II. Apologies

452 13 14
                                    

II. Apologies

     Sa loob ng ilang araw, hindi pinansin ni Erika si Rex. Batid niyang nagpapapansin ito, pero sinadya niyang huwag itong bigyan ng kahit anong pansin para lang tigilan siya.

     Hindi man siya sigurado kung yun ba talaga ang tama, ipinagpatuloy lang niya ito. At kahit aminin man niyang nasasaktan siya, iniisip na lang niya na yun ay makakabuti.

     Para sa kanya, bata pa siya para mag-commit talaga sa isang relasyon. Noong highschool siya naka-ilang boyfriend na sya, pero aminado naman ang dalaga na walang seryoso sa mga ito. Sa katunayan, noon ay si Rex lang naman talaga ang ginusto niyang maging boyfriend.

     Problema nga lang, hindi siya niligawan neto. Kahit kailan.

     Kaya naman siguro ganyan na lang ang pagtatampo ni Erika kay Rex. May sama ng loob rin siya kahit papano dahil pakiramdam niya, habambuhay nalang siyang paasahin ng binata. Yan tuloy, pilit niyang hindi pinapansin ang efforts nito para pasayahin siya.

     She just tried to convince herself that he was way too childish for her tastes.

     Kahit di alam ni Rex ang dahilan sa pag-iwas ni Erika sa kanya, nagdesisyon naman ito na humingi na ng tawad sa dalaga.

     “Ako’y alipin mo kahit hindi batiiiid… aaminin kong minsan ako’y manhiiiiiid…” isang pamilyar na boses ang sumalubong kay Erika pagbukas na pagbukas niya ng pintuan ng kanilang dorm room.

    “Aray, masakit sa tenga ah!” sabi niya nang makita kung kanino nanggagaling ang boses

    “Aray, masakit sa heart ah!” pabirong sambit naman ni Rex sa naturan ng dalaga.

     “Ha. Ha. Akalain mo yun, may puso ka pala.” singhap sa kanya ni Erika.

   Ngumisi si Rex. “Syempre naman noh! Di mo ba naririnig?”

     “Yung ano?” taas-kilay na tanong ng dalaga.

     “Yung puso ko, tumitibok para sayo.”

     “Ayiee! Ang cheesy naman nila!”

    Sabay napatingin sa gilid nila ang dalawang kabataan dahil sa gulat.

    “Ayiiiee, si Rex, dumadamoves!” a ni Christia, isa sa mga kaibigan nila. “Kayo na noh?!”

    “Erika ha, hindi ka nagsasabi!” biro naman ni Ria, isa rin nilang kaibigan.

    “Wala akong kailangan sabihin.” kibit balikat na sagot ni Erika.

    “Kita mo o, nanghaharana si Rex sayo!” balik naman ni Christia sa kanya.

 “Nanghaharana? Okay lang kayo? Kala ko nga nagpapasyon e.”

   “Ang sama naman nitong babaeng ito!” batok ni Ria kay Erika.

   “Hayaan mo na siya Ria. Ayaw lang niyang aminin na na-amaze siya sa ganda ng boses ko noh.”

    “Manigas ka. As if naman.”

     “Totoo naman! Na-amaze ka e. Ayieee.”

     “Di man. Di totoo yang sinasabi mo noh.”

     “Ah, so you’re telling me amalayer?!”

     Humagalpak sa tawa sina Ria at Christia. The former even hit the boy at the back of his head. “Loko ka, di mo bagay Rex!” “Onga, ka-corni mo!”

     “Hay nako. Maiwan ko na kayo dyan.” Agad-agad na bumalik si Erika sa kwarto niya.

  Napangiti si Rex pagkakita kay Erika kahit pa napakasungit ng turing nito sa kanya. Hindi mapigilan ng binata ang mabilis na pagtibok ng puso nito tuwing mahahagilap ng kanyang mga mata ang dalaga.

     Hindi nga niya ma-gets kung bakit ganun yung nararamdaman niya e. Ah, siguro dahil childhood bestfriends sila. Natural masaya siya pag andun si Erika. Duhh.

    Kinabukasan, sa canteen ng school, abalang-abala si Erika sa pagbili ng kanyang tanghalian. Noong una ay ayaw pa niyang bumili pero pinilit siya ng mga kaibigan.

    “Alam mo ang ganda mo pala… pag tumawa ang iyong mata… hinahabol ko ang bawat mong tingin ngunit ito’y di mo napapansin…

    Nag-init ang magkabilang pisngi ni Erika. Boses pa lang, alam na niya kung sino ang taong nasa likod niya. Alam na niya kung sino ang kumakanta, at alam na niya na siya ang kinakantahan nito.

     “Wala akong maipagmamayabang, porma ko’y pasimple-simple lang… sino ba ako, walang dating sayo? Di tayo bagay sobra mong gandaaa… aaaah…” pagpapatuloy pa ng binatang nasa likuran  niya.

     Ramdam ni Erika ang lahat ng mga matang nakatingin sa kanya ngayon. Naririnig rin niya ang mga pagbubulungan ng mga ito. At kitang-kita rin niya ang ngitian ng mga tao sa paligid nila.

     Kahit anong gawin niya, hindi niya mapigilan ang eratikong pagtibok ng puso pagkarinig na pagkarinig niya sa boses nito. May kung anong epekto kay Erika ang boses ni Rex at hindi niya alam kung anong mahika ang meron dito para mapabilis nito ang tibok ng puso niya nang ganoon. Para siyang lalagnatin. Nanghihina siya na pakiramdam niya ang gusto niyang matumba. Lalo pang nag-init ang katawan niya nang hawakan siya ng binata sa braso.

     “Erika?” bulong nito sa kanya.

     Nanlamig ang mga palad niya. Erika, nilalagnat ka lang, pilit niyang sinasabi sa sarili. ‘Kaya ka nag-iinit… kaya malamig ang palad mo… kaya parang nanghihina ka… ay dahil nilalagnat ka.

     “Erika, bakit… parang ang init mo ata?” tanong sa kanya ni Rex. Sobrang lapit nito sa kanya. Dahil naka-ipit ng isang pusod si Erika, ramdam na ramdam niya ang mainit na hininga ng binata sa batok niya. Nag-init muli ang pisngi ng dalaga at alam niyang nag-blush siya ng mga sandaling iyon.

      ‘Erika, mali, mali, mali itong lahat!’ pilit niyang binabawal ang kanyang sarili. Hindi niya napansin nang lumipat sa harap niya si Rex at marahang ipinatong ang likod ng kamay nito sa noo ng dalaga. “Wala ka naman lagnat eh.” sambit ni Rex sabay ngiti nang malamang walang sakit si Erika. “Kala ko napano ka na. Pinag-alala mo ako.”

      Halos mabingi si Erika sa ibang ingay sa canteen. Pakiramdam niya parang si Rex lang at siya ang tao sa buong mundo. Agad siyang tumalikod nang maramdaman niya na naman ang pag-iinit ng pisngi niya. Ayaw niyang makita ni Rex na mag-blush siya. Baka isipin pa nito na crush siya ni Erika.

      “Shaira.” tawag ni Erika sa kaibigan.

     Lalo pang napangiti ni Shaira nang makita ang mga namumulang pisngi ni Erika. “O bakit?” tanong naman nito.

     Pinilit ni Erika na pakalmahin ang sarili. “Wala na akong ganang kumain. Halika na.”

       “Ha? Ha? Bakit? Bakit?” pagtataka naman ni Shaira.

      “Ayoko na. Please. Kung kakain ka pa, aakyat na ako. Sorry.” nagmamadaling paumanhin ni Erika sa kaibigan sabay takbo paakyat ng kanilang classroom.

      Pagkaalis ni Erika, tumingin naman agad si Shaira kay Rex. “Ikaw kasi, masyado kang…”

      “Mabilis?” seryosong tanong ng binata.

     Umiiling-iling na umakyat na rin si Shaira. Pagdating sa hagdan ay tumingin muli ito kay Rex sabay sabi ng, “Mabagal ka masyado!”

(A/N: Second chappie. Yay. Hahaha, kataray ni Erika. Rugoo. In denial pa kasi e. Hahaha.)

TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon