35

3.5K 100 93
                                    

"Ang kapal ng mukha mo! Kailan mo pa 'ko naging misis, ha? Ha?" Hinampas ko siya ng coat na dala ko kaya napabitaw siya sa'kin.




"Aray, practice lang naman, e." He said before catching my arm again.




Practice?! Practice tawag niya roon?! I almost had a heart attack!




"Nako, scammer 'yang si Valerie. Kinilig 'yan, 'ta mo." Nahihirapang sabi ni Claire dahil minamasahe niya ng roller ang mukha niyang may facemask. Nagawa pang mang-asar!




"I know. Namumula na nga, eh." Sambit na man ni Jared at tumawa pa nang makita ang itsura ko.



"Haha," inirapan ko silang dalawa.




"Ayan, mag-aaway na naman kayo. Uwi na! Shoo!" Pinagtulakan kami ni Claire hanggang makalabas kami ng unit niya. Hindi na namin nagawang magpaalam dahil sinara na niya kaagad ang pinto.




Hindi na rin kami nagtagal doon at umuwi na. Buong byahe ay hindi binitawan ni Jared ang kamay ko. Both of us were quiet inside the car. Ngayon ko lang napansing sasakyan ko pala ang dinala niya kaya diretso kami sa parking. Nang matanggal ko ang seatbelt ko, humarap ako sa likuran para kunin ang mga gamit na dala ko sa backseat.




When I turned around, I was shocked to see Jared looking at me very apologetically. I put my things on my lap before smiling at him. I touched his face and leaned to him a soft kiss.





"I'm sorry, I was always busy with work." He whispered when I pulled away. "Tsaka kanina.. may dinaanan akong event ng isang kaibigan. I didn't think of bringing you there kasi puro lang naman kami lalaki roon. I informed you but I forgot to tell you to wait sa company. Hindi naman talaga ako magtatagal doon kaya bumalik kaagad ako but you weren't there. Ang sabi sa lobby ay umalis ka na kasama si Claire so I just went home." He explained everything, our faces still inches away from each other.





"I understand, I'm sorry, too." I caressed his cheek softly. Humiwalay na 'ko sa kanya at isinandal ang likod sa backrest. "Na-paranoid lang ako kasi you rarely talk to me for weeks. Iniisip ko na baka may iba ka na-" He cut me off.




"Hey, it's not like that." I saw concern in his eyes.





"Nagsasawa ka na ba sa'kin? Mahal mo pa ba ako?" Sunod-sunod na tanong ko. He even laughed a little, like my question wasn't a big deal!




"'Pa ba'? Anong 'pa ba'? Mahal kita lagi." He gave me a small smile. My heart almost melted when I heard his words.





He kissed my forehead before we decided to go back to my condo. Bumukas kaagad ang ilaw sa may pinto nung pumasok kami. Tumayo ang mga balahibo ko nang makitang napakadilim sa living room kaya pinauna ko siyang maglakad




Sa totoo lang, naiihi na talaga ako kanina pa pero parang umatras iyon nang makita ko ang dining table na may nakahaing mga pagkain na natatakpan ng table cover. May dalawang pang nakabaliktad na plates. He really cooked.





"Ah, sorry. Hindi na ako nakapagligpit kanina-" Hindi ko na siya pinatapos at hinila na lang siya sa hapag. Pinaupo ko siya at inalis ang takip ng mga pagkain. "What are you doing? Hindi ba't kumain ka na?"





"Hindi pa," I giggled and sat beside him.




Napailing ako nang maalala ang itsura at amoy nung niluto ni Claire. 'Yung kusina lang ang may ilaw kaya sa tabi niya 'ko umupo. Natatakot ako, baka may kung anong kumalabit sa'kin kapag doon ako sa kabilang side umupo.




Encounter (Onze Series #1)Where stories live. Discover now