Chapter. 6

1.1K 55 0
                                    

Abrian POV

Hindi ako makatulog sa ginawa ni Ella sa 'kin ang lakas ng impact niya sa 'kin.

Ang babaing 'yon siya lang ang nagpaparamdam sa 'kin ng ganito.

Ang dami niyang ginawang kahihiyan pero dahil doon ay natutuwa ako sa kanya.

Mabuti na lang pala nakilala siya ni Alice at dinala sa bahay ni Thun.

Ang ugali ni Ella ay iba sa mga babaing kilala at nakakasalamuha ko.

Napangiti ako na maalala ang mga pinag-gagawa niya.

"May sakit na ang isang 'to" tukoy sa 'kin ni C. A

"Ngumingiti mag-isa" natatawang sabi ni D

Nakalimutan ko na kasama ko pala ang mga 'to.

"Walang nakakatawa sa pinagku-kwentuhan namin A" sabi ni B

"May naalala lang ako"

"Sino naalala mo?" Tanong ni Thun

Nandito kami ngayon sa bahay nina Thun, nasa rooftop kaming nina B, C. A, C. L, D, E at H.

Hindi naman agad ako makasagot sa tanong ni Thun.

"Walang nakakatawa sa pinag-uusapan namin"

"Tinanong kita, Sino ang nagpapangiti sa 'yo?"

"Hindi ka kasi basta-basta ngumingiti kapag walang dahilan"

Tahimik lang ang iba pang kasama namin tanging si Thun lang ang nagsasalita.

"Matagal na kitang kilala A"

"Sabihin mo na kasi A" sabi ni H

Napatingin naman sila kay H.

"Tingnan mo 'to, may alam rin" sabi ni C. L

"Inlove na yata si Pareng A" sabi ni E

"Inlove ka na ba?" Tanong ni B

"Huy! A, magsalita ka napipi ka na" sabi ni D

"Mahal ko siya"

"Sino ang mahal mo?" Sabay nilang tanong

"Mahal..mahal ko ang tuta ko"

"Nampucha A, wala ka namang tuta" sabi ni C. L

"Allegry ka sa aso" sabi ni Thun

Biglang nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi ni Thun.

"Mahal ko si Ella"

"Sino si Ella? Wala naman tayong kilalang Ella" takang sabi ni B

"Si Ellaine"

"Ellaine? Teka! Parang narinig ko na ang pangalan na 'yon" sabi ni C. L

"Iyong kaibigan ni Alice, na pinatira sa bahay ni Thun doon sa Quirino"

"Ah! Oo naalala ko na, Ella pala ang nickname niya" sabi ni C. A

"Ako lang dapat ang tatawag sa kanya na Ella"

"Nakabuo na ba agad kayo?" Tanong ni E

"Ano? Hindi pa"

"Ganoon, edi may balak kang buntisin siya?" sabi ni B

"Manahimik ka nga B, wala pa sa isip ko ang bagay na 'yan"

"Okay okay namumula ka na, tinatanong lang naman kita" sabi ni B

Don't Break the Rules of a MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon