IX. Confusion
(A/N: Hi guys! Long time no update. Sorry ha, mej busy kasi sa school and everything. Pero... eto na po! Hahaha. Warning: Super confusing chapter. Pramis. XD)
“Ayoko nang magmahal!” sigaw ng isang dalagang nagngangalang Erika habang naglalakad sila sa gilid ng mga matatarik na bangin sa tabi ng bundok.
“Ang sakit! Ang sakit-sakit! Ayoko naaaaa!” patuloy pa nito.
“Huy, baka magising mo na ang buong Pilipinas dyan sa kakasigaw mo!” pagalit naman dito ni Christel. Sabay-sabay ang anim na magkakaibigan na naghihike pababa ng bundok. Iyon na kasi ang huling araw nila sa Makiling. Bukas ay babalik na sila sa Tarlac.
Sa nakalipas na dalawang araw ay walang ginawa si Erika kundi magmukmok at magpakalungkot. Kanta pa ng kanta, puro pang-broken hearted.
“From the bottom of my broken heaaaaaaart...!”
“Ano baaaa!”
“Can’t you see that I’m the one who understands you, been here all along so why can’t you seeeeee, you belong with meeeee!”
“Asus, understands him daw! Understands him nga ba?!” sabat naman ng umiirap na si Christel.
Pinalo sya ni Ariadne. “Christel, wag na kasi patulan!”
“Bakit ka pa nakita?! Bakit pa nakilala?! Kung ang puso ko ay iiwan mo lang at sasaktaaaan!”
“Talagang broken-hearted si Erika e.” Kibit-balikat namang sagot ni Ariadne.
“Kai. Okay lang yan.” Sabi pa ni Erica habang hinihimas-himas ang likod ng kaibigan.
Inalog-alog siya ni Roan. “Erikaaaa, okay ka lang?”
Bigla nalang tumalon si Erika. “Ay oo. OO, okay ako. Noh? Mukha kasi akong okay e!”
“Erika...”
Parang walang narinig, naglakad ito palayo at sumigaw-sigaw na naman. “You were all the things I thought I knew, and I thought we could beeee!”
Christel frowned and stormed over to Erika. “Hoy Kai, ayus-ayusin mo to ha. Hindi dapat ganyan!”
Humarap sa kanya ang luhaang si Erika. “Eh anong gagawin ko ay? Christeeeel, mahal ko syaaaa.”
Hinawakan ni Christel ang mga balikat ng dalaga at hinarap siya. “Ganito nalang. Nasaktan ka diba? Kasi pinagpalit ka niya? Pero diba Erika... kahit kailan naman hindi siya naging sayo.”
Ouch.
Erika’s POV
Waaaaaaaaat. Christel, wrong-timing naman to o!
“Waaaaah, wag mo naman ako pagalitan ngayon oh!”
Napabuntung-hininga lang siya. “Hindi kita pinapagalitan. Alam mo, kung kami lang naman masusunod, gusto namin maging masaya ka, diba.”
“Yuppie!”
“Agree!”
“Trueee.”
“Oo, oo, tama yan!”
Awww, so sweet, my friends.
“Pero kung... kung talagang nagmamahalan sila ni Gerlen, wala naman tayo magagawa diba...?”
Alam ko naman yun e. T_____T
“Tsaka Erika, bata pa naman tayo e. Andami pang ibang boys dyan, diba? Marami ka pang makikilala.”

BINABASA MO ANG
Torpe
RomanceBakit ang boys, kahit di in love, nag-"iiloveyou"? Bakit ang girls, kahit in love na nga, sinasabi pa rin "I hate you"? At ano nga ba ang mangyayari pag nagsama ang isang pakipot at ang isang torpe?