sana next up-date ko kasing rami ng reads ang votes pati na rin ng comment... ang lungkot kasi na marami naman ang reads pero ang votes wala. and and demanding nyo pa sa UD then hindi nyo naman pala ivo-vote... masakit lang sa part ko as author...
Dapat galit ako eh!
Jayla’s P.O.V.
Iminulat ko ang mga mata ko. Pakiramdam ko kasi sobrang hapong-hapo yung katawan ko. Parang sobra akong pagod kahit nakahiga lang.inilibot ko yung tingin ko sa loob nitong kwarto at paniguradong nasa ospital ako. Napatingin naman ako sa taong may hawak ng kamay ko at agad na binawi ang kamay kong hawak niya na sanhi ng pagkagising niya. Mamaya kasi mahawa ako ng virus sa lalaking ito kaya binawi ko yung kamay ko.
“Jay, okay na ba ang oakiramdam mo? Ayos ka na ba?” tanong niya na pinasadahan ako ng tingin sa katawan ko upang tignan kung meroon man kung anong galos at sugat ata.
“May gusto ka bang kainin? Tanong niya at damang dama ko yung pag-aalala niya. Hai! Kahit kailan talaga napaka-bait at maalalahanin itong si Chris, gago nga lang pagdating sa s*x. Tinignan ko lang siya habang patuloy lang siya sa paghimas ng kamay ko. Natutuwa ako kasi kahit na ganun si Chris napabuti niya kaya naman hindi mo mapipigilan ang sarili mong mahalin siya.
“Ai!oo nga pala may dala ako para sayo.” Ika niya na kakamot-kamot sa ulo niya. Tumayo naman siya pumunta sa kabilang side ng hospital bed at binitbit ang isang plastic pabalik sa kanina niyang inuupuan sa tabi ko. Napatingin naman ako sa supot na ipinatong niya sa higaan ko. Mula duon ay may inilabas siya mga lansones.
WOW!!! Paborito ka yun! Heheh.
“Diba Jay ko, paborito mo ‘to.” Sabi niya habang binabalatan yung isang lansones. May naiisip ako. Mapag-tripan nga ‘to.
“Ako, paborito ko yan? Oh! Baka naman paborito yan ng isa sa mga babae mo.” Sarkastiko kong sabi at tiningnan ko siya na wala siyang mababasa sa mga mata ko. Nakakunot nuong lumingon siya sa akin at parang nag-iisip kung ano nga ba yung sinabi ko. Napatingin naman siya ulit duon sa mga lansones at para siyang sira na tila may pinagtatanto.
“Hala ka!” ika niya na may pahampas pa sa nuo niya. Nako naman oh! Mukhang mahuhuli ko ang isang ito ng wala sa oras ah. Naku kapag sinabi niya na ‘ai sorry jayla ko, nawala sa loob ko’ naku! Naku! Itatapon ko siya pabalik sa pinanggalingan niya.
“Ako pa niloko mo, alam ko yan ang paborito mo, iyan kaya pinabili mo sa akin nung 1st monthsary natin. Akala mo ha! Blehh!” hala ka, natandaan niya pa yung first monthsary namin. Nag-date lang kami sa tabi-tabi at nakakita ako ng paborito kong lansones at nagpabili ako sa kanya ng dalawang kilo, seedless payung pinabili ko. Hahah!
Humalukipkip ako at nag-iwas ng tingin. Pero infairness natutuwa ako dahil natandaan niya yun akala ko kasi wala lang talaga para sa kanya iyong relasyon namin. Kahit papaano naman kasi napamahal na sa akin si Chris. Pati nga sila mama gusto-gusto si Chris kaso nga lang talaga hindi niya mapigilan kaya ayan lagi naming pinag-aawayan. Sinilip ko si Chris, aba at nakangisi ang loko. Tinaasan ko siya ng kilay.
“Baka gusto mo Jay ko na halikan kita dyan.” Pananakot niya at unti-unting papalapit sa akin yung mukha niya. Natutop ko naman ang bibig ko ng isang kamay ko at yung kabilang kamay ko naman ay ginamit ko para harangin yung mukha niya na papalapit sa akin. Binawi ko naman yung kamay ko ng bigla niyang halikan yung palad ko na nakatakip sa mga bibig niya. Agad niya akong hinalikan sa nuo at nagpatuloy lang sa pagbalat ng lansones. Sa totoo lang natutuwa ako na kinikilig sa lalaking ito kasi kahit papaano malambing at talagang sweet ang isang ito kung hindi lang talaga siya naknakan ng libog.
“Saan sila mama?” tanong ko habang nginunguya yung lansones na nasa bibig ko.
“Jay ko, huwag ka ngang magsalita na may laman ang bibig. Tumatalsik laway mo. Arayyy!” binatukan ko nga. Epal nito. Parang siya kung kani-kaninong laway nga ang dumadampi sa kanya tapos kung makasalita siya akala mo naman.
BINABASA MO ANG
AFFAIR WITH A TOTAL STRANGER
RomanceSa buhay ng isang babae, marami tayong pinangangalagaan. Ang ating pamilya. Ang ating pag-katao. Ang ating sarili. Ang ating pagkababae, ngunit hindi natin masasabi ang magiging takbo ng panahon. Kahit man sabihin natin na ayaw mo at hindi mo gagawi...