Chapter ten: His Proposition
Napababa ako ng tingin sa mga sinabi niya. Nahihiya ako. Hindi ko kayang makipag-titigan sa kanya, hindi kagaya dati na kaya kong makipag-titigan sa kanya dahil alam ko na may ipag-mamalaki ako kung sakaling magkatuluyan kami. Pero hindi na kagaya ngayon na wala akong maipag-mamalaki at ang nakakahiya pa roon ay hindi ko man lang alam kung sino at ano ang pinag-mula ng lalaking gumawa sa akin nun.
Ang gulo ko naman kasi, sabi ko hindi ako magpapa-apekto pero ito ako ngayon, iniisip pa rin yun. Ang hina ko, ang hina-hina ko. Niyakap niya ako at sinu-sway niya pa. kahit papaano gumagaan yung pakiramdam ko.
“Jayla, nakilala kita dahil sinampal mo ako dahil nakita mo akong may ginagawang kababalaghan duon sa girl’s rest room at pati yung babae. Sinigawan mo. Sabi mo pa nga ‘Mang walang modo. Mahiya nga kayo sa mga nakakakita sa inyo.’” Tumawa siya at itinuon yung tingin ko sa kanya. ngumiti siya naparang nag-sasabing ayos lang ang lahat, huwag ka ng mag-intindi. Tumango naman ako tsaka humilig ulit sa dibdib niya. Nakakagaan ng loob na nandito si Chris sa tabi ko.
“Tapos hinarap mo ko at sabi mo ‘ikaw namang lalaki ka akala mo ikinagwapo mo yang ginagawa mo, mahiya ka naman.’ Nilingon mo naman yung matanda sa tabi mo tapos inakay mo palabas ng cr at nagulat pa ako ng bumalik ka pa para maghugas ng kamay at mariin mong sabi ‘Nandidiri ako sayo.’ with matching panlalaki pa ng mga mata yun ha.” Pag-papatuloy niya sa nasimulan na niyang kwento.
Naalala ko naman lahat ng mga pangyayaring iyon sa buhay namin. At natawa ako. Totoo yung sinabi niya na ‘yun. Bilib din ako sa memorya ng isang ito natandaan pa niya iyon. Hindi naman sa nakalimutan ko na, hindi ko lang talaga kasi matandaan pero nung kinuwento niya iyon noong nililigawan niya ako naalala ko naman ang lahat. “Ikaw kasi malandi ka masyado.” Puna ko sa kanya at tumawa ng marahan.
Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin pero hinila naman niya ako pahiga sa kama katabi niya. Iniangat niya pa ako ng kaonti para mas maging komportable ako at ipinulupot niya ulit sa bewang ko ang kabila niyang kamay kasi naka-unan ako sa kabila. Nilaro naman niya ang buhok ko at tila inaamoy-amoy pa.
“Sige na, ako na. pero yung landi ko naman lagin tiklop pag-dating sayo.” Pagmamaktol niya ay hinapit yung ulo para lalo pang mabaon sa dibdib niya. Natawa naman ako at marahan siya tinulak para makahinga ako. “Pag-dating nga sayo pakiramdam ko ang panget-panget ko. Parang lahat ng karisma ko panis sayo. Alam mo yung kahit anong gawin kong pag-papacute na nagmukha na akong aso wala pa rin sayo.” Litanya niya kasama pa yung pag-arte niyang umiiyak. Natawa naman ako. Ang arte lang talaga ng isang ito.
Inilayo ko naman ang mukha ko sa kanya at piningot ang ilong niya. “Pero isang matamis na oo naman ang nakuha mo noong hinarana mo ako sa tapat ng apartment ko. Worth it naman diba.” Dipensa ko naman kasi lalabas na ako na naman ang masama nito eh. Tumawa siya at marahan akong hinalikan sa noo.
“Oo, sobra. Nakakahiya kaya ‘yun. Lahat ng nasa tenament nyo lumabas pa, eh halos alas onse na nga ako ng gabi pumunta para hindi ako pag-piyestahan ng mga kapitbahay mo pero wala. Nanduon pa rin sila at nakikitili pa.” sabi niya na parang sariwang-sariwa pa sa isip niya ang mga nangyari noon. Napabungtong-hininga siya at tumingin sa akin na may ngiting tagumpay. “Akala ko nga nun eh, babastedin mo ako kasi hindi ka man lang mangiti pero nagulat ako ng bigla kang pumasok sa apartment mo at nag-sisigaw. Napa-takbo tuloy ako ng wala sa oras at kinatok kita ng kinatok tapos narinig namin nag-sisigaw ka na naman. Natakot ako kasi ang sama na ng tingi sa akin ng mga kapitbahay mo.”
Napatawa naman ako sa pag-kakaalala nun. Oo, nag-sisigaw ako sa sobang kilig kasi siya lang ang gumawa nun sa akin kaya sobra yung kilig ko. Sobrang espesyal ang pakiramdam ko ng mga oras na iyon dahil parang wala naman sa tipo ni Chris ang gagawa nun pero ayon na nga nagawa na niya.
BINABASA MO ANG
AFFAIR WITH A TOTAL STRANGER
RomanceSa buhay ng isang babae, marami tayong pinangangalagaan. Ang ating pamilya. Ang ating pag-katao. Ang ating sarili. Ang ating pagkababae, ngunit hindi natin masasabi ang magiging takbo ng panahon. Kahit man sabihin natin na ayaw mo at hindi mo gagawi...