Ellaine POV
"Nahihiya ka ba?"
Nandito ako ngayon sa kusina at kasalukuyan naghuhugas ng mga pinggan.
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Sir at pinagpatuloy ang paghuhugas.
"Nahihiya ka dahil nakita ko na nalaglag ang panty mo"
Tumingin naman ako sa kanya.
"Hindi 'yon panty, cycling 'yon" sabi ko
"Ang alam ko kasing cycling ay kailanman hindi lumuluwag"
"Ang panty lumuluwag kapag sobrang tagal na nagamit at sa paglalaba kapag sobrang kusot"
Paano niya nalaman 'yon? Nagsusuot ba siya ng panty?
"Ipagpatuloy mo na lang muna ang paghuhugas pagkatapos ay pumunta ka sa kwarto ko, hihintayin kita"
Tatalikod na sana siya na tanungin ko siya.
"Anong gagawin natin sa kwarto?" Takang tanong ko
"Mag-uusap"
"Mag-uusap? Pwede naman dito na lang" sabi ko
"Sa kwarto ang gusto, Don't worry wala sa isip ko ang.."
"Sige sa kwarto na"
Natawa naman si Sir sa sinabi ko.
"Hmm, naalala ko nga pala may sinabi pala ako sa 'yo kahapon"
"Ano 'yon Sir?" Takang tanong ko
Alin doon? Ang dami niya kasing sinabi kahapon.
"Masama ang pakiramdam ko ngayon, siguro sa ibang araw na lang natin gawin"
"Huwag ka na malungkot hahaha"
"Siguro ay alam mo ang tinutukoy ko?"
"Pwede ba Sir, tigilan mo na ang pagiging manyak mo" sabi ko
"Sa ating dalawa ikaw ang manyak, sumasang-ayon lang ako sa gusto mo para hindi ka umiyak"
Anong akala niya sa 'kin bata? Kapag hindi binigyan ng lollipop iiyak na.
"Huwag mong ubusin ang pasensya ko Sir" sabi ko
"Ano naman kung uubusin ko ang pasensya mo?"
Lumapit naman siya sa 'kin at ngayon ay nasa harap ko na siya.
"Anong gagawin mo?"
Ramdam ko ang bilis na pagtibok ng aking puso.
"Huwag mong hayaan na maubos din ang pasensya ko dahil masisigurado ko na hindi mo magugustuhan ang mangyayari"
Napalunok naman ako sa sinabi niya. Hindi ko na nagawa magsalita at tumingin ako sa kanya na naglalakad papalayo sa 'kin.
Pinagpatuloy ko na ang paghuhugas sa mga plato.
Ilang sandali ay natapos na ako sa paghuhugas.
Papunta na sana ako sa taas para pumunta sa kwarto ni Sir na harangin ako nina Fuzzy at Gian.
"Bakit?"
"Nasaan si A?" Tanong ni Fuzzy
"Nasa kwarto niya"
"Paki-sabi sa kanya na gusto namin siyang makausap, mahalaga ang pag-uusapan namin" sabi ni Gian
"Sasabihin ko, hintayin na lang ninyo 'yon ay kung baka matagalan kami"
BINABASA MO ANG
Don't Break the Rules of a Mafia
Aksi[Under Revision] J. B. S. A. E Series #5 Isang babaing ang pangalan ay Ellaine Montessori na ibig pa-ibigin ang puso ng isang mafia. Magagawa kaya niya pa-ibigin ang mafia? Paano malaman niya ang tunay na ugali ng mafia higit pa sa inaakala niya? I...