05

3.4K 175 67
                                    

"Ayun, friend-zoned." I told Claire about what happened today.



Kahit na ganoon, medyo nasaktan pa din pero at least friends kami.



"Hina mo. Okay lang yun sayo?" Hininaan niya yung volume ng tv bago kumuha ng pagkain sa na nakalagay sa center table.



"Oo. At least diba haha." I sighed before looking back again to the tv.



"Bibili tayo ng gift kay Khylie! Gosh, yung batang 'yon, 19 na siya!" Claire said excitedly. Nag-plan muna kami ng kung anong pwedeng bilhin kay Khylie. Hindi naman kasi yun maarte, kahit ano okay na, and especially if it's from us, may sentimental value yun sa kanya.




I messaged Zoe about doon sa sinabi niyang business keme ng pamilya ni Jared. I tried searching for 'Vasquez' on google, pero iba naman ang lumalabas. Mga businesswoman sa ibang bansa!



From: Zoe

Paradise V!



Napa-tango ako dahil sa ine-reply niya. I replied a 'thank you' before opening my laptop. I searched 'Paradise V' and may lumabas nga.




Hala! Bigtime nga! Gosh, napakatahimik ni Jared at hindi niya nai-share ang ganitong information. Well, bakit niya naman ise-share, 'di naman kami close!




Wala akong ibang nakuhang information tungkol sa Paradise V dahil natulog na kami ni Claire pagkatapos naming manuod ng isang episode ng Crash Landing On You.




The next day, may class kami malamang. 5 PM na nung umalis kami ng school para mag-mall at bumili ng regalo kay Khylie. Bumili rin si Claire ng susuotin kahit na ang daming tambak na damit sa closet niya na hindi naman nagagamit!




"Bili ka din, echoserang 'to!" Singhal niya nang makalabas kami ng store na iyon. Umiling na lang ako dahil hindi naman ako shopping guru.



Kumain na rin kami ng dinner ni Claire sa Mall na dahil late na din naman and we're both lazy to cook.



"Si Jared ba 'yon?" I curiously looked at Claire. "Dun." she pointed the direction using her mouth. Sinundan ko 'yon ng tingin. May lalaking naka black Nike bag, same nung kay Jared. And he's with a girl, his hands were on her waist!



"Let's go na." Sabi ko nang lumipat sila ng location at makita kong si Jared talaga 'yon.




Wow ha, pumunta pa siya ng Taft para makipag-date. Effort naman, sana all.



I said to myself. Bumigat nanaman yung dibdib ko, kailangan ko na ata magpa-check up.



"Alam mo sis! Baka kapatid. You know hindi naman sila mukhang magka-edad," Claire said, trying to lift up the mood. She even gave me an uncertain smile.




"Baka nga." She slightly hit me on the shoulder because of what I said. Umuwi na kami pagkatapos nun dahil wala naman kami mapapala sa nakita namin.




Friday came! Pagkatapos ng klase namin ay umuwi na kaagad kami dahil susunduin kami ni kuya mamayang 7.




"Omg, yung kuya mong pogi nandito na." tumatakbong pumasok si Claire sa kwarto ko. Nakatayo siya ngayon sa may pintuan, wearing her black dress with crystal trim going all around the dress, revealing almost everything. She paired it with a black strappy heals.




"Seriously, Claire? Sumbong kita sa jowa mo," pananakot ko sa kanya. May boyfriend kasi siya! Ilang linggo na rin sila 'no, tapos super bagay pa nila.





Encounter (Onze Series #1)Where stories live. Discover now