Chapter five: home sweet home
Nag-impake na ako ng mga gamit ko pag-katapos kong mag-muni muni. Wala naman na akong magagawa kung, nangyari na ang nangyari ang mahalaga ngayon ay ang ngayon at ang bukas. Hai ewan ko! Nakakapagod nang mag-isip. Lalo’t wala rin namang mangyayari sa kakaisip ko.
Sumakay na akong bus pasa amin. Bahala na kung anung dahilan ang sasabihin ko kay mama at kung paano ko sasabihin iyong nanyari sa akin o kung dapat ko pa bang sabihin sa kanya iyon. Sasabihin ko ba na nawala yung virginity ko sa hindi ko naman kilalang lalaki kasi hindi ko rin namang masabing rape yon, kasi nag-paubaya ako, pero atleast nanlaban ako pero nagpaubaya pa rin. Hai!buhay!
“Miss gising na, nasa babaan na po tayo.” Naalimpungatan ako sa pagkadinig sa nagsalita. Iyong kunduktor pala. Sa layo ng biyahe napagod ako.
“Salamat po.” Pagpapasalamat ko duon sa kunduktor at agad kinuha yung bag ko na nasa itaas nakalagay buti kami walang nagkamaling nakawin ‘to. Kasi nganga siya, ang laman lang kasi non ay dyaryong pamparikit ni mama. Ito yung mga dyaryong pinaghanapan ko ng trabaho, sa kahoy kasi nag-luluto si mama ng mga ititinda niya duon sa kainan namin kasi mas masarap kapag luto sa kahoy. Atay-atay lang ang apoy kaya lalong naabsord nung laman yung lasa ng bawat sangkap.
Okay, tama na. Nasaan na nga ba ang pinakamagandang nilalang sa buong mundo? Well nandito na ako sa bayan namin. Sakay ka na lang ng jeep tapos tricycle pa-barangay namin, ayun tanaw ko na ang kainan namin. Panigurado akong magugulat ang mama kasi hindi niya alam na uuwi ako, nagpapa-abiso kasi ako kapag-uuwi ako sa amin. Ito kasi alam niyo na biglaan, wala rin naman kasi akong matutuluyan sa Manila, alangan naman kay Chris na kutunglupa eh hiwalay na nga kami diba.
Hindi ako sa kainan namin bumaba, syempre hindi naman kasi duon ang bahay namin. Nagpadiretso pa ako, duon ako sa bahay namin baba kasi napapagod talaga ako ng sobra. Malamang sa malamang walang tao sa bahay kasi nasa kainan silang dalawa, si mama at si bunso. May susi naman ako kaya ayos lang din, at ako po ay makakatulod ng maayos dahil wala ang magaling kong kapatid na paniguradong maghahanap ng pasalubong, eh wala nga akong trabaho kaya walang akong pera so it means walang pasalubong.
“ATEEEEEH!” napabalikwas ako ng bangon sa narinig ko. Naku po ang bunso namin ayan na.
Humiga akong muli at nagtalukbong ng kumot. Magtutulug-tulugan muna ako.
“Ate gising na! Pasalubong ko asan na?” aouch lang. Ang bigat ng kapatid ko. Ginigilgil pa yung taba niya sa akin. Aray ko po.
“Bunso ang bigat.” Daing ko kaya agad siyang umalis sa ibabaw ko. Nililis ko yung kumot at nakita ko ang magaling kong kapatid na kinkalkal yung bag ko. Sige lang, tignan ko lang kung may makita ka.
“Bakit wala akong pasalubong?” tanong niya na nag-tatampo. Naka-pout pa ang loko. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa kanya.
“Sa susunod na lang ha.” Sabi ko sa kanya. Hindi ko man alam kung kelan ang susunod na iyan basta kapag nagkatrabaho na ulit ako meroon na ulit pasalubong. Walang wala lang talaga ako ngayon. Hindi ko rin naman ma-withdraw yung pera ko sa atm kasi po wala ng laman yun kasi nuong nagkasakit itong bulinggit na ‘to, yung pera ko duon ang ginamit.
Hai! Mahirap ang maging mahirap.
“Promise?” paninigurado niya. Sigurista talaga itong isang ‘to. Kalalaking tao.
“Oo, promise.” Sagot ko naman.
“Pinky finger swear?” itinaas naman niya iyong pinky finger niya kaya.
“pinky finger swear.” Sagot ko at nag-pinky finger swear kami. “Okay na, kiss ni ate? Hindi mo ba ako namiss?”
Ngumuso ako para i-kiss niya ako at ang natanggap ko ay isang supalpal. Ang bait na kapatid, diba.
BINABASA MO ANG
AFFAIR WITH A TOTAL STRANGER
RomanceSa buhay ng isang babae, marami tayong pinangangalagaan. Ang ating pamilya. Ang ating pag-katao. Ang ating sarili. Ang ating pagkababae, ngunit hindi natin masasabi ang magiging takbo ng panahon. Kahit man sabihin natin na ayaw mo at hindi mo gagawi...