Chapter. 21

714 40 0
                                    

Ellaine POV

Habang nandito kami sa byahe ay walang nagsasalita sa 'min.

Na makarating dito sa bahay niya ay agad naman kami bumaba ng kotse. Dumiretso na si Abrian sa loob ng bahay samantala ako ay hinihintay na  bumaba sina Haword sa van.

"Bakit nandito ka pa sa labas Ellaine?" Tanong ni Kian

"Hinihintay ko lang kayo na bumaba ng van"

"Gusto ko lang magpa-salamat sa inyo"

"Wala 'yon Ellaine, tinawagan kami ni Abrian at sinabi niya na sundan namin kayo" sabi ni Gian

"Mas maganda kung mag-uusap kayo ni A, sa tingin ko may hindi nangyari kanina base sa itsura niya" sabi ni Haword

"Mauna na ako"

Tumango naman sila bilang sagot.

Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila ay naglakad na ako papasok sa bahay.

Naabutan ko na nakaupo sa sofa si Abrian at nanonood ng movie.

Lumapit ako at pinatay ang power.

"Bakit mo pinatay?" Sabi niya na lumingon sa 'kin

"Mag-usap tayo, ayoko na ganito ka sa 'kin at alam ko na may gusto kang itanong sa 'kin"

"Totoo ba na pina-ibig mo lang ako dahil sa pera?" Tanong niya

"Sa tingin mo ba ganoon ako?"

"Inutusan ako ni Blane na magpa-ibig ng mayamang lalaki, pero hindi ko sinunod dahil hindi ako ganoon babae"

"Mas lalo na, hindi ako bayarang babae"

"Ang gusto ko lang naman ay maayos at kumpletong pamilya"

"Kung pera lang naman ang habol ko sa 'yo, bakit hindi ko pinerahan sina Alice?"

"Baka nakalimutan mo, tumira din ako kina Alice. Pero ni minsan ay wala akong kinuha na ano sa kanila"

"Hindi ako desperadang babae"

"Hindi ko gagawin ang lahat para lang magka-pera na hindi ko naman pinag-hirapan"

Tumayo at lumapit sa 'kin si Abrian. Tinanggal niya ang aking buhok na nakaharang sa mukha at nilagay niya 'to sa gilid ng tenga ko.

"Hindi naman ako galit sa 'yo"

"Hindi ganoon ang tingin ko sa 'yo Queen"

"Mahal kita, mahal na mahal kita Queen"

"Kahit na wala akong pera?" Sabi ko

"Oo"

"Kahit na hindi ako nakapag-tapos ng pag-aaral?" Tanong ko

"Oo"

"Don't expect from me, I'm from poor family I can only give you is love" sabi ko

Niyakap niya ako ng mahigpit ganoon din ako sa kanya.

"Mahal na mahal kita King"

"Hindi na ako natutuwa sa nakikita ko"

Agad naman kami naghiwalay ng yakap ni Abrian at sabay tumingin sa nagsalita.

Si Higad nandito na.

"So, Dapat ba ay matuwa ka sa nakikita mo?"

Hindi naman sumagot si Glitzy sa tanong ko. Hindi ko na hinintay ang isasagot niya na tumingkayad ako at hinalikan si Abrian.

Don't Break the Rules of a MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon