I. Feelings

854 17 12
                                    

      I. FEELINGS

“Hoy  Rex!”  sigaw  ni  Erika  sa  kaklase.  “Wala  ka  na  naman sigurong  magawa  kaya  ako  na  naman  pinagtritripan  mo  noh?!”

“O,  easy  ka  lang  Erika,  sayang  naman  beauty  mo  kung  palagi  kang  galit.”  natatawang  sagot  ng  binata.

Tumingin  ang  mga  kaklase  nila  pero  hindi  na  lang  rin sila  pinakialaman.  Isang  normal  na  araw  lang  iyon  para  sa  kanilang  lahat.  Lagi  naman ganoon  si  Rex,  mapang-asar  at  maloko.  At  ang  paborito  niyang  biktima  ay  si  Erika,  ang  kanilang  kaklase  na  alam  naman  ng  lahat  ay  hindi  mahilig  sa  mga  mapantrip  na  taong  katulad  ni  Rex.  Ang  mga  iba  nga  ay  sinasabing  baka  raw  may  gusto  si  Rex  kay  Erika.  Maraming  nagtatanong  sa  kanila  kung  sila  na  ba  pero  dahil  hindi  naman  ito  sinasagot  ng  binata  ay  hindi  na  lang  rin  pinapansin  ng  dalaga  ang  mga  nagtatanong.

 Lalong  nagalit  si  Erika sa narinig.  “Ano  ba!  Kita  mo  na  ngang  galit  na’ko  dito,  pinagtatawanan  mo  pa  ko?!”

 “Teka nga kasi Erika, ano bang problema?” singit naman ni Shaira, ang matalik na kaibigan ng dalaga.

 Umirap muna si Erika kay Rex bago sumagot, “Eto naman kasing Tungol na ‘to, sa lahat ng magpagtritripan AKO pa. Lagyan ba naman ng mga uod yung bag mo, hindi ka magagalit?!”

 “Uod?!” nagtatakang tanong ni Shaira.

 Hindi naman halos makahinga si Rex sa katatawa. Hawak pa nito ang tiyan at napaupo na sa sahig. Lalong umapoy sa inis si Erika.

 “Hoy, ano ba?!” sigaw na niya dito at sinipa ang paa nito.

 Pinilit ng binatang tumayo. “Joke lang naman kasi yun Eri-”

“Puro ka na lang joke! Joke! Joke! Lagi na lang joke! Sana JOKE ka na lang rin!” sigaw ni Erika sabay lakad palabas ng room. Agad naman itong sinundan ng kaibigan nitong si Shaira.

Nanggagalaiti sa galit si Erika paglabas ng room. Araw-araw na lang iniinis sya ng kaklase niyang si Rex. Wala na atang araw ang dumaan na hindi siya tinukso o pingtripan nito.

5’6  ang  height  at  balingkinitan  ang  katawan  ng  17-year-old  na  dalaga. Ang  kanyang  buhok  ay  layered  ang  style  na hanggang  hanggang  gitna  ng  kanyang  likod  habang  sa  harap  naman  ay  hanggang  leeg  niya  ito.  Isa  rin  siya  sa mga  pep  squad  dancers  ng  school  nila.  Matalik  na  kaibigan  naman  niya  si  Shaira,  ang  maganda  at  matalinong  kaklase  nila  ni  Rex.

“Naiirita na ko. Kelan ba siya titigil?” tanong ni Erika sa kaibigan. Nangingiti naming sagot ni Shaira, “Pero gusto mo naman?”

Napabuntong-hininga si Erika. “Shai.”

Pinagtaasan siya ng kilay ng kaibigan. “Di wari totoo?”

“Hindi ko naman gustong inaasar niya ako noh!”

 “Oo nga, pero gusto mong pinapansin ka niya. At gusto mo ring ginagalit ka niya para magkaron ka ng dahilan para kausapin at hawakan siya.”

“Kausapin at hawakan?!”

“Oo, pag sinisigawan at pinapalo mo siya.”

 Pabirong hinampas ni Erika ang braso ni Shaira. “Ano ka ba Shai! Di totoo yan noh!”

“Sus! Alam mo ba yung kasabihang ‘Liars go to hell’?”

“Oo naman.”

“Perfect example ka nun.”

Isang palo muli ang natanggap ni Shaira mula sa kaibigan. “Masakit na ah!”

“Ikaw kasi eh.” sagot ng dalaga.

In a sense, may point rin  si Shaira. Gustong-gusto ni Erika pag hinahawakan niya si Rex. Gusto rin niyang kasama ito. Para bang napaka-secure ng pakiramdam niya pag alam niyang nasa paligid lang niya ito. Kung magkakaroon nga siya ng Prince Charming, tiyak ay si Rex ang pipiliin niya.

 Pero ano ba itong iniisip niya? Isip-bata at makulit itong si Rex. Di bagay sa edad niya. Jusko, malapit nang mag-17 ang binata pero kung gumalaw parang katorse anyos lang na nag-aaral sa highschool. Mature naman ito kung ituturing. May mga moments na seryoso ito, at may mga moments rin na witty ang mga lumalabas sa bibig nito. Ang during those moments, ang kinakatakot lang ng dalaga ay ang mahulog ang loob niya sa binata.

“Hahaha! Ayiieee! Rex! Rex! Mrs. Erika Tungol. Bagay!” tukso ni Shaira sa kaibigan sabay takbo papalayo.

“Hindi nga eh! Ang sagwa kaya pakinggan!”

Wala naman nang magawa si Shaira kundi tumawa.

Habang tinititigan ni Erika ang kaibigan, di niya mapigilang mapangiti at mapaisip. Simula bata siya kilala naman na niya si Rex. Palabiro, makulit, at mapang-asar ang lalaki. Noong bata sila ay hindi naman sila talaga close, pero magkaibigan rin naman ang turingan nila sa isa’t isa. Hanggang mag-highschool sila at medyo napariwara na ang binata. Madalas na itong lumiban sa klase at lagi pang nadadawit sa mga gulo.

Kung tutuusin, may gusto rin naman talaga si Erika dito. Maputi, matangkad, singkit ang mga mata at gwapo ang binata. Ang tanging bagay lang na pumipigil sa nararamdaman niya ay ang mapang-inis na ugali ni Rex na ayaw na ayaw ni Erika.

 Pero in fairness, natotolerate naman niya ang ugaling iyon ni Rex. Sa totoo nga lang ay parang napipisil niya na yun ang paraan ng binata para maglambing. Alam naman ni Erika na hindi talaga ganoon ang kaklase. At hindi dahil lagi nadadamay sa gulo ang binata ay masama na ito. Batid rin ni Erika na mabuting tao si Rex.

Bata pa sila ng una niyang maging kaklase ito. Makulit at pasaway ang binata. Lagi rin siyang inaasar. Gayunpaman, naging ka-close rin niya ito nung highschool. Parati pa nga silang lumalabas nun kasama ang ilang mga kaibigan. Ngayon ngayon na nga lang na naguguluhan si Erika sa kanyang nararamdaman kaya naman pilit niya itong binabaon sa puso niya.

‘Ano ka ba Erika!’ saway ng dalaga sa sarili. Nagpatuloy na lang siya sa kanyang paglalakad habang pilit inaalis ang imahe ni Rex sa kanyang isip.

A/N: Again, sorry kung corny. Bwahahaha. Pero ganyan talaga yang dalawang yan, promise. Trolololol. :")

TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon