Umuwi na kami nila kuya an hour after the conversation of me and Jared. Binaba lang kami ni kuya sa condo namin tapos ay dumeretso na siya sa bahay.
"Good night Val!" I just waved my hand at Claire before going inside my room.
Naghilamos muna ako at nag-skincare bago ako mahiga. I again greeted Khylie a happy birthday before turning off my phone. Pero bigla 'yong tumunog nang io-off ko na ang lamp.
From: Unknown Number
gud day mdam!
"Good day amputa!" I said, getting irritated.
To: Unknown Number
Good day? Ala una na ho ng madaling araw
From: Unknown Number
Opo alm q p0 may orasan p kmi
To: Unknown Number
Putangina
To: Unknown Number
Ano hong kailangan niyo?
Inis na inis na talaga ako! To the point na mababasag na yung cellphone ko sa diin ng pag-type ko.
From: Unknown Number
ppa manicure ho b kau?
Tangina talaga, konti na lang iboblock ko na 'tong gagong 'to! Manicure amputa! Sinong magpapa-manicure ng ganitong oras?!
To: Unknown Number
wrong number po kayo
From: Unknown Number
Ms. Valerie Fortes kau p b i2
Gago kinabahan ako ng slight, pano niya nalaman yung pangalan ko?!
To: Unknown Number
hindi po ako 'yon.
Akala ko ay hindi na siya magrereply pero tumunog pa rin ang cellphone ko. Goodness! I'm so close to blocking the number!
From: Unknown Number
weh?
"Weh?! Weh?! Siraulo 'to ah!"
Hindi ko na ni-replyan yun dahil na-creepy-han talaga ako sa kanya. Pano niya nalaman yung maganda kong pangalan?! Shocks!
Matutulog na lang sana ako nang mag-ring yung cellphone ko. It was from the creepy unknown number!
"Wrong number—"
[Hello? Nagising ba kita?]
A husky voice of a man said from the other line. I blinked twice. The voice was very familiar!
"Jared?" Nagdadalawang-isip na tanong ko.
[Papa-manicure ka ba?] I heard him chuckle from the other line. Nakakatawa ba 'yung ginawa niya?!
"Siraulo ka, gago," nakahinga ako ng maluwag dahil don. Mabuti na lang at si Jared pala yun!
[Sorry na, nagising ka ba madam?] he asked teasingly.
YOU ARE READING
Encounter (Onze Series #1)
RomanceOnze Series #1 Jared, an Engineering student from UST, whose dreams and priorities were far from love. For him, love is just a barrier to reach his goals... Until he encountered Valerie, an Architecture student from De La Salle-College of Saint Beni...