EPILOGUE

4.9K 131 145
                                    

"Thank you so much for your hard work, Engr. Vasquez."



Tinanggap ko ang kamay ng boss ko para makipag-shakehands. I just resigned. Hindi naman sila umalma nang maglapag ako ng resignation letter. It was my plan anyways, and I clearly told them that I want to work with Dreams and Design. It's just that, I needed space so I had to work with other company first before I step into her life again.




Lumabas na rin ako pagkatapos at dumeretso na sa opisina namin. Nagliligpit ako ng mga gamit ko nang dumating si Archie. Dumaan muna siya sa table niya at naglapag ng kung ano bago lumapit sa 'kin at umupo sa kanto ng lamesa ko.



"Naks, super excited ka naman 'ata makita ang iyong minamahal." Pang-aasar niya kaagad, napansin niya atang nagmamadali ako.



Hindi ko siya sinagot dahil bukod sa tama ang sinabi niya, nababadtrip lang lang ako kapag nakipag-asaran sa kanya.



Actually, I haven't applied to their company yet. Nakakahiya. Pagkatapos kong gawin iyon sa anak nila, mag-aapply-apply ako sa kumpanya nila? Ang kapal naman ng mukha ko no'n.



Nakasalubong ko pa sila Nicole nu'ng pababa na 'ko. Ang dami ko pang stopovers dahil may mga empleyadong nagtatanong at kumakausap sa'kin. Sinasagot ko naman lahat ng 'yon bago ako makarating ng parking lot.



Tumawag si Deb nang makapasok na 'ko. Uuwi muna ako s ngayon at pag-iisipan kung paano mag-aapply sa Dreams and Design. Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanila ngayon!




[Na-lakad na kita sa mga Fortes! Hintayin mo na lang ang e-mail nila! Haha!] Bungad niya.




Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. Napahilot na lang ako sa sentido ko dahil sa narinig galing sa kanya. Sinabi ko lang naman sa kanyang lilipat ako ng kumpanyang pagtatrabahuhan, wala akong sinabing ilakad niya 'ko mismo!


"Gago ka talaga." Tugon ko.


I don't know if I should thank him for doing such, but I knew he did that for a reason. He needed my help and I needed his' too. Alam ko sa sarili kong kailangan ko ng plano pero hindi ko magagawa 'yon ng mag-isa. Buti na lang at nariyan ang mga kaibigan ko.


[Ayaw mo nu'n? Makikita mo na ulit ang iyong bebegirl!]



Lalong nag-init ang ulo ko dahil doon. Hiyang-hiya na 'ko rito sa loob ng sasakyan. Kung hindi ko lang talaga kaibigan itong Deb na 'to, e.



Napag-usapan namin iyong plano niyang pang-grade 1. He fucking brought a house and lot in Forbes Park to get his girl back to him. And he needed me and Val, since she was friends' with Deb's ex-girlfriend, sinabayan ko na lang ang trip niya. Grabe 'yung fighting spirit, ah.



Kinahapunan, pinilit ako ng mga katrabaho kong ilibre sila ng dinner. Pucha, I'm unemployed as of the moment! Hindi ba nila naisip 'yun?!



"Doble talaga ang sarap ng pagkain kapag libre!" Nag-inat pa si Matteo pagkatapos niyang uminom ng tubig.



The others laughed and agreed to him. I just shook my head and paid for our food.


Encounter (Onze Series #1)Where stories live. Discover now