AFFAIR WITH A TOTAL STRANGER

1.3K 6 1
                                    

Prologue

            Ako si Jayla, masaya sa buhay na kung ano man ang mayroon ako at ang pamilya ko. Masaya ako sa trabaho ko. Masaya ako sa boyfriend ko kahit sobrang pilyo ng boyfriend kong si Chris. Sobrang saya ko kahit hindi kami ganung kayaman at kahit wala na si papa, buo pa rin kami nila mama at patuloy na nabubuhay para sa isa’t isa. Mahirap man dahil wala na kaming haligi ng tahanan at least nakakaya naming sustentuhan ang mga pangangailangan namin kahit minsan ay kinakapos dahil may binabayaran kaming lupa dahil sa maliit na kainan namin na nais na naming mapasaamin talaga at ilang mga utang na dapat bayaran. Ginagawa ko ang lahat para maging ayos na lahat kasi gusto kong bigyan ng magandang buhay ang pamilya ko kaya ito ako tinitiis na malayo kayla mama.

            Ako si Larce, wala na kong hihilingin pa sa buhay na mayroon ako. Lahat nasa akin na dahil gusto ko lahat ng bagay ay gumagalaw ayon sa kagustuhan ko. Makasarili ako, aminado ako. Wala naman akong masyadong sasabihin basta kuntento na ako kung ano man ang mayroon ako. Pera, lupa, businesses, at kung anu-ano pa na sa akin na kaya okay na ako sa buhay ko. Bago ko makalimutan may isang taong iportante sa akin, si mommy. Girlfriend,wala ako nun kasi mas marami pa akong dapat isipin kaysa dun. Muntento na ko, hindi masabing masaya pero masasabi ko na kuntento na ako sa buhay ko. Iyon lang.

AFFAIR WITH A TOTAL STRANGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon