V-2. Denial
Sasagot pa dapat si Erika nang may kumatok sa pintuan.
“Pasok.” sambit ni Shaira.
Isang ulo ang sumilip sa loob. “Ah… Pwede bang makausap muna si Erika sandali?” anito.
Tumingin si ang tatlo kay Erika. Tumango na lang ang dalaga.
“Pasok ka.”
Tuluyan nang pumasok si Christopher sa loob ng kwarto. Tall, dark and handsome ang perfect description kay Christopher. Kung si Rex ay isang maputing chinito, si Chris naman ay may tanned skin at western looks. Mabuting magkaibigan ang dalawa at pareho rin nilang iniinis si Erika. Yun nga lang, si Chris matagal nang umaakyat ng ligaw kay Erika habang si Rex ang walang ginawa kundi pahirapan ang buhay niya sa school.
“Sige… maiwan muna namin kayo.” sabi ni Shaira nang makarating na si Christopher sa kama kung saan nakahiga na muli si Erika.
Ngumiti lang si Chris pagkatapos ay umupo sa dulo ng kama.
Pagtayo nina Ariadne, Roan, at Shaira ay sabay-sabay itong nag-“Ayiiiiiiiee” sa likod ni Christopher. Mabuti na lamang at hindi sila narinig ng binata. Pero dahil kitang-kita ni Erika ang ginawa ng mga kaibigan ay kumulo na naman ang dugo niya.
“Bakit?” asik ng dalaga sa bisita.
“Wala lang… nag-alala ako sayo kagabi, Erika my loves.”
“Erika my loves?”
“Erika… sige na kasi… payagan mo na akong manligaw sayo…”
Eto na naman tayo. “Christopher… pwedeng… pag-isipan ko muna…?”
“Sige. Basta Erika my loves, tandaan mo ah, lagi lang akong nandito para sayo.”
'Ih. Erika my loves daw ana. My loves your face. Haha, jowk.'
“Ah… s-sige…”
Ngumiti lamang ang binata sa kanya. Hindi alam ni Erika kung bakit pero parang gusto niyang sipain ang mukha. May nakakainis kasi na aura sa pag-ngiti nito sa kanya, para bang may gusting gawing masama.
“Chris?”
“Yes Erika my loves?”
'Yuck naman. Erika my loves daw. Ewwness. Erika. ba't kasama mo?! Mag-thankyou ka na nga lang.'
“Ahmm… salamat.”
“Ah, okay lang yun! Ikaw pa, malakas ka sakin.”
Erika rolled her eyes. “Alam mo na ba kung bakit ako nagpapasalamat ha?”
“Oo. Sa pagligtas ko sayo kagabi diba?”
Grabe, ang yabang talaga! “Oo. Dun. Salamat.”
“You’re welcome Erika my loves. Anytime.”
Hindi na kumportable si Erika sa pag-uusap na yun kaya naman gumawa na siya ng paraan para mapaalis si Chris sa room.
“Chris… parang inaantok na ko eh.”
“Ah, gusto mo ba panoorin kita habang natutulog?”
“HA? Hindi, wag na. No thanks.”
“Kailangan mo pa ba ng goodnight kiss?” tanong nito muli.
Sarap talaga sipain ng pagmumukha! “Hindi!” pasigaw na sabi ng dalaga. Calming herself, she said, “Ahmm… tanghaling tapat.”
“Ah… sayang naman pala.” The teenage boy said, glancing down.
“Sige na… may gagawin ka pa ata… uhmm… bukas na lang.”
“Oh… sure ka? Wala ka kasama, baka ano mangyari sa-”
“OKAY NA! Talaga, promise. Sige na, labas ka na.” diniretso na lang ni Erika ang binata. Ang slow makagets eh.
“O… o sige Erika my loves. Babye, love you.” sabi pa nito baka lumabas ng pinto.
Nakita niya ang kanyang mga kaibigan na nagpaalam pa kay Christopher bago pumasok ang mga ito sa loob. Pagpasok ay agad tinanong ng mga ito kung ano ang mga napag-usapan nila.
“Nanliligaw pa rin siya.” pahayag ni Erika.
“Ano, magpapaligaw ka?” tanong ni Shaira.
“Okay lang naman siya.” sabi ni Ariadne kay Erika.
“Pogi naman.” sabi naman ni Roan. Nagtinginan sa kanya ang 3 dalaga. “O bakit?”
Napabuntong-hininga si Erika.
A terrible silence ensued for a few minutes. Wala na kasing masabi ang magkakaibigan. Okay nga lang maging BF si Chris, medyo matino naman kahit lagi rin nadadawit sa mga gulo sa school. Parang si Rex lang rin naman.
“Ayokong maging boyfriend si Christopher.” she finally said.
“Alam ko yung iniisip niyo.” she added, gesturing at her friends confused looks. “Pareho lang naman sila ni Rex diba? Well… no. Ibang-iba sila.”
“Kahit ka pagiging sweet?” tanong ulit ni Shaira.
“Sabihin na nating… sweet si Christopher.” sagot ni Erika habang nag-iisip ng tamang salita. “Sa sobrang ka-sweet-an nakakasuya na.
Tawa nang tawa ang magkakaibigan. Hindi nila namalayan ang oras and the next thing they knew, bumabalik na ang mga classmates nila sa cottage.
That night, napaisip si Erika.
Ipinagpalit naman na niya ako kay Gerlen, she thought. Hindi niya ako gusto. Bakit ba umaasa ako? Si Christopher nandyan naman. Kahit na hindi ko siya talaga gusto. Andyan siya. At sa tingin ko, gusto niya ako talaga. Malay ko kung magselos si Rex pag nagpaligaw ako kay Chris… sige na nga…
She caught herself thinking about those thoughts. Nabigla siya sa sarili niya. Surely hindi niya gagamitin si Christopher para pagselosin si Rex?
[A/N: Ang gulo na ng world. Hahahaha. Si Erika kasiiii. XD Please comment! Thankyouuu.]
![](https://img.wattpad.com/cover/3423196-288-k690734.jpg)
BINABASA MO ANG
Torpe
RomanceBakit ang boys, kahit di in love, nag-"iiloveyou"? Bakit ang girls, kahit in love na nga, sinasabi pa rin "I hate you"? At ano nga ba ang mangyayari pag nagsama ang isang pakipot at ang isang torpe?