Ellaine POV
"Iyon lang ang tanging paraan para maibalik sina Dad Ryker at Loki" sabi ni Thun
"Huwag Prince"
"Mag-iisip tayo ng magandang plano"
"Hindi ko hahayaan na mapahamak si Queen"
"Queen?" Takang tanong ni Alice
"Si Ellaine ang tinutukoy ko"
"Queen at King ang tawagan namin"
"Hindi ko tinatanong kung ano ang tawagan ninyong dalawa" seryosong sabi ni Alice
"Sang-ayon ako sa sinabi ni A" sabi ni Gian
"Hindi ko tinatanong kung sang-ayon kayo sa gusto ko, 'yon pa rin ang gagawin natin" seryosong sabi ni Thun
"Gagawin? Mapapahamak si Ellaine"
"Iyon ba ang gusto mo Prince?"
"Lumabas na kayo dito, walang mapatutunguhan ang pag-uusap na 'to kung hindi rin sang-ayon ang iba" sabi ni Alice
"Hindi ka rin ba sang-ayon Alice?"
"Ama at anak mo ang nakasalalay dito"
Hindi naman agad sumagot si Alice sa tanong ni Thun.
"Alam ko, pero hindi ibig sabihin ay hahayaan ko na mapahamak rin si Ellaine"
"Kung sa tingin mo 'yon ang madaling gawin para sa 'kin 'yon ang pinakamahirap na gagawin"
"Kaibigan ko si Ellaine"
Pagkatapos magsalita ni Alice ay lumabas na si Thun.
"Salamat Alice" sabi ni Abrian
"Humihingi ako ng pasensya sa ipinakitang ugali ni Thun"
"Sadyang alalang-alala talaga siya kina Dad at Loki"
"Kahit ako rin naman, pero hindi ako katulad ni Thun kung mag-isip"
"Nag-away kayo ni Prince, Alice" sabi ni B
"Hindi ibig sabihin na nagkasagutan ay nag-away na"
"Umuwi na kayo sa inyo at mag-pahinga na kayo"
Pagkatapos magsalita ni Alice ay lumabas na rin siya at lumabas na rin kami.
Dumiretso kami sa tapat ng van.
"Sasabay ba kayo sa 'min?" Tanong ni Kian
"Hindi, may sasakyan naman kami" sagot ni D
"Ellaine, pasensyahan mo na si Thun ganoon lang talaga ang ugali niya" sabi ni E
"Ayos lang"
"Ingat kayo" sabi ni C. L
"Ingat din" sabi ni Fuzzy
Binuksan ni Gian ang pinto ng van, nauna ako pumasok bago sumunod sila.
Habang nagmamaneho si Irwin ay hindi ko maiwasan sisihin ang sarili ko.
Napatingin ako kay Abrian na hindi niya binitiwan ang kamay ko simula kanina.
"Iniisip mo pa rin ba 'yong kanina Queen?"
"Mag-iisip tayo ng magandang plano para makuha sina Tito Ryker at Loki"
BINABASA MO ANG
Don't Break the Rules of a Mafia
Action[Under Revision] J. B. S. A. E Series #5 Isang babaing ang pangalan ay Ellaine Montessori na ibig pa-ibigin ang puso ng isang mafia. Magagawa kaya niya pa-ibigin ang mafia? Paano malaman niya ang tunay na ugali ng mafia higit pa sa inaakala niya? I...