Prologue

2.9K 77 0
                                    

Nandito ako ngayon sa kwarto at hindi ako makatulog.

Napagdesisyon kong lumabas at pumunta sa rooftop.

Agad ako umupo sa swing at tumingin sa mga bituin.

Pumikit ako at nina-namnam ang hangin.

Hindi mawawala ang sinabi nina Papa at ni Kuya sa 'kin.

Flashback.

"Wala kang kwentang anak"

"Kung ako sa 'yo itigil mo na ang pag-aaral iisa lang ang patutunguhan niyan, magiging bayaran ka ding babae katulad ng iyong ina"

"Huwag mong pagsalitaan ng ganyan si Mama, Papa" sabi ko

"Bakit totoo naman ang sinabi ko?"

"Pinagtiisan ko lang ang iyong ina dahil walang magta-trabaho para sa 'kin pero dahil sa 'yo wala na nagta-trabaho para sa 'kin"

"Wala na nagbibigay sa 'kin ng pera"

"Pinatay mo ang Mama mo"

"Hindi ko pinatay si Mama" sabi ko

"Anong hindi? Namatay siya ng dahil sa 'yo kung hindi ka lang niya niligtas ay siya ang buhay at ikaw ang patay"

"Wala kang pakinabang dito sa bahay"

"Bakit kayo wala rin naman kayong pakinabang dito?" Sabi ko

Pak

Malakas niya akong sinampal.

Napahawak ako sa aking pisngi.

"Wala kayong ginawa kung hindi ang mag-sugal, uminom ng alak at mag-sigarilyo"

"Ang lakas pa ninyo magtanong sa 'kin kung may makakain tapos kapag sinabi ko na wala, magagalit ka"

Pak

Sinampal niya ulit.

"Ano 'to manunumbat ka? Wala kang karapatan manumbat, pasalamat ka pinapatira pa kita dito kahit wala kang pakinabang"

"Kung ako sa 'yo para mapakinabangan naman kita, magnakaw ka at ibigay mo sa 'kin"

"Hindi ako katulad mo" sabi ko

"Sa panahon ngayon sa patalim na kumakapit"

"Humanap ka ng mayamang lalaki at pa-ibigin mo para naman gumanda ang buhay natin"

"Hindi ako katulad ninyo, pinakasalan lang ninyo si Mama para pag-trabahuin habang ikaw ay nagpapasarap sa pera" sabi ko

Agad naman niya akong sinakal.

"Kung gusto mo dito tumira gawin mo ang utos ko, maghanap ka ng mayamang lalaki at pa-ibigin mo"

Malakas niya akong tinulak sa sala. Halos tumama ang aking likod sa upuan na kahoy.

Lumabas na si Papa ng bahay habang ako ay patuloy lang sa pag-iyak. Pumunta ako sa kwarto at umupo sa ibabaw ng papag.

Iyak lang ako ng iyak.

"Kung ako sa 'yo sundin mo ang sinabi ni Papa para hindi ka pahirapan"

Napatingin naman ako sa nagsalita.

Nakita ko si Kuya nakasandal sa pader habang naka-cross arm.

"Tingnan mo ang itsura mo para kang basang sisiw"

"Galingan mo kasi lumandi para may makinabangan naman kami sa 'yo"

"Siguro naman ay sinabi rin ni Papa na tumigil ka na sa pag-aaral? Tumigil ka na dahil wala ka rin naman matututunan sinasayang mo lang ang oras mo"

Don't Break the Rules of a MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon