamalasan ang dadating sa buhay ko. Hindi ko akalain na mababaliwala lang ang pinaghirapan ko at ni mama. Gusto kong umiyak pero hindi dapat dahil lalo lang hihina ang loob ni mama kung gagawin ko iyon. Kailangan kong magpakatatag.

Buong maghapong lutang ang isipan ko kung paano ko masusulusyunan ang problema namin kahit alam ko na wala naman kaming panama sa kung sino man ang nais bumili ng lupa na iyon. Sumain mo triple ng ibabayad namin, kung kami nga hinahagaran na sa maliit na halaga paano pa kaya siya. Marahil mayaman talaga ito at kayang pag-aksayahan ng pera ang karampot lamang na lupa. Lintik naman kasi ang daming mas magandang lupa dyan pero yung sa amin pa talaga ang napili.

Napaisip ako baka may laban naman kami sa barangay o sa korte kung iaapila namin ito ang kaso isang gastusin pa iyon at sigurado akong hindi papayag si mama dahil ayaw nuon sa magulong buhay. Gusto nuon at peace ang lahat kahit na binabaliktad na siya ng iba ang buti pa rin nya. Kawawa naman ang mama ko.

AFFAIR WITH A TOTAL STRANGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon