Job hunting

398 4 0
                                    

Chapter four: Job hunting

Napamulat ako ng maramdaman kong may humahaplos ng pisngi ko at nakita ko ang lalaking ni kailan man ay hindi ko ninais makita o makilala. Napa-upo akong bigla at napa-atras hanggang sa headboard ng kama dahil umusod siya papalapit pa lalo sa akin. Kinabahan ako at natatakot sa maaari na naman niya gawin pero pilit kong kinalma ang sarili ko dahil baka sabihin nito na mahina ako at mag-take advantage na naman siya.

Tangna niya!!! Masakit pa buong katawan ko sa mga pinag-gagawa niya sa akin.

“huwag kang matakot okay.” Sabi niya sabay hawi ng nakalaylay na buhok sa mukha ko. “Tara kain na tayo. Tanghalian na oh!” dagdag pa niya at may ngiting kumurba sa mga labi niyang mapupula. Iba itong ngiti niya, isa itong ngiti na tila anghel na akala mo walang kayang gawing masama sayo.

“Mag-bibihis lang ako.” Sagot ko na hindi magawang tumingin sa mga mata niya dahil tila may kakaibang nais iparating ang mga ito. Naka-upo pa rin siya sa kama kaya hindi pa ako makapag-bihis. “Pwede lumabas ka muna.”

            Ngumiti naman siya ng pilyo kaya sinamaan ko siya ng tingin alam ko yang tumatakbo sa isip niya na nakita na rin naman yung katawan ko bakit pa ako mahihiya. Bwisit siya.

“Okay. Okay, ito na.” Ika niya habang papalabas ng kwarto niya. Pagkalabas na pagkalabas niya agad akong kumuha ng damit sa cabinet na nakita ko at dumiretso sa banyo para maligo.

Pagkalabas ko sa banyo, pinusod ko lang ng isang french buns iyong buhok ko at lumabas ng kwarto niya. Nakita ko naman siya na nakatayo sa may harap ng glass window ng opisina niya at tila malalim ang iniisip. Huwag niyang sabihing nakukunsensya siya sa pang-gagago sa akin. Gago pala siya eh, manung nag-iisip kasi muna siya at hindi dinadaan sa init ng katawan, este ng  ulo ang mga bagay-bagay.

Pumasok akong muli sa kwarto niya. Paano nga ba ako uuwi ng naka-ganito. Kumuha ako ng boxer at THADHA!!! Nahuhubo sa akin kaya ibinuhol ko palikod ‘yon para lumapat sa kin. Kakahiya naman itong suot ko. Nasaan ba kasi yung mga damit ko. Ai bahala na ang mahalaga maka-alis na ako sa lungga ng ulupong na ‘to bago pa ako tuklawin na naman nitong lalaking ito.

Paglabas kong muli nakita ko siyang naka-upo na sa couch at nakaharap sa maraming pagkain.

HUWAAAAAAAAAAH!!! Nagutom tuloy ako bigla pero hindi na, uuwi na ako.

“Tara na, kailangan mong mag-palakas.” Errr! Baldado?may-sakit? O nagca-care siya sa akin? Chosz niya. Huwag niya akong daanin sa mga paganyan-ganyan niya. Akala niya pagkatapos ng ginawa niya sa akin eh sa konting kabaitan eh makakalimutan ko yung ginawa niya sa akin hindi noh!!!

Naka-titig lang ako sa kanya at hindi kumikilos o anuman. Tumayo siya at napa-atras ako dahil baka mamaya saktan na naman niya ako. Pumunta siya sa desk niya at may-inilabas na folder?

“Pirmahan mo yan.” Utos niya pagka-abot na pagka-abot niya sa akin nung folder at wala akong paki-alam.

“Huwag kang mag-alala walang makaka-alam nito, hindi kita ipakukulong, basta kalimutan na lang natin ang lahat.” Inihagis ko sa kanya iyon. Ayoko na ng gulo kaya ayan , ako ng argabyado ako pa iyong tumitiklop sa sitwasyong ito.

“Hindi mo alam ang pinapasok mo Jayla.” Mapagbanta niyang saad sa akin. “Gagawin kong miserable ang buhay mo, tandaan mo ‘yan.” Dagdag pa niya.

Oo kinabahan ako pero wala na akong maisip. “Gawin mo ang gusto mo.” Sagot ko at naglakad na papuntang pintuan at laking pasalamat ko bukas ito. Bwisit pala itong pintuan niya, kagabi na kailangan kong makatakas naka-lock ngayon namang pa-easy ako hindi naka-lock. Akala ko hahabulin niya ako pero hindi. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot sa mga sinabi niya o ipag-sawalang bahala na lang ang mga iyon dahil hindi na rin naman magku-krus ang landas naming dalawa.

AFFAIR WITH A TOTAL STRANGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon