19. "Always perseveres."

4.5K 127 5
                                    

Chapter 19

"Always perseveres."

----

Two men were running towards the cliff as if they were on a race. Hindi ko maaninag kung sino sila because they had their backs on me while they were sprinting off. My breath hitched when they were already a few steps from the edge of the cliff. Magpapakamatay ba sila? At bakit parang nag-uunahan sila? I decided to catch up with them but I was already too late. Nahulog na ang isa sa kanila at wala man lang akong nagawa.

"You've got what you wanted." said the guy who was beside me na nakipag-unahan sa lalaking nahulog. I turned to look up at him and my eyes widened in shock when I saw a smirk played on his lips.

"Thanks for choosing to save me. And also for pushing him to his death." he told me once again before he disappeared into thin air. What did he just say? I pushed the other guy to his own death?

 I felt my knees shaking from fear and when my sight landed on my hands, I heard an anguish cry. The blurry letters on the parchment, which I didn't know was in my hands, slowly disappeared. Maya-maya lang, pati na rin ang papel na hawak ko ay tuluyan nang naglaho. Hindi natigil ang sigaw na naririnig ko. At parang mas lalo pa itong lumalakas nang makita ko ang kadiliman na pinaghulugan ng lalaki. It was only then that I realized...I was the one creating that awful noise.

I woke up, feeling exhausted. Ever since I woke up from my comma, lagi akong nananaginip ng dalawang lalaking nag-uunahang tumakbo. At sa huli, laging may isang lalaking nahuhulog sa cliff. Kapag susubukan kong tanawin ang lalaking nahulog, hindi ko siya makita dahil sa sobrang dilim ng pinagbagsakan niya. Alam ko kung anong ibig sabihin 'non. Si Hermes ang nahulog sa cliff. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit nakikipag-unahan siya sa pagtakbo kay Thanatos? Alam kong si Thanatos ang isang lalaki na nasa panaginip ko kahit na wala na ang skeletal mask niya at masyadong malabo ang mukha niya. Even if I really didn't know how Thanatos truly looked like behind his mask, I was certain it was him. I shrugged my weird dream aside and thought that I better get up instead.

Dahan-dahan akong bumangon at pinilit na bumaba sa kama ko para makaupo ako sa wheel chair. Noong isang araw pa ako na-discharge sa hospital at ngayon ay nasa bahay ako ni mommy. Nag-alala siya dahil walang tao sa bahay ni Tita Dianne, at hindi rin ako maaalagaan ng maayos ni Manang Ising dahil matapos akong ma-discharge, pinauwi na muna ito ni Tita Dianne sa pamilya nito sa probinsya. Mukhang na-sense ni Tita Dianne na iuuwi ako ni mommy kaya niya ginawa iyon.

Nakilala ko na rin ang asawa ni mommy na si Julian Dychingco at ang mga kapatid ko. Si Julius ay 15 years old, at ang sumunod sa kanyang kambal na sina Julianna at Julieanne ay mga 10 years old pa lang. Noong una, kinabahan ako dahil what if hindi nila ako matanggap? Pero nagkamali ako dahil they welcomed me with open arms at sobrang bait nila sa akin. If truth be told, naiinggit ako sa mga nakaka-bata kong kapatid dahil naexperience nila ang may kumpleto at masayang pamilya. Wala silang hirap na dinanas gaya ng naranasan ko. Siguro ganoon lang talaga ang buhay. Merong mga mapapalad na makakaranas ng karangyaan at saya habang sila'y nabubuhay, at meron ring mga maghihirap. Pero ano ba talaga ang purpose ng buhay ko? Ang mamatay?

"Des! Diyos ko, anak!" napatingin agad ako kay mommy. Nabuksan na pala niya ang pinto nang hindi ko man lang namamalayan at halatang gulat na gulat siya sa ginawa ko. Dali-dali siyang tumakbo at agad akong inalalayan para makaupo ako nang mabuti sa wheel chair ko.

"Bakit hindi mo 'ko tinawag?" she reprimanded in a high-pitched voice while panicking. I looked up to her and gave her an apologetic smile.

"Sorry po." I told her and she gave out a long sigh.

How to Save a Heart (Saving Destiny #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon