III. Choices

383 11 9
                                    

III. Choices

“Erika… sorry naman na oh.”

Simula nang hindi pansinin ni Erika ang binata ay lagi na siyang sinusundan nito. In fairness, natutuwa rin siya sa atensyong binibigay sa kanya ni Rex. Binubuhat nito ang bag at books nya at lagi pa syang kinak­antahan nito kahit hindi naman kagandahan ang boses.

Araw-araw rin siyang hinihintay sa labas ng Taikto University kung san sila nag-aaral kahit na gabihin na siya upang maihatid siya nito sa kanyang dorm room. Sobrang naaapreciate niya ang gestures ng lalaki at talagang natatouch siya sa ginagawa nito para sa kanya.

Pakiramdam nga niya parang boyfriend na niya si Rex. And sometimes she can’t help but wish na sana totoo na lang ang lahat ng iyon.

O kay sarap mong kasama… napapawi mga problema… magaan dalhin, kay sarap lambingin… yun nga lang ay kaibigan kitaaaa… Akala ko mapipigil ko… pero lalong nahuhulog sayo…” kanta ng binata.

'Omg, nagpaparinig ba sya?! Grabe! :”)'

Di mapigilan ni Erika ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Sino nga bang di kikiligin sa kinakanta ni Rex sa harapan niya? Ramdam na ramdam niya ang sincerity nito at alam niya na totoo talaga iyon. Kahit kasi di pa rin kinakausap ni Erika si Rex, patuloy pa rin ang pagpapacute nito sa kanya.

Sa iyong ngiti… ako’y nahuhumaling… at sa tuwing ikaw ay lalapit ang mundo ko ay titigil, ang pangalan mo, sinisigaw ng puso… sana ay madama mo rin ang lihim kong… pagtingin…

Bakit ba ganito kalakas ang epekto ni Rex sa kanya? Pag kasama niya ito, parang napaka-saya niya. Oo nga at sobrang nakakairita ito minsan, pero masarap din ito kasama.

Nung una kitang makilala di man lang kita napuna, di ka naman kasi ganun kaganda, diba? Simpleng kabatak, simpleng kabarkada lamang ang tingin ko sayo, di ko talaga alam kung bakit ako nagkaganito.

Erika just stared at the teenage boy beside her. Magmula nang mag-away sila, nakanta na ata sa kanya ni Rex ang 70% ng tagalog songs na alam nila pareho.

Ako’y napaisip at biglang napatingin. Di ko malaman kung anong dapat gawin. Dahan-dahang nag-iba ang pagtingin ko sayo. Gumanda ka bigla at ang mga kilos mo’y nakakapanibago. Napansin ko na lamang na nalalaglag ang aking puso. Badtrip talaga, naiinlove ako sayo.

Bago pa maituloy ng binata ang chorus ng kanta ay pinutol na ito ni Erika. Hindi na kasi niya makalma ang puso na napakabilis ng tibok.

'Sht. Stop. Maiinlove na ko sayo nyan e.'

Nang pinahinto niya si Rex ay tinitigan lamang siya nito. Pakiramdam ni Erika parang gustong lumipad ng katawan niya sa langit habang ang mga mata lang ni Rex ang tanging nagkokonekta sa kanya sa mundo. Kung pwede lang, tititigan ni Erika ang mga matang iyon habambuhay at hinding-hindi niya pagsasawaan ang mga iyon.

Omg, Erika, ano bang pinag-iiisip mo?!

“Ano, pinatawad mo na ba ako?” tanong nito sa kanya.

Lumunok muna siya bago sumagot. “O-oo. Pinapatawad na kita. Basta bawas-bawasan mo na ang pantritrip at pang-aasar sa akin!”

“O… o sige, kung yan ba gusto mo…” sagot lang sa kanya ni Rex.

“At Rex?” tawag niya dito nang tumalikod ang binata papunta sa dorm nito na katabi lang ng kay Erika.

“O?”

“Wag mo na akong lalapitan ulit.”

Natigilan ang binata sa narinig. “Ha?”

“Sila Christia o Ria na lang lapitan mo, sigurado ako di sila katulad ko na ayaw sayo. Basta layuan mo na ako. Pag nilapitan mo pa ako uli, kalimutan mo nang may Erika Pineda sa buhay mo at kakalimutan ko na rin na may Rex Tungol pala akong kakilala.” At sinaraduhan na ng dalaga ng pintuan si Rex.

Nung gabing yun ay pinag-isipan rin ni Erika ang nagawa. Alam niyang mali ito at hindi rin niya maintindihan ang sarili. Ano bang ginawa ni Rex sa kanya para tratuhin niya nang ganoon? Wala naman diba?

Oo nga, mapang-asar ito at laging sinisira ang araw niya pero hindi naman dapat niya sinabi dito na layuan siya.

Alam ni Erika na siya rin naman ang mahihirapan sa ginawa niyang problema. Gustong-gusto niyang kasama si Rex pero sinabi niya rito na layuan siya. Hindi ba napakalaking katangahan ng ginawa niya? Di bale, siya rin naman ang magdudusa.

Basta gagawin ni Erika ang lahat para lang di tuluyan mahulog kay Rex.

Sa isip niya ay hindi naman si Rex ang lalaking para sa kanya. “No way! Imposibleng mahulog ako para sa kanya!”

Naguguluhan siya. Ibinaon niya ang mukha sa unan at sumigaw. Hindi niya maintindihan kung bakit niya pinapahirapan ang sarili niya. “Erika, nakakainis ka talagaaaa!”

Alam niya na sa huli ay hindi naman talaga si Rex ang masasaktan sa mga pinag-gagagawa niya.

Siya.

[A/N: Wooooot. Please comment if you have time. :) Pretty please? With a cherry on top? Hahaha. :")]

TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon