08

3.1K 143 70
                                    

It's been 2 weeks since the dinner with my family. Two weeks since I got rejected in front of my parents. Simula no'n, hindi na kami nagkikita ni Jared.




Tapos naalala ko pa si Mommy! Nag-offer pa na mag-work si Jared sa company after niyang grumaduate! Wow! Ininterview pa nila si Jared nung araw na 'yon. Dami nilang tinanong.



"Tuesday ngayon 'no? Katip tayo!" nasa labas na kami ng school nang mag-aya si Claire na mag Katipunan.



"Puro ka Katip. Lipat ka nalang kaya Ateneo or UP." I suggested.




Hindi niya lang ako sinagot at bigla na lang ako hinatak papasok sa isang taxi. Magco-commute kami?!




"Claire may sasakyan naman tayo! Sayang pamasahe!" Ang layo pa naman ng pupuntahan namin. Parang tanga.



"Katamad mag-drive!" Sinamaan niya ako ng tingin. Seryoso ba siya? Siya na nga yung may sasakyan siya pa tinatamad! "Tsaka ayaw mo nun? Makakatulong ka pa kay manong driver." She reasoned out.


"San tayo?" tanong ko. "Naka-uniform tayo gaga!" Nagpapanic na sambit ko. Wala pa naman kaming dalang jacket.



"Tangek, sa unit ni Lorr lang. Nag-aya kasi siya." kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Tayong girls lang daw e."




"Nag-aya siya? Baka inlove 'yon!" Tumawa kami ng malakas dahil sa sinabi ko. Napatingin saamin yung driver kaya ay natahimik kami.



"Anong floor nga ulit?" Papasok na kami sa elevator nang tumigil maglakad si Claire. "20? 21?" Naguguluhang tanong niya sa sarili.



"19!" Sabi ko at pinalo pa siya.




"May number '2' na digit doon!" Pabulong na sigaw niya.



"Edi i-try mo lahat na digit na may 2!" Singhal ko naman at naglakad na ulit.



Para kaming tanga doon sa labas ng elevator, madami kaming na-miss na ride dahil iniisip namin kung anong floor ang unit ni Lorr, pareho pa kaming nahihiya magtanong sa lobby. Para kaming highschool students dahil sa ginagawa namin!




"Uy Val! Claire!" Napatingin kami si Claire sa tumawag saamin.




"Youngs!" Lumapit sila saamin at sabay sabay ng pumasok. Life saver namin sila dahil alam nila yung floor ni Lorr haha.





"Ano chika natin sa life Lorr?!" Bungad na tanong namin kay Lorr. Sitting pretty kaming apat sa couch niya. Wala pa sila Zoe at Khylie, hindi ko lang alam kung makakapunta si Khylie. She's very busy.




"Let's wait for Zoe muna," sabi niya habang nilalapag ang in-can beer sa mesa.



"Hindi mo pa ba sinasabi?" Bulong ko kay Claire na nasa tabi ko. They seem clueless.




"Wag na lang muna?" She bit her lower lip and glanced at our friends. Nagbabatuhan lang sila ng unan tapos ay tawa ng tawa habang naghihintay kay Zoe.




"Hey! Oh my god!" Napataas kami ng tingin nang dumating na si Zoe na kinikilig pa yata.




"Ano nananamang kalandian 'yan, Zoe?" Tanong kaagad ni Claire para asarin siya.




"You know Deb Corneza? Yung actor! Atenean pala yun! Nakita ko siya sa labas ng building naka mask! Oh my g!" Maarteng sambit niya pa na tinawanan lang namin.




Encounter (Onze Series #1)Where stories live. Discover now