VI-1. Staring
Kinabukasan habang naglalakad si Erika sa paligid ng cottages nila ay nakita niya si Rex. Nakaupo ito sa bench at nakayuko na para bang malalim ang iniisip.
Habang tinititigan niya ito, naramdaman na naman niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya. He was only wearing a sando and pajamas. And the way the sun’s rays shone on his physique made her shiver. He was handsome, she was very sure of that.
Tinitigan niya ang malalakas na braso nito. Para bang ang sarap mahiga sa mga braso niya. Ano kayang pakiramdam ng mga yakap niya? Erika knew that she had always wished he would hug her. How wonderful it must feel, being hugged by the one you love.
Natigilan si Erika. The one you love? It can’t be. Imposibleng mahal niya si Rex. Pero teka, bakit nga ba niya iniisip ito?
Kinumbinsi ni Erika ang sarili na ang mga braso lang ni Rex ang tinitignan niya at hindi ang binata mismo.
Nginitian siya ng binata pagkatapos ay tumayo ito mula sa inuupuan upang lumapit sa kanya.
“Erika.” tawag nito. The butterflies in her stomach fluttered. Ang sarap pala marinig ang pangalan niya mula sa bibig ni Rex. Iba ang tunog. Parang anghel na umaawit. How she loved it when he called her name!
Nang magkaharap na sila ay ngumiti uli si Rex. “Oy, parang tulog ka na dyan ah.”
“H-ha?” she clenched her fist. Nanghina bigla yung mga tuhod niya at parang di na siya makatayo ng mabuti.
“Hey… okay ka lang? Tulala ka.” Rex commented. Hindi man lang niya naisip na baka siya ang dahilan kung bakit nagkakaganun si Erika.
Ayaw man ni Erika, inakay siya ng binata pabalik sa bench kung saan ito nakaupo. Pagdating doon ay nagulat si Erika nang hinawi ni Rex ang bangs niya palayo sa mukha niya. Pagkatapos ay kumuha ito ng panyo mula sa bulsa at pinunasan ang noong pinagpapawisang si Erika.
Nag-init ang pisngi ng dalaga at alam niyang nagblublush siya. Rex softly laughed then whispered, “Kung di kita kilala, iisipin ko lovestrucked ka sakin.”
Erika almost screamed at his face. God, didn’t Rex know any better? He was right. He was right! Lovestrucked nga sa kanya si Erika. Can’t he see the truth?
“O-okay lang a-ako.” Erika stuttered.
Tumawa ulit si Rex. “Mukha nga. Hahaha! Buti lumabas nga ngayong umaga?”
God, ayan na naman siya! Erika can’t stand it anymore. Nakatitig sa kanya si Rex at hindi niya kayang tignan ng diretso ang binata. Pakiramdam niya parang aatakihin siya sa puso sa sobrang bilis ng tibok nito. Pinilit niya ang sariling tumingin muli dito but his gaze weakened her knees. It’s as if his eyes were staring right into her soul. Napayuko siya. Napansin niya na parang may sugat si Rex sa braso. Tinanong niya ito.
“A-anong… nangyari dyan?” tanong niya dito.
“Ah, ito?” turo ni Rex sa sugat na parang wala siyang pakialam rito. Pero napansin ni Erika na nilayo ng binata sa kanya ang braso kung nasaan ang sugat. “Wala, gasgas lang.”
“Bakit ka nasugat…?” usisa pa ni Erika. Para kasing pamilyar sa kanya ang sugat na iyon.
“Wala, clumsy ako masyado.” halatang hindi kumportable si Rex sa topic kaya naman iniba na ni Erika ang pinag-uusapan nila.
“Ah… uhmmm… ka-kamusta… naman kayo n-ni Gerlen?” tanong niya.
In her peripheral version she saw a confused Rex looking at her intently. Suddenly he turned away and laughed. “Haha, okay lang naman kami.”
Hindi alam ni Erika kung anong nangyayari sa kanya. Parang may sariling utak ang bibig niya at kung anu-ano na lang ang itinatanong. “Masaya naman kayo?”
Napatingin uli sa kanya si Rex. Malamang ay nagtataka na ito sa mga tanong sa kanya ng dalaga. But being the gentleman he was, he still answered her question honestly. “Oo. Masaya siya kasama. Hahaha, siya lang ang nakita kong hindi nagagalit pag pinagtritripan ko.”
May naramdaman na namang kirot si Erika sa puso niya. “Hindi kasi siya KJ. Parang ikaw. Pareho kayo.”
“Oo, parang ganun na nga.” sagot sa kanya ni Rex na may ngiti. Pagkatapos ay tumingala ito sa langit.
Nagnakaw ng tingin si Erika sa katabi. While staring at Rex who was peacefully looking up at the sky, she couldn’t help but feel peaceful as well. Her wildly-beating heart was still erratic but her mind was peaceful with him. Para bang wala na siyang kailangang alalahanin pa pag magkasama sila.
The ambience was perfect for them too. Mga 4 pa lang ng umaga, hindi pa sumisikat ng tuluyan ang araw. At sigurado rin si Erika na sila pa lang ang gising sa klase. She felt so happy. Bakit nga ba ang tagal niyang iniwasan si Rex? There was nothing in him to avoid. Rex was perfectly nice to her, kahit pa minsan malakas mang-asar at nakakairita na.
Somewhere in her heart, she also felt hurt because of Gerlen’s close relationship with Rex. Masasabing kaibigan rin niya si Gerlen kahit hindi sila masyadong close. Mabait itong kaibigan at masaya rin kasama. No wonder gusting-gusto itong kasama ni Rex. Pero hindi ba pwedeng siya na lang? Mabait rin naman siya, at sabi ng kanyang mga kaibigan, masaya rin siya kasama. Hindi ba pwedeng siya na lang ang piliin ng binata?
[A/N: Next na ang isa sa mga favorite parts ko sa story na to. Hahahaha. Sorry nga pala, medyo serious ang chappy na to.]
BINABASA MO ANG
Torpe
RomanceBakit ang boys, kahit di in love, nag-"iiloveyou"? Bakit ang girls, kahit in love na nga, sinasabi pa rin "I hate you"? At ano nga ba ang mangyayari pag nagsama ang isang pakipot at ang isang torpe?