Chapter 6
"It is not rude."
-----
-Hermes Tolentino-
"Des...Bakit hindi mo ko maalala?"
"Hey there handsome." rinig kong sabi ng babae sa kanan ko, snapping me out from my train of thoughts. Kulang na lang isigaw nya ‘yung sinabi niya. I slowly looked at her; she smiled flirtatiously and winked at me. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at grabe, parang hindi na siya nakadamit sa suot niyang mini skirt and tube top. Tsk. I rolled my eyes and continued to sip on my drink. Ito ang ayoko sa mga bar. Mag-isa ka na nga, may mga asungot pa rin na lalapitan ka. Pero kailangan ko ng outlet tonight. At ang outlet na iyon ay ang pag-inom.
"You alone?" I heard her again. Tsk, isn't it obvious that I'm alone? Pinagpatuloy kong huwag siyang pansinin. I hate it when girls would do the first move to get a guy's attention. It's our job, not theirs!
"Suplado. You're exactly my type." And now she's hitting on me. Muntik na akong mapa-iling. Ito talaga ang mahirap kapag gwapo ka. I placed my half-filled bottle on the countertop and turned towards her. I smirked, one of the things na kinahuhumalingan sa akin ng mga babae...maliban nga lang sa kanya.
"I'm your type, eh?" sabi ko sa kanya.
"Uh-huh.” she replied while slowly putting her hand on my thigh. Bloody hell!
"I don't mean to get your hopes up, but you're not my type. Leave me alone.” I whispered darkly at her. Her eyes widened from what I said and she blushed, maybe from embarrassment. She gave me glare. If only looks could kill, baka napatay na niya ako dahil sa titig niya.
"Hmp. Jerk!" she screamed before walking away.
"Tch. Women." I muttered irritatingly as I took my bottle again. Ininom ko ng diretso ang laman ng bote dahil naalala ko na naman siya. I took out my phone from my pocket and I stared at the image on the screen. It was a picture of me when I was 14 years old at nakaakbay ako sa isang babaeng kasing-edad ko.
"Why can't you remember me?" I asked at the screen. I sighed exasperatedly and closed my eyes.
When I saw her at the hotel, sobrang saya ko. Kasi after 4 years, nakita ko ulit siya. Una ko siyang nakilala sa States. Nasa hospital siya noon at ako naman ay bumisita lang dahil may binisita din ang parents ko doon. I was strolling down the corridors when this certain girl bumped into me. Pasyente pala siya doon. Who would have thought that she made it out alive? Ang sabi kasi sa akin dati, namatay na siya.
Pero labis akong nagulat nang makita ko ulit siya. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha niya dahil siya ang unang babae na naging kaibigan ko. Lalapitan ko sana siya noon sa hotel pero nakita kong may kahalikan siyang iba at pagkatapos, lumabas siya at sumakay sa kotse at pinaharurot iyon palayo. Ni hindi man lang niya itinigil ang kotse niya nang masanggi niya ang kotse ko. Pinahanap ko siya sa assisstant ni Daddy at napag-alaman kong sa school ni Daddy siya nag-aaral kaya agad akong pumasok doon kahit matagal na akong tumigil sa pag-aaral. At ang labis kong pinagtataka, bakit Destiny na ang pangalan niya at hindi Fate? Iniiwasan niya ba ako? Nagkukunwari ba siyang hindi niya ako maalala? At sa anong dahilan?
Nakakadisappoint. Kung sabagay, it was a long time ago and the only thing which is constant in this world is time...and change. And how could I expect her to remember me? Sa haba ng oras na hindi kami nagkita, hindi malayong hindi siya magbago at hindi rin malayong makalimutan niya ako. Na mukhang ‘yon na nga ang nangyari. I shook my head. I shouldn't be thinking about her now. Hindi na nga niya ako naalala, pinilit ko pa siyang maging girlfriend ko by threatening her. Tapos ngayon...ex ko na siya. How funny. Ni hindi man lang nagtagal ng ilang araw na kasama ko siya. Tch, you're completely mental Hermes. Completely mental.
Napatigil ang pagtitig ko sa telepono nang bigla itong mag-ring. Si Dad, ano kailangan niya ngayon?
"What?" sagot ko, I don't care kung tatay ko ‘tong tumatawag sa akin at ganon ang pagsagot ko. That's how I usually answer phone calls.
"Are you at the bar?" he asked. Mukhang alam ko na ang susunod niyang sasabihin.
"So you called just to ask me that?" I asked back, irritated.
"When are you going to answer me politely?"
"And when are you going to stop asking me nonsense things and shut up?"
"You're a hopeless case."
"And we've established that fact ages ago, old man."
"Whatever. Umuwi ka na ngayon. I'd like you to meet someone." Napapikit ako sa sinabi niya. Lintik, iseset-up na naman ako ng matandang ‘to sa kung sinu-sino. This is the main reason why nagrerebelde ako at kung bakit ganoon ang pagsagot ko sa kanya. After the incident which happened four years ago kung saan involved si Fate, alam kong napansin nila ang pagbabago sa akin. Kasalanan ko ba kung nasaktan ako nang sobra sa pagkamatay niya? Alam ko naman na tinutulungan lang nila akong maka-move on by trying to set me up with the daughters of their business partners.
"No." I stubbornly said.
"Come on, son. Think of it as a favor for your dad. And I'm pretty sure you'll like her." he begged and I could imagine him scratching the crook of his neck.
"No." I pushed again. Pag ayoko, ayoko. End of story.
"Hermes—"
"Goodbye, old man!" and with that, I pressed the end call button. I stood up from my place and walked out of the bar. I didn't need to pay for my drink dahil pag-aari naman ng pinsan ko ang bar at kilala na rin ako doon. Naglakad ako papunta sa kotse ko at pumasok sa loob. I was about to start the engines nang may mapansin akong pamilyar na babae.
"Destiny?" I blurted out as my eyes focused on the girl. Si Destiny nga! What is she doing here? Sa dis-oras ng gabi at sa bar pa? Bakit siya nandito? Shouldn't she be staying at the hospital dahil inatake siya kanina? Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nakita ko siyang may nilapitan. Lalaki. At hindi lang basta lalaki. Nilapitan niya ‘yung lalaking kahalikan niya sa hotel. Napa-higpit ang hawak ko sa steering wheel dahil sa galit na nararamdaman ko. Nakakainis, nakaka-bwisit, nakaka-yamot! Humanda ka Destiny. Mapapasa akin ka ulit.
---
to be continued
BINABASA MO ANG
How to Save a Heart (Saving Destiny #1)
Fantasy#TheWattys2015 Winner! FANTASY-ROMANCE (SAVING DESTINY BOOK #1) [EDITED and COMPLETED] Supposing your days are numbered, but you're not yet prepared to go to the other world, what will you do? And what if you were given a chance to live longer, will...