Chapter. 10

987 44 0
                                    

Ellaine POV

Nakarating na rin kami dito sa hideout nila.

"Gusto mo ba magpalit ng damit?"

"Oo, hindi ako kumportable dito" sabi ko

Inabutan ako ng isang tauhan ni Alice at agad ko naman ito tinanggap.

"Nandoon ang C. R"

Pumunta ako sa C. R kung saan nila tinuro. Dali-dali akong nagbihis at inayos ang aking sarili.

Pagkatapos ay lumabas na ako sa C. R at dumiretso sa sala.

Nakita ko si Alice na nakatingin sa 'kin.

"Maupo ka" sabi ni Alice

Umupo ako sa kanyang harapan.

"Naikwento na sa 'kin ng mga tauhan ko ang nangyari"

"Binili ka ni Mr. Dawson?"

Tumango naman ako bilang sagot.

"Mabuti na lang at nagkataon na nandoon ang mga tauhan ko, kung hindi baka turukan ka ng lalaking 'yon na drug"

"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko

"Siya ang may ari ng pinaka-malaking pagawaan ng drug"

"Lahat ng babaing kinakama niya o sinasama niya ay tinuturakan ng drug"

"Kaano-ano mo siya?"

"Ex-boyfriend ko siya" sagot ko

"Pumatol ka sa isang 'yon?"

"Hindi naman siya dating ganoon" sabi ko

"Talagang pangalan ko pa ang dinahilan mo para lang makalabas ka sa bahay ni Abrian"

"Pasensya na Alice, gusto ko lang malaman kung ayos sina Papa at Kuya" sabi ko

"Alam mo, Dapat kalimutan mo na sila"

"Hindi mo naman sila kaano-ano"

"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko

"Panoorin at pakinggan mong mabuti  ang ipapakita ko sa 'yo"

Binuhay ng tauhan ni Alice ang tv at nilagay ang isang tape.

Nakita ko sina Papa at Kuya na nakatali ang kanilang paa at kamay as pader.

Lumapit ang isang tauhan ni Alice na may hawak na baril.

"Sagutin mo ang lahat na itatanong para hindi tayo magka-problema"

"Sino ka ba?" Tanong ni Kuya

"Ano bang kailangan ninyo sa 'min?" Tanong ni Papa

"Mga impormasyon tungkol kay Ellaine"

"Anong kailangan ninyo kay Ellaine?" Tanong ni Kuya

"Sinagot ko na ang tanong ninyo, siguro sapat na 'yon para sa 'yo"

Tinutukan niya ng baril si Papa.

"Ngayon sagutin mo ang tanong ko"

"Anak mo ba talaga si Ellaine?"

Napatingin naman ako kay Alice pero napansin ko na seryoso siyang nanonood.

"Sagot, huwag mong hayaan na pangatlong beses kong pang uulitin dahil natitiyak ko ang isang bala ng baril ko paniguradong tatama ito sa alaga mo"

Don't Break the Rules of a MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon