12. "Love does not delight in evil."

4.8K 121 8
                                    

Chapter 12

"Love does not delight in evil."

-------

"Alam mo, naaatat na ako. Kailan ba tayo magpapakita sa kanya?" tanong ng babae while walking back and forth. Para bang hindi na siya makapag-hintay. Kung sa ano, ay hindi ko alam.  Ang kausap niyang lalaki ay titig na titig naman sa kanya. Nasaan ba ako? At sino itong mga taong ‘to? The guy diverted his attention from the girl to the gigantic golden time sand which was located near the balcony. I saw how the guy’s electric blue eyes went wide as he watched how fast the sand was flowing on the bottom.

"What now?” untag sa kanya ng babae.

"We're going to meet her...tonight."

 

 

I immediately snapped my eyes open and I felt my heart aching. What was that dream all about? Akala ko natapos na ang mga wirdo kong panaginip but it seemed like they were haunting me. Bukod sa mga panaginip ko dati na may hinahabol ako, sumisingit din sa panaginip ko ang dalawang taong laging nag-uusap. Ni hindi ko nga maintindihan kung ano ba ang pinag-uusapan nila. Their faces were blurry. Ang tanging malinaw lang sa isipan ko ay ang asul na mga mata ng lalaki.

Shaking my head and deciding to ignore those weird dreams, agad akong bumangon at dumiretso sa banyo. Sinimulan kong gawin ang daily routines ko and once done, ang laptop ko naman ang pinagtuunan ko ng atensyon. Binuksan ko ang Facebook account ko at nakita kong may isa akong message. Wow, that’s new. Bihira akong makatanggap ng mga mensahe. Curious, I positioned the cursor pointer over the envelope sign with a number ‘1’ symbol and clicked on it.

Hermes Tolentino
Iniiwasan mo ba ako?   .    21:30

Wala akong nagawa kung hindi ang mapatitig sa message na nakita ko sa Facebook ko. Bakit ko ba naman kasi binuksan ko pa ‘to? Should I answer or not? I groaned. Nakakainis naman. Anong gagawin ko? 

"Hindi naman kita iniiwasan eh." I said to no one in particular. Kung pwede nga lang na huwag kang iwasan, hindi ko talaga gagawin. I sighed and chose to ignore his message instead. I guess mas mabuti nang iwasan siya at mabaling sa iba ang atensyon niya. At least, that way, he wouldn't die at baka sakaling ma-revoke ‘yung rules.

I clicked the 'Home' button and browsed through the news feeds. And that's when I realized na wala akong masyadong friends. Si Elle lang, si Hermes, some of my classmates, my other relatives, and si Manang Ising na may Facebook lang ang friends ko. Grabe, akala ko social life ko lang ang dull, pati rin pala ang life ko sa cyberworld dull din. Browse lang ako ng browse hanggang sa may nakita akong bagong post.

Hermes Tolentino
"Alam niyo yung pinakamasakit na ZONE sa lahat ng ZONES? ‘Yun ‘yung ma-SEEN ZONE ka. Badtrip! Bakit pa kasi pinauso ni FACEOOK ang seen feature? Kung hindi lang talaga kita— Ewan!"
Like . Comment . Share .  5 minutes ago
Elana Magno and 43 others likes this.

--------------

Meowchie Mortel
  Haha. Di ka type dre. Ayaw niya daw sa mga unggoy.
5 minutes ago . Like . 5

Zeke Tolentino
  Ouch insan. Hard!
5 minutes ago via mobile . Like . 3

Elana Magno
  Kilala ko ba to or...kilala ko talaga to? HAHAHA
3 mintues ago . Like . 

Hermes Tolentino
  Meowchie Mortel  Wag ngayon. Badtrip ako
Zeke Tolentino  Isa ka pa tol!
Elana Magno  Oo, kilalang kilala mo siya.
1 minute  ago . Like . 3

How to Save a Heart (Saving Destiny #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon