: Tamang usig ng konsensya
“Sir!” nagising ako sa pagtawag sa akin ni Mang Kardo, mayordomo ko. Mainam na ang lalaki madaling makasundo. Pero may maid din ako.
“Pasok!” sagot ko naman. Narinig ko naman ang pagbukas at pagsara ng pinto at natanaw ko ang imahe ni Mang Kardo, nasa early fifties na si Mang Kardo, binata dito na kasi siya tumanda sa bahay kaya ayan hindi man lang nagawang mag-asawa pero sabi niya masaya naman daw siya dahil parang anak na rin ang turing niya sa akin. Magaan ang loob ko dyan kay Mang Kardo kaya panatag na ako.
“Good Morning Sir! Nandyan na po sa ibaba yung hired P.I. nyo.” Bati niya sa akin. Napatitig naman ako sa kisame, anu naman kaya ang balita na matatanggap ko ngayon.
“Sige susunod na po ako.” Magalang na sagot ko. Parang tatay na rin ang turing ko sa kanya, siya yung tatay na ka-vibes ko hindi katulad ng tunay kong ama na dinadaan ang lahat ng bagay sa marahas na paraan.
Agad na lumabas si Mang Kardo. Na natili pa ako sa pagkakahiga ko sa kama ng maka-ilang minuto. Bakit ko ba ito ginagawa? Iyan ang tanong ko sa sarili ko na hindi ko naman masagot sagot dahil wala akong ideya miske sa sarili ko kung bakit ako ganito, kung bakit ko ito ginagawa. Ano nga ba ang dahilan ko?
Bumangon ako at tumungo ng banyo para maligo. Habang tuloy yung buhos ng malamig na tubig sa katawan ko ramdam ko yung mga pag-haplos niya, mga halik niya at pati na rin ang pagpupumiglas niya. Ano bang ginawa sa akin ng babaeng iyon? Ano ba ito? Tamang konsensya lang ba ito o higit pa roon?
Habang pinapatuyo ko ng towel ang buhok ko ay tinungo ko yung drawer sa tabi ng kama ko, kinuha ko yung isang folder na naglalaman ng mga impormasyon tungkol kay Jayla. Tungkol sa babaeng umiikot sa isipan ko sa mga oras na ito.
Sino nga ba siya? Si Jayla Briones, 24 anyos. Panganay sa dalawang magkakapatid. Ulila na sa ama. Ang ina ay isang may ari ng isang maliit na kainan. Dati siyang nagta-trabaho sa BMJ Real Estate at dahil nga pinatanggal ko siya ay wala siya ngayong trabaho. Ilan lang iyan sa mga nalaman ko sa kanya bukod duon sa nalaman kong ako ang naka-una sa kanya. Kaka-break lang pala niya sa boyfriend niya nuong gabing magkita kaming muli.
Pagkatapos ng ilang minuto sa pag-basa nuong mga impormasyong iyon agad ko itong binalik sa lalagyanan at lumabas na ng kwarto ko. Naka-suot na ako ng pang-trabaho ko, didiretso na ako sa opisina pag-katapos ko rito sa P.I. na ina-appoint ko.
Natanaw ko naman siya agad pagbaba ko palang ng hagdanan na naka-upo sa isa sa mga couch sa sala habang humihigop ng tea. TEA??? May tsaa pala kami dito sa mansyon. Napatawa naman ako sa isip ko sa isiping iyon. Hindi naman kasi ako pala-tsaa kaya hindi ko alam. Agad siyang tumayo ng makita niya ako.
“Good morning Mr. Santiago.” Bati niya sa akin.
“Magandang umaga din, maupo ka.” Tugon ko sa kanya at umupo kaharap niya. “Ano ng balita sa kanya?”
Muli siyang humigop ng tsaa pagka-upo niya. Ibinaba niya yung hawak niyang tasa ng tsaa at tumingin sa akin na parang tinatanto pa ang mga sasabihin niya. Prente lang akong naka-upo sa harap niya habang humihigop ng kape.
“Sir, pina-alis po siya sa tinutuluyan niyang apartment.” Saad niya at tumingin sa akin na parang nag-tatanong kung itutuloy pa ba niya o hindi. Nanatili lang akong tahimik kaya naman nagpatuloy lang siya sa pagsasalita. “At ngayon po ay nasa bahay siya ng kanyang ina at kasalukuyang nasa ospital.”
Napatingin naman ako sa kanya ng marinig ko ang mga huli niyang sinabi. Nasa ospital siya. Bakti naman kaya?
“Ayon sa doktor sobrang pagod daw po ang dahilan ng bigla niyang pagkahimatay.” Sobrang pagod? Sobra na ba yung pag-papahirap ko sa kanya? Hindi naman pag-papahirap iyon, gusto ko lang siyang turuan na hindi niya ako dapat kinakalaban at oras na malaman niya na ako ang dahilan ng pag-hihirap niya matututo na siyang kumilala. Hindi ko rin naman alam kung bakit ganito ka big deal ang lahat sa pagitan namin nung babaeng yon.
BINABASA MO ANG
AFFAIR WITH A TOTAL STRANGER
RomanceSa buhay ng isang babae, marami tayong pinangangalagaan. Ang ating pamilya. Ang ating pag-katao. Ang ating sarili. Ang ating pagkababae, ngunit hindi natin masasabi ang magiging takbo ng panahon. Kahit man sabihin natin na ayaw mo at hindi mo gagawi...