Chapter 17
"Always trusts."
---
Ang gaan ng pakiramdam ko. I feel as though I'm floating in cloud nine. Parang ang lahat ng sakit na naramdaman ko, biglang nawala kasabay ng mga problema ko. Kaya lang, bigla kong naalala na imposibleng mawala sa isang iglap ang mga problema na kailangan ko pang harapin. As realization dawned on me, I suddenly remembered everything. Ako at si Fate ay iisa. Ako ang babaeng hinahanap ni Hermes. Pero...pero bakit ko siya nakalimutan? Bakit hindi ko siya naalala noong nagkita ulit kami?
I opened my eyes, only to realize na hindi ko alam kung nasaan ako. Tumayo ako sa pagkakahiga at tumingin sa paligid ko. I'm in the middle of an endless plain with beautiful flowers around me. Ang sarap ng simoy ng hangin. The vast blue sky was filled with white clouds and I could barely feel the heat of the sun rays. Am I having a deja vu? Why do I feel as though I've been here before? Nagsimula akong maglakad. I even had to hold the hem of my dress para hindi ako madapa. Doon ko lang napansin ang suot kong damit. Off white dress na hanggang paa at wala akong sapatos o tsinelas man lang na suot.
Out of the blue, my weird dreams about me chasing a certain Mr. Hoodie crossed my mind. Thinking back, alam kong si Mr. Hoodie at si Thanatos ay iisa. Dito rin kami naglalakad noon and at the end of my dream, may isang malaking pintuan. Thanatos was also giving me a choice if I should enter the gigantic door or not.
Bigla akong kinilabutan sa naalala ko. I was hit by a car. Hermes held me in his arms and the last thing that I saw before I passed out was Thanatos' concerned face. My breath hitched. Am I...Am I dead? Kaya ba ako nandito sa lugar na ‘to? Gusto kong umiyak pero parang ayaw kumawala ng mga luha ko. I turned around, hoping I’d find my way back, pero wala naman akong palatandaan kung saan ba ako nanggaling. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakapunta dito.
Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad kahit hindi ko alam kung saan ba talaga ako patutungo. Hanggang sa may makasalubong akong batang lalaking tumatakbo na naka-puti rin.
"Bata!" tawag ko sa kanya at lumapit siya sa akin na may malaking ngiti sa mukha niya.
"Bakit po?" tanong niya nang makalapit na siya nang tuluyan sa akin.
"Nasaan tayo?" tanong ko pabalik sa kanya. Ang malaking ngiti sa mukha niya ay nabura at napalitan iyon ng kalituhan. I know it was absurd, asking a little kid for the obvious. Pero I wanted to be sure. Who knows, baka nananaginip lamang ulit ako?
"Ate, hindi mo alam kung nasaan tayo?" umiling ako. He sighed, na para bang I should know where we are.
"Ate, ito ang pinaka-magandang lugar sa buong mundo! 'Yun nga lang ate, hindi lahat ay pwedeng makapunta rito." sagot niya and it was my turn to be confused.
"B-Bakit naman?"
"Grabe ate, hindi pa po ba obvious? Syempre, mga katulad lang natin ang maaring makapunta dito." and with that, he skipped away. When I turned back to see where he went, parang nasa kabilang dulo na siya ng plain and it was impossible for me to catch up to him. So it's true then. Patay na nga ata ako. 'Yung bata na rin mismo ang nagsabi na tanging mga katulad lang namin ang maaaring makarating dito. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Saan ba ako dapat pumunta?
"Destiny!" I immediately stopped when I heard him calling out for me. Hermes? I was pretty sure it was his voice that I heard. But everywhere I look, there was no trace of him. All of a sudden, I felt my eyes tearing up. Kung kailan alam ko na ang lahat, bakit ngayon pa ako mawawala?
"Destiny, anak ko." I heard mom crying at hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na mapaiyak. Was this how everything was supposed to be? Hindi na ba ako mabibigyan ng chance na makapagpaalam man lang nang maayos sa kanila?
BINABASA MO ANG
How to Save a Heart (Saving Destiny #1)
Fantasía#TheWattys2015 Winner! FANTASY-ROMANCE (SAVING DESTINY BOOK #1) [EDITED and COMPLETED] Supposing your days are numbered, but you're not yet prepared to go to the other world, what will you do? And what if you were given a chance to live longer, will...