32

3.2K 88 50
                                    

"Matulog ka na, goodnight."


I gasped when he pulled his arms and turned his back to me. Grabe! Matapos niya akong halikan, tatalikuran niya lang ako?! Ni hindi pa nga nagpoprocess saakin ang sinabi niya tapos gano'n?! Pinagsisihan niya siguro ang ginawa niya!



Bwisit! Sinipa ko yung paa niya bago ako tumalikod sa kanya. Niyakap ko yung unan at pumikit na. Ilang minuto na pero hindi pa rin ako tinatablan ng antok. Naramdaman kong gumaan ang side kung saan nakahiga si Jared. Tumayo siya para patayin ang ilaw.



Kaagad naman siyang bumalik sa pagkakahiga. I laughed a little when I saw his hands waving in front of my face. Maybe checking if I was already in sleep.


"Val? Gising ka pa?" I heard him asked.



"Hindi," sagot ko at mas niyakap yung unan. He laughed by that.



"Okay, okay. But, can you turn around?" Tanong niya at tinapik pa ang braso ko. Pinag-isipan ko 'yon ng 2 seconds bago ako humarap sa kanya.



I swallowed hard when I realized that he was so close to me. Nakatungkod ang isa niyang siko at pinaglalaruan ang labi niya. "Bakit?" Tinaasan ko siya ng kilay kahit hindi niya naman siguro nakikita kasi madilim.



Nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Inayos niya ang braso niya at pinailalim ito sa katawan ko at hinila ako ng mas malapit pa sa kanya. Nasubsob tuloy ako sa dibdib niya!



"Para mayakap kita ng mas maayos." Sagot niya saakin.


Hindi na rin naman ako nagreklamo at mas lumapit pa sa kanya. He gently tapped my arm which made me doze off to sleep immediately. It was so comforting. Nagising na lang ako dahil sa ingay na hindi ko alam kung saan nanggagaling.


Matagal akong nakipagtitigan sa kisame habang inaalala ang nangyari kagabi. I mean, wala namang nangyaring kakaiba! Natulog lang ng magkayakap, pero hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Jared! And the kiss... Ugh! Ano ba 'yan, wala pa ring assurance sa relationship naming dalawa so I shouldn't be like this.



Walang gana akong tumayo at dumeretso sa cr. Pagkatapos kong maghilamos, lumabas na 'ko ng kwarto dahil nagugutom na rin ako, idagdag mo pa ang amoy nung niluluto ni Jared. E 'di mas natakam tuloy ako!


My eyes widened when I saw him preparing the table and he was already in his casual work attire! He looked fresh, though. And he smell like it.


"Uhm.. good morning," I hesitantly greeted as soon as I reached the table.



"Hi, morning." He smiled at me. Naglakad siya papunta saakin. He pulled a chair for me and gave me a kiss on my temple bago siya bumalik doon sa kinatatayuan niya kanina.

I only had one question in my mind, why is he giving me a good morning kiss when he shouldn't be doing this? He's not my boyfriend!  We just slept beside each other.. and hugged, yeah. But that doesn't mean we're together na, 'di ba? Or does it work like that? Ah basta! He shouldn't be doing these kind of stuff, it's giving me false hopes.


"Aalis ka na?" Tanong ko at umupo. 


"Hindi pa," sagot niya. Inabot niya saakin yung plate at nilagyan ako ng isang sandok ng kanin. Naglagay rin siya ng kalahati nung omelette na niluto niya at yung kalahati naman ay nilagay niya sa plato niya.



"E bakit ganyan ang suot mo?"



"I have work." He replied and ate a spoonful of his food.



Encounter (Onze Series #1)Where stories live. Discover now