IV. Savior
“Shaira, kanina pa ako dito! Pagabi na o?!” halos sumigaw na si Erika sa cellphone niya. Kausap niya ang matalik na kaibigan.
Hindi sinasadyang maiwan si Erika sa Mt. Makiling nang mag-class outing sila doon. Akala raw kasi ng kanilang teacher ay nauna nang bumalik ang dalaga sa meeting place. Nang pagdating doon at wala pa si Erika, naisip naman ng mga ito na baka sumabay na ang dalaga sa mga naunang klase. Kung sabagay, sila nga naman ang pinakahuling natapos.
Pagod na pagod na si Erika sa kakalakad sa kagubatan. For goodness’ sake, 2 hours na siyang nandoon. Magaalas-siete na ng gabi. Madilim na ang paligid at nagsisimula na rin siyang matakot.
Isang linggo silang mananatili sa Laguna para mag-explore ng Mt. Makiling. Kumbaga eh parang nature trip lang rin. May tinutuluyan silang cottages malapit sa bundok. Noong una ay nagrereklamo ang mga estudyante na doon na lang raw sa bundok mag-camping ngunit sabi ng mga teacher nila ay masyado raw nakakatakot doon pag gabi. At ngayon ay alam na ni Erika na hindi sila nagbibiro.
“Shaira please, ayoko na dito!”
“Erika, sorry talaga, ayaw na kaming payagan ng mga guides na bumalik dyan! Delikado raw!”
“Ah, so hahayaan niyo na lang ako dito, ganun ba yun?!”
“Ano ka ba, syempre hindi, pero-”
“Oh forget it. Hindi na ako aasa.”
“Erika, wag ka mag-alala, try namin na sunduin ka dyan.”
“Gawin niyo!”
“Oo Erika, talagang gagawin namin. Maghintay ka lang. Tsaka mag-ingat ka sa-”
The phone went dead. Battery low. Shut down phone. Halos mapaiyak si Erika sa galit. Muntik nanyang mabato phone nya sa inis.
May bigla na lang gumalaw sa malapit at napatakbo ang dalaga. Laking gulat naman niya nang mahulog siya sa isang hindi kalaliman na butas sa lupa na puno ng tubig. Basang-basa at umiiyak, napaupo na lang siya sa gilid ng puno habang humihiling na sana may makakita sa kanya doon.
Maya-maya pa ay hindi na niya nakayanan ang panghihiha niya. Naramdaman nalang niya ang dahan-dahang pagpikit ng mata niya dala na rin ng pagod at antok.
Isang kaluskos ang narinig ni Erika. Mga yabag ng paa, paparating. Parang pamilyar ang mga tunog ng paglakad nung tao na yun. Hindi niya alam kung sisigaw siya o tatawa nang may makitang tao na papalapit sa kanya.
Para bang huminto ang mundo nang tumahimik ang kagubatan. Isang matangkad at matipunong lalaki na naka long-sleeved hoodie at jeans ang lumapit sa kanya. Kitang-kita ni Erika sa nakalabas na kamay ng lalaki na maputi ito. Pansin din niya na basa at putikan ang dulo ng jeans nito. Halatang nahirapan ang lalaki na hanapin siya dahil kita rin niya na medyo may punit-punit at bakas ng dumi ang damit nito. Para ngang may bahid pa ng dugo sa bandang upper arm ang green jacket nito. Napaiyak na siya.
Hindi nagsalita ang lalaki pero alam niyang napagod ito, siguro sa paghahanap sa kanya. Naririnig niya ang mahina nitong paghinga at nang lumapit ito sa kanya, parang naririnig na niya ang mabilis na pagtibok ng puso nito.
Ang huling alaala ni Erika bago siya nawalan ng malay ay ang strong but gentle hands na bumuhat sa kanya paalis sa lugar na yun.
“Rex…”
“ERIKA, Erika, okay ka lang? Erika!”
Napaupo ang dalaga at tinignan ang paligid. Nagulat siya nang makita ang mga mukha ng kaklase niyang nakatitig sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/3423196-288-k690734.jpg)
BINABASA MO ANG
Torpe
RomansaBakit ang boys, kahit di in love, nag-"iiloveyou"? Bakit ang girls, kahit in love na nga, sinasabi pa rin "I hate you"? At ano nga ba ang mangyayari pag nagsama ang isang pakipot at ang isang torpe?