V. Denial
“Okay, so ngayon class, ang gagawin natin ay ang magtanim ng saplings sa paa ng bundok.” Paliwanag ng AP teacher nila na si Mrs. Capulong.
“Ma’am, baka naman po di na makapaglakad ang Makiling pag tumubo na ang mga puno?” biro ni Rex. Pinigilan Erika ngumiti pero lumabas pa rin ito.
Tawanan naman ang buong klase. Ngumiti rin ang kanilang teacher, sabay sabi, “Well, I’m pretty sure Mr. Tungol matutuwa ang asawa niya noh? Dahil hindi na siya matatakasan.”
“Ma’am?” tanong ng binata.
“Tulungan mo kaya ang asawa ng Mt. Makiling. Instead of 5 saplings, magtanim ka ng 10, okay Mr. Tungol? I’m sure the mountain will appreciate it.” dagdag ni Mrs. Capulong.
Tawanan ang mga estudyante. “Ma’am naman!” reklamo ni Rex, pero nakangiti rin ito.
“Nakakaenjoy pala ito noh?” tanong ni Erika sa kaibigan. “Masaya pala eh.”
Ngumiti si Shaira. Pagkatapos ay tumuro sa likod ni Erika. “Ayun, dapat mo rin bang ikasaya?”
Tumingin si Erika sa tinuturo ng kaibigan.
Nakita niya si Rex kasama ang isang babae mula sa ibang section, si Gerlen. Kitang-kita niya nang pabirong buhusan ng lupa ni Rex ang damit ng dalaga. At kitang-kita rin ni Erika kung paano tumawa lamang ang babae at pagkatapos ay binuhusan rin ang damit ni Rex ng lupa.
'Seryoso? Nagpapaganyan sya? Yuck.'
“Mukhang… Masaya sila noh?” tanong ni Shaira. “Hindi naman kasi KJ yung babae, hinahayaan lang niyang pagtripan siya ni Rex. Inaasar rin niya eh.”
Hindi naman maintindihan ni Erika ang biglang kurot sa puso niya. Para bang pakiramdam niya ay dapat siya ang babaeng kasama ngayon ng binata. Pero hindi ba dapat ay masaya siya na hindi na siya ang ginugulo nito?
'Erika... nandidiri ka. Diba? Nandidiri ka. Hindi ka nagseselos. Nandidiri ka lang.'
Hindi eh. Ayaw man niyang aminin, alam niyang nagseselos siya sa dalawa.
“Tignan mo naman, nilagyan ni Rex ng uod yung kamay niya!” biglang sabi ni Shaira. “Ay dapo, hinawakan pa niya tas nilagay niya sa buhok ni Rex!” tawa nang tawa si Shaira. “Tignan mo o, nagpanic si Rex. Hahaha, buti nga sa kanya!”
'Ewwww. UOD NA NAMAN? YUCK. 'As in yuck, super duper yuck. -_____-'
'Pero ba't ganun?! Bakit winiwish ko na sana ako yun?! Kahit kadiri pa... ihhh.'
' Gusto ko lang syang makasama.''
'Erika, ano bang pinag-iiisip mo! Erase erase!''
Napapikit si Erika. Ayaw niya silang makita. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Pag nandyan naman si Rex ayaw niyang kasama pero bakit pag may kasama na itong iba, parang gusto niyang sigawan ang kasama nito ng “Akin lang siya”?
Nagulat si Erika nang tabihan siya ng ilan pang mga kaibigan, sina Ariadne at Roan.
“Sweet nila oh.” turo ni Roan kay Gerlen at Rex.

BINABASA MO ANG
Torpe
RomanceBakit ang boys, kahit di in love, nag-"iiloveyou"? Bakit ang girls, kahit in love na nga, sinasabi pa rin "I hate you"? At ano nga ba ang mangyayari pag nagsama ang isang pakipot at ang isang torpe?