Chapter. 19

748 34 0
                                    

Ellaine POV

"Masaya ako na makita at makasama ka Abrian"

"Tumawag ako kay Ate Adriana, kung nandoon ka sa bahay nila"

Kilala niya ang Ate ni Abrian? Sino ba siya? Kaano-ano ba niya si Abrian?

"Dito na ako nakatira, nakakahiya kapag doon pa ako ng stay kina Ate may sarili ng siyang pamilya" sabi ni Abrian

"Pwede ba dito ako mag-stay?"

"Hindi pwede"

Napatingin silang dalawa sa sinabi ko.

"Sino ka?"

"Ako si Ellaine Montessori, girlfriend ng lalaking kausap mo" sabi ko

"So? Ano naman kung girlfriend ka niya?"

Mas lalo pa siyang dumikit kay Abrian.

Tingnan mo ang isang 'to, parang gusto pa na makatabi at magka-dikit ang braso nila.

"Sino ka ba?"

"Siya si Glitzy, Queen" sabi ni Abrian

"Ang girlfriend niya" sabi ni Glitzy

"Ano?"

"Childhood bestfriend ko siya, hindi ko siya kasintahan. Ikaw lang Queen ang kasintahan ko" sabi ni Abrian

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Samantala si Glitzy ay napairap na lamang.

Tumayo at lumapit si Abrian sa 'kin.

"Maiwan ko na kayo, may gagawin pa ako" paalam ni Abrian

Hinalikan niya ako sa noo, agad naman ako tumingin kay Glitzy at dumila sa kanya.

Aalis na sana si Abrian na magsalita si Glitzy.

"Teka! Abrian, hindi mo sinagot ang tanong ko"

"Hindi raw pwede sabi ng girlfriend ko"

Pagkasagot ni Abrian ay nagsimula na siya maglakad.

"Dito ka ba nakatira?"

"Ano sa tingin mo?" Sabi ko

Tumayo naman siya at ngayon ay magkaharap na kami.

"Gumamit ka ng gayuma para mahalin ka ni Abrian"

"Ano ang ginamit mo?"

"Hindi ko siya ginayuma" sabi ko

"Oh! Really? Mukhang alam ko na kung anong ginawa mo, inakit mo siya"

"Sobrang pangit mo, wala ka pa sa kalahati ng ganda na meroon ako"

"Kahit siguro magpa-retoke ka ay hindi babagay sa 'yo"

Inuubos ng babaing 'to ang pasensya ko.

"No need to change my face, if you see me ugly, remove your eyes"

"Pa-english english ka pa, wala ka naman pinag-aralan" sabi niya

"Meroon akong pinag-aralan, baka nga ikaw ang walang pinag-aralan"

"Sayang dahil pinag-aral ka pa ng magulang mo, kung hindi rin maganda ang attitude mo"

"So? Naiinggit ka?" Tanong niya

"Sa pangit mong attitude, hindi ako na iinggit sa 'yo"

Don't Break the Rules of a MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon