10. "It is not easily angered."

7.6K 134 23
                                    

Chapter 10

"It is not easily angered."

-----

 

"Ano Destiny anak, ayos ka na ba?" tanong sa akin ni Manang Ising matapos niyang iligpit ang mga gamit ko. I smiled at her gratefully before nodding my head. Matagal nang kasambahay si Manang Ising ng pamilya namin. At kahit noong nasa States pa kami ay talagang binabantayan niyang maiigi itong bahay namin. Two years ago magmula nang umuwi kami ni mommy ay saka ko lang nakilala si Manang. Pero hindi ko inaasahan na magiging close pala kami. Kahit noong ilang beses kaming maglipat ay kasa-kasama namin siya lagi, hanggang sa bumalik kami ulit dito sa mansyon. Ito kasi ang totoong bahay ni mommy. Siguro hindi niya rin natiis kaya bumalik kami dito.

"Diyos ko bata ka. Ano ba kasi ang nangyayari sa’yo at kung anu-anong sakit ang dumadapo sayo? Hindi ka naman dating ganyan." lintanya niya habang umiiling-iling. Kung alam niyo lang Manang Ising, kung alam niyo lang. Hindi na namin sinabi ni Elana kay Manang ang totoong nangyari sa akin nang dumating siya kahapon sa hospital dahil ayaw naming mag-alala siya. Alam kong si Mommy ang nagsabi kay Manang (dahil na-text ni Elana kay mommy ang nangyari) na sunduin ako kaya siya dumating doon kahapon. Sinabi na lang namin kay Manang na ilang araw akong natulog kila Elana at hindi ako nakauwi kaagad dahil bigla akong nagka-sakit kaya ako na-hospital.

"Manang, si Mommy po ba hindi pa rin umuuwi?" tanong ko. I know I shouldn't have asked her that dahil alam ko na rin naman ang sagot doon. Pero hindi ko pa rin maiwasang i-tanong. I couldn't deny the fact that even if she's giving me the cold shoulder, and I don't even know why she's doing it, she's still my mom and that's never going to change. Alam kong nasaktan ko ang sarili ko kahapon, hoping na bibisita at susunduin niya ako sa hospital, pero si Manang Ising lang ang nagpakita. I can't even remember kung kailan niya ako nginitian o niyakap man lang. I can hardly remember her being by my side at all dahil si Manang Ising lagi ang nag-aalaga sa akin.  I shrugged the thought off dahil ayaw ko i-depress ang sarili ko.

"Naku, anak. Pagpasensyahan mo na ang nanay mo, ha? Alam mo naman ang trabaho niya, ‘di ba? Maski ako nga eh nag-aalala din doon. Subsob na masyado sa trabaho niya matapos..." she trailed off, looked at me wearily which made my brows knit together in confusion. 

"Matapos po ang alin?" I pried, hoping na itutuloy niya ang sinabi niya but to my disappointment, she shook her head while waving her hands.

"Naku, kalimutan mo na lang ang sinabi ko ha? Wala lang ‘yon." Napaisip ako sa sinabi niya. She started working her ass off matapos ang alin? May nangyari bang hindi maganda kaya siya naging ganon? Was Manang talking about the divorce my Mom had with Dad? Or baka may iba pang nangyayari kay Mommy na hindi ko man lang nalalaman? I shook my head and tried to put all of those thoughts aside. 

"‘O siya anak. Heto na ang bag at baon mo. Pumasok ka na at baka ma-late ka sa eskwelahan. Ingat ka anak." she told me at napangiti ako sa mga reminders niya.

"Thanks Manang." I told her. Niyakap ko siya nang mahigpit and she hugged me back.

"I love you po." I added, still hugging her.

"Suskong bata ka. Wala naman akong inilagay na iba sa pagkain mo kanina. Bakit kung makapagsalita ka eh parang aalis ka at hindi ka na babalik? Meron ka ba ngayon, ha?" natawa na lang ako sa sinabi niya, trying my best not to cry.

"Na-miss ko lang po kasi kayo eh." ang sabi ko na lang sa kanya. I'll miss you a lot Manang, and thanks for everything.

"‘O siya sige. Mahuhuli ka na sa klase mo." sabi niya and broke the hug. I took my bag and made a run for the door, kahit alam kong bawal at inignore ko na lang din ang reminders ni Manang na bawal tumakbo. Who cares? I'll die anyway.

How to Save a Heart (Saving Destiny #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon