Chapter. 7

1K 50 0
                                    

Ellaine POV

"Hmmm"

Nagising ako sa ingay mula sa ibaba. Agad naman ako napaupo sa kama kahit na nakapikit ang aking mata.

Napamulat ang aking mata dahil biglang pumasok sa aking isip na hindi pa pala ako nakakapag-luto ng umagahan.

Tumingin ako sa orasan.

Napatakip ako sa aking mukha na makita kung anong oras na.

"Patay kang bata ka"

"Tanghali na"

Tumayo ako at dali-daling pumasok sa C. R para maghilamos, pagkatapos ay lumabas na ako sa kwarto.

Papunta na sana ako sa kusina na magsalita sa likod ko.

"Sino ka?"

Lumingon naman ako sa kanya.

Halatang nagulat si Abrian na makita niya ako.

"Ikaw pala 'yan Ella, akala ko may baliw na nakapasok sa bahay ko"

May kinuha siya sa kanyang bulsa, na makuha niya ay nakita ko kung ano 'yon. Dali-dali niya ako kinuhaan ng litrato gamit ang kanyang cellphone.

Hindi naman agad ako naka-react sa ginawa niya.

"Pasensya na Sir, kung tanghali ako na gising"

"Ipagluluto ko na lang kayo ng madaming pagkain para makabawi naman ako"

"Hindi na kailangan" sabi ni Abrian

"Pero Sir, huwag ninyo ako tatangalin ng trabaho" sabi ko

"Wala naman akong sinabi"

"Anong akala mo sa 'kin? Hindi marunong magluto?"

"Ibig sabihin.."

Hindi natapos ang sasabihin ko na magsalita ulit siya.

"Syempre ako ang nagluto, aanuhin ko ang galing ko sa pagluto kung hindi ko naman gagamitin"

Wew, ang taas ng confident mo pare.

"Hindi kita tatanggalin sa trabaho dahil mahal.."

Mahal?

Hinihintay ko ang susunod na sasabihin niya na magsalita ako.

"Mahal ang alin?"

"Wala" tanggi niya

"Ikaw ha! May hindi ka sinasabi sa 'kin" sundot ko sa tagaliran niya

"Kailangan ko pa ba sabihin sa 'yo? Hindi pa ba halata?"

"Ang alin?" Takang tanong ko

Umaasa alert.

"Na ang baho mo"

"Hindi ka pa naliligo, hindi ka pa nag-toothbrush at hindi ka pa nag-aayos ng sarili mo"

"May pa sundot-sundot ka pa sa tagaliran ko nalalaman"

"Kumain ka na bago ka mag-ayos sa sarili mo"

"May nakahanda na pagkain sa lamesa"

Pagka-sabi ni Abrian ay nagsimula na siya maglakad papalayo sa 'kin habang ako naman ay pumunta na sa kusina.

Makalipas ang ilang segundo ay natapos na rin akong kumain, hinugasan ko na rin ang aking pinag-kainan bago umalis sa kusina.

Natanaw ko sa labas na umuulan.

Don't Break the Rules of a MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon