VIII. Heartbreak

316 4 4
                                    

VIII. Heartbreak

“Bati  na  kami  ni  Rex!”  masayang ibinalita  ni  Erika  sa  mga  kaibigan  pagkabalik  niya  sa  cottage  para  sa  almusal.  As  expected  nagulat  ang  mga  ito  sa  narinig.

“Talaga?!”  tanong  ni  Shaira  kay  Erika.  Tumango  lamang  ang  dalaga.  “Wow,  pano?!”

“Ginayuma  mo  noh?!”  biro  ni  Ariadne  sa  kanya. Tawanan  sila.

“Hindi ah, kayo talaga!” nangingiting sagot ni Erika.

“About time!” sagot ni Ariadne. “Buti naman at nawala na ang topak mo at nakipag-bati ka. Ikaw lang naman ang may mali e.”

Inirapan ito ni Erika. “Ano ba.”

“So… ano na plano mo ngayon?” nakangiting tanong sa kanya ni Roan.

“Hindi ko alam. Pero sobrang saya ko. Masaya ako pag kasama ko siya. Para bang…” hinagilap ni Erika ang tamang salita sa isipan niya. “Perfect.”

“Perfect?” sabay-sabay na tanong nina Ariadne, Roan at Shaira.

“Oo. Perfect. Perfect siya. Napaka-perfect ng moments pag magkasama kami. Perfect!”

“Aruuu, mahal mo na noh?!”

“Hindi ah! Hindi ko mahal si Rex. Pero ang alam ko, masaya akong kasama siya!”

Nagulat ang magkakaibigan nang bigla na lang tumawa si Erika.

“Ang saya-saya ko talaga!” anito habang humahagalpak sa tawa.

Nakangiting umiling na lang ang tatlo. Masaya rin sila para sa kanilang kaibigan at umaasa sila na magkakatuluyan sina Erika at Rex.

“Roan! Shaira! Erika! Ariadne!” bati naman ni Christel at Erica sa mga kaibigan pagdating nila sa paanan ng Mt. Makiling. “Grabe, kala namin ni Erica di na naman kayo mahahanap! 4th day pa man din natin ngayon sa nature trip!”

“Onga, onga, kelangan together!” tawa ni Erica.

“O, blooming si Erika ah!” pansin naman ni Christel sa kaibigan.

“In love ka noh?!”

“Hahaha, in love talaga yan!” sagot naman ni Roan habang tumatawa rin.

“Inspired na inspired!” dagdag pa ni Erica.

Tumawa sina Ariadne, Shaira at Erika. “Tignan niyo tong si Erica, kakarating pa lang parang alam na yung balita na in love si Erika noh?” komento naman ni Ariadne.

Tawanan lang sila hanggang lumapit sa kanila si Mrs. Capulong.

“Ahem, girls? I would appreciate it kung gagalaw kayo dyan at hindi magkwekwentuhan lang! It is a must to plant these saplings for Mother Nature!” saway sa kanila ng guro habang nakaturo sa lugar ng mga kaklase nila.

Sabay-sabay nag-sorry ang mga dalaga. “Yes, Ma’am, eto na po!”

Habang naglalakad papunta sa site ay bumulong naman si Christel, “Si Mother ko naman, masyadong nahihighblood agad.”

Tawanan sila ulit. Class adviser kasi ng boyfriend of 3 years ni Christel ang AP teacher nila na si Mrs. Capulong kaya naman “Mother” ang tawag dito ng dalaga.

At dahil 'mommy' ang role ni Christel sa barkada ay nakiki-”mother” na rin sila dito.

Erika softly hummed to herself as she packed her clothes. Nagkakamabutihan na sila ni Rex. Magandang sign to.

Naglakad sya palabas ng cottage nila habang nilalanghap ang fresh air. Ang sarap talagang mag-stay sa bundok. ^_^ Di katulad pag sa city, polluted na kasi.

TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon