Ellaine POV
"Gising na Ellaine"
"Hmmm" sabi ko
Bumangon na ako.
Napansin ko na nandito ako sa loob ng van.
"Anong..anong ginagawa ko dito?" Tanong ko
"Ang hirap mong gisingin kanina kaya binuhat kita para makaalis na tayo"
"Ayusin mo ang iyong sarili at lumabas ka na nag-van"
"Sabay na tayong pumasok sa loob"
Madaling kong inayos ang aking sarili at lumabas na sa van.
"Ang tagal mong tulog"
Inabot niya sa 'kin ang isang mineral water.
"Malinis 'to"
Inabot ko na ang mineral water at ininom.
Sabay kami pumasok sa loob ng bahay ni Abrian.
Nakita ko na nandito sila.
"Ate Ellaine"
Na makita ako ni Liza at tumakbo at yumakap siya sa 'kin.
"Alice"
Tinanguan lang ako ni Alice.
"Pasensyahan mo na ang anak ko, masama lang ang pakiramdam niya" sabi ni Tita Phia
"Hindi ka ba natuwa na makita kami Alice?" Tanong ni Tito Jorsan
"Natuwa, dahil na ibalik ninyong buo sina Dad at Loki"
"Hindi ka ba natuwa dahil kasama ko ang pinsan mo?" Sabi ni Tito Jorsan
"Pinsan?" Takang tanong ni Alice
"Pinsan mo si Ellaine, anak siya ni Jordan"
"Hmm, ikinagagalak ko na makilala ka Ellaine Cortez Audencio"
"Ganoon din ako Alice Cortez Lopez" sabi ko
"Mag-papahinga muna kami"
"Manang, paki-hatid sila sa guest room" utos ni Abrian sa katulong
Kailan pa may katulong dito?
"Masusunod Sir" sabi niya
"Tombs, magpahinga ka na rin. Sasamahan ka nila Tren, Thom at Liza. Sina Dad muna ang mag-aalaga kay Loki" sabi ni Thun
Hindi na nagsalita si Alice ay inalalayan siya nina Tren at Thom bago dahan-dahan umakyat sa hagdan.
Na tuluyan pumasok sa loob ng kwarto sila Alice ay biglang nagsalita si Tito Thatcher.
"Kung ganoon ay ikaw ang papalit kay Jordan"
"Si Tito Jorsan ang papalit kay Papa" sabi ko
"Ayaw mo ba?" Tanong ni Tito Thatcher
"Hindi naman sa ayaw ko, sapat na ako na isang Mafia ang aking mapapangasawa"
"May punto si Ellaine, Mafia na si Abrian kaya intindihan na lang natin ang desisyon niya" sabi ni Tita Tristina
"May sasabihin si Ellaine, tiyak kong matutuwa ang isa diyan" ngiting sabi ni Tito Jorsan
"Dalawang buwan na akong buntis"
Malakas na tinapik ni Thun si Abrian sa balikat.
"Buntis ka Queen?"
BINABASA MO ANG
Don't Break the Rules of a Mafia
Action[Under Revision] J. B. S. A. E Series #5 Isang babaing ang pangalan ay Ellaine Montessori na ibig pa-ibigin ang puso ng isang mafia. Magagawa kaya niya pa-ibigin ang mafia? Paano malaman niya ang tunay na ugali ng mafia higit pa sa inaakala niya? I...