Ellaine POV
"Kinakabahan ako Ate Adriana"
"Natural lang ang kabahan" sabi ni Ate Adriana
"Baka himatayin ka na naman" asar ni Jane
Natawa naman sina Belle at Stella.
"Jusme! Araw ng kasal ninyo ni Abrian kaya sana huwag kang himatayin" sabi ni Stella
"Tsaka ka na himatayin kapag honeymoon na ninyo" sabi ni Belle
"May honeymoon pa ba magaganap? Buntis na si Ellaine" sabi ni Ate Adriana
"Hindi natin masasabi" sabi ni Jane with matching iling pa
Naalala ko na himatayin ako, walang tigil sa pag-aasar sina Jane at Stella sa 'kin.
Flashback.
"Lokong babaing 'to, nahimatay sa sinabi ni Abrian" rinig kong sabi ni Jane
"Laughtrip di ba? Mas nakakahiya 'yong nangyari sa 'yo Jane" rinig kong sabi ni Stella
Kahit na pikit ako ay rinig na rinig ko ang sinasabi nila.
"Huwaw Stella! Mas nakakahiya 'yong.... kalimutan mo na nga lang" sabi ni Jane
"Wala akong nakakahiyang pangyayari" sabi ni Stella
"Ikaw Belle? Share mo naman sa 'min, kung may nakakahiyang pangyayari ka" sabi ni Jane
Bigla kong naalala 'yong panty at bra ko.
Bwiset.
"Hindi naman nangyari sa 'kin 'yon"
"Bakit parang wala ka sa sarili mo?" Alalang tanong ni Stella
"Lagi naman siya wala sa sarili" sabi ni Jane
"Hindi ka nakakatulong Jane" sabi ni Stella
"Pagod lang ako sa trabaho, hindi pa kasi ako nakakapag-pahinga"
"Mag-pahinga ka muna Belle, kami na muna ni Jane ang magbabantay kay Ellaine" sabi ni Stella
"Mauna na ako sa inyo" paalam ni Belle
"Pasensya na Belle"
"Ayos lang Jane" sabi ni Belle
"Hindi pa ba siya nagigising?"
"Alice" sabi ni Jane
"Hindi pa" sagot ni Ellaine
Minulat ko na ang aking mata.
"Ellaine, kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Alice
"Ayos lang naman"
Inabutan ako ni Jane ng tubig.
"Uminom ka muna" sabi niya
Agad ko naman 'to tinanggap.
"Tatawagin ko si Abrian" sabi ni Stella
"Huwag muna"
"Bakit ka nahimatay?" Tanong ni Jane
"Dahil ba sa hilo?"
Umiling naman ako sa tanong ni Stella.
"Hindi ko alam kung bakit"
"Siguro ay dahil nagulat ako sa sinabi niya"
"Hindi ko naman kasi akalain na mag-propose siya sa 'kin"
BINABASA MO ANG
Don't Break the Rules of a Mafia
Azione[Under Revision] J. B. S. A. E Series #5 Isang babaing ang pangalan ay Ellaine Montessori na ibig pa-ibigin ang puso ng isang mafia. Magagawa kaya niya pa-ibigin ang mafia? Paano malaman niya ang tunay na ugali ng mafia higit pa sa inaakala niya? I...