want you back

385 10 4
                                    

Chapter six: want you back

            Ayoko mang isipin ang mga nangyari sa amin nung babae ay hindi ko pa rin maiwasan dahil may kakaiba sa kanya. Hindi ko naman sinasadyang maging marahas sa kanya dahil alam kong babae pa rin siya pero ang ayoko sa lahat ay yung pakipot dahil sa huli bibigay at bibigay rin naman ang dami pang pasakalye. Pero sa totoo lang ngayon lang ako nakonsensya sa ginawa ko pero ang higit sa lahat na naiisip ko ay ang mangyari ulit iyon sa amin. I want her back to my bed.

            Ang hirap magparaos sa iba na alam mo na hindi naman iyon ang kailan ng katawan mo para kumalma. Iyon bang tipong naka-ilang babae ka na pero hindi pa rin masatisfy yung needs mo. Parang kulang pa rin. Yung hinahanap mo hindi mo makita-kita o mahanap hanap kahit anung gawin mo. Nakakabaog lang. Isipin mo tigas na tigas ka kahit iniisip mo lang yung babae. Tanang buhay ko ngayon lang ako naging ganito at nakakakaba dahil baka mapano ako nito sa sobrang tigas. I f^ckingly need her.

Nandito ako ngayon sa opisina ko at nire-review ang ilan sa mga projects na dapat namin i-settle para mas mapalaki pa ang kompanya ko. Aaminin ko minsan nabo-bored na ako sa paulit-ulit na gawiin dito pero masaya ako tuwing nalalaman kong kumikita ng malakit ang bawat business na hawak ko. Bukod sa bars, coffee shops at itong kompanya na ito meroon din akong mga shares sa ibang kompanya at hawak ko rin ang ilang branch ng ilan sa mga sikat na food chain dito sa bansa kaya halos wala na akong mahihiling pa.

Marahil sa edad kong ito na 29 ay nasaakin na lahat ng bagay na maaaring hilingin o naisin ng mga kaedaran ko. Pera, marami ako niyan, sagana ako niyan at hindi ko problema ang pera. Bahay at lupa o kung anumang ari-arian meroon ako niya, marami ako niyan at hindi ko iyon maipagkakaila dahil nag-iinvest talaga ako ng pera sa mga bagay na pag-aari ko, ang gusto ko ang akin ay akin at nasisigurado ko na walang ibang nakikinabang o nagpapakasasa dito. Pero simula ng dumating sa buhay ko si Jayla parang may kulang, parang hindi lubusan ang saya ko hindi ko man alam kung ano iyon pero sigurado ako na malalaman at makukuha ko rin iyon.

Nuong araw na huli naming pagkikita ni Jayla may sinabi ako na paninindigan ko. Gagawin kong miserable ang buhay niya hanggang siya na ang pumayag sa gusto ko at kung anuman ang gusto kong iyon sa akin muna iyon. Kahit kasi ako hindi ko alam kung bakit iyon ang pumasok sa isip ko kahit na ginugulo ako ng sinabi ni mama.

Alam kong hindi makatarungan ang ginawa kong pananakit sa kanya at isa pang hindi makatarungan ay pagpapatanggal ko sa kanya sa trabaho at ang pag-kontrol ko sa halos lahat ng kompanyang pwede niyang pasukan. Sinabi ko na huwag na huwag siyang tatanggapin kahit gaano man kaganda ang profile niya dahil dapat sa akin siya bumagsak. Dapat dito sa kompanya ko siya bumagsak pero sumagi na sa isip ko bakit hindi siya nag-apply dito sa kompanya ko. Hindi ba niya kilala ang kompanya ko ang  ‘LR Santiago Enterprise’.

Naku namumuro na naman sa akin yang babaeng yan. Hindi ko alam kung bakit madaling mag-init ang ulo ko dyan sa babaeng yan. Yung pagsagot-sagot niya sa akin. Yung panglalaban niya nakakaasar man pero nakakatuwa dahil palaban na babae kahit na alam mo na mahina dahil sa huli ay umiyak pa rin siya. Siya yung klase ng babae na palaban at nakaka-turn-on ‘yon. Dominanteng tao pero sa totoo naman ay isang mahina at marupok na babae na nagpapakatatag lang para sa sarili.

Ilang araw na rin nung huli ko siyang makita at tanda ko pa yung mga oras na nakahiga ako sa kama na katabi siya na himbing na himbing ang tulog. Habang pinagmamasdan ko siya hindi ko maisip na nagawa ko siyang saktan. Iyong inosente niyang imahe na alam mo hindi mo mababanaagan ng lungkot o anu mang hindi maganda, na kay sarap pagmasdan. Mamula-mulang labi na kay sarap angkin pero dahil nga naging marahas ako sa kanya may sugat siya sa labi niya. Iyong mga pisngi niya na ang sarap haplusin. Gustong kong burahin iyong bakas ng mga natuyong luha niya sa magkabila niyang pisngi kaso baka magising siya, mukhang pagod na pagod pa naman siya. Hinalikan ko na lang ang nuo niya ng marahan habang sinusuklay ng mga daliri ko yung malambot at itim na itim niyang buhok. Hindi ko itatanggi na maganda siya, hindi man siya kasing ganda ng iba kong mga naging babae pero alam mo na namumukod tangi yung imahe niya.

AFFAIR WITH A TOTAL STRANGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon