11. "It keeps no record of wrongs."

6.4K 135 10
                                    

Chapter 11

"It keeps no record of wrongs."

-----

When I went to school the next day, all smiles si Hermes na binati ako.

“Good morning.” he beamed! My heart started hammering rapidly over my chest nang maalala ko ang sinabi niya kahapon.

‘I want you to be my girl again, Des. But this time, I won't force you and I'll court you if that's what you want. And even if you don't want me to court you, I'll still do it.’ 

“M-Morning.” bati kong pabalik and walked past him. Hindi ko alam kung paano siya haharapin. Nahihiya ako. Iyon kasi ang unang beses na masabihan ako ng ganon. Back in the States, walang nagtangkang manligaw sa akin. Siguro dahil sa aloof attitude ko at dahil na rin sa hindi talaga ako nakikisalamuha.

“Naka-tulog ka ba ng maayos kagabi?” tanong niya at agad akong napapitlag when he touched the contours of my eyes.

“Ha? Ah. O-oo.” sagot ko at umiwas sa kanya. Pakiramdam ko ay pulang-pula na ako sa sobrang kahihiyan. Hindi ako nakatulog nang maayos kahapon. Hindi ko nga maalala kung paano ako nakauwi. Dahil buong magdamag, patuloy na naglalaro sa isip ko ang sinabi niya.

“Ganon? Ako kasi hindi.” Agad akong napatingin sa kanya.

Nginitian niya ako. “Magdamag ka kasing nasa isip ko.”

I swear, I felt my heart skipped a beat at what he said. Napalunok ako and I looked away from him. Ano ba ang dapat kong ikilos sa ganito?

“I-I...Excuse me.” sabi ko sa kanya and ran out of the classroom. Wala akong pakialam kung magtaka man siya, o pati ang mga kaklase namin. This is not good. Totally not good! I thought he was just joking yesterday, pero hindi pala. Jeez, how am I going to deal with him? Hindi pu-pwede ito. Malalagot siya pag nagkataon.

--

Uwian na. Ang bilis ng araw. Parang kanina lang ay papasok pa lamang ako tapos ngayon ay natapos na ang klase. Matatapos na naman ang araw at mababawasan na naman ang bilang ng expiration date ko. Papalabas na sana ako ng classroom nang biglang may humawak sa kamay ko. Napatigil ako and when I turned around, I saw Hermes, staring at me longingly. And that certain panicky feeling swept through me. Ilang araw ko na rin siyang iniiwasan magmula ng MOA-tripping namin. Sa tuwing tatangkain niyang makipag-usap sa akin ay umiiwas at nagdadahilan ako.

“Pwede ba tayong mag-usap?” He had his lips set in a straight line. At nakita ko sa mga mata niya na nakikiusap siyang kausapin ko. Kaya lang, lagi naman sumasagi sa isip ko si Thanatos and his rules. I took in a deep breath as I thought of another alibi yet again.

“I’m sorry. May gagawin pa ako.” pagsisinungaling ko. Binawi ko agad ang kamay ko sa kanya bago ako naglakad palayo. I’m sorry, Hermes. Ayokong madamay ka sa gulong napasok ko.

--

"Elle...normal ba na tumibok nang mabalis ang puso mo kapag...alam mo na." I hesitatingly asked Elle. We were both inside my room here because I asked her to come over. It has been almost a week, or two rather, simula ng unexpected cutting class and MOA-tripping with Hermes.

Simula noon, at nang magsabi siyang manliligaw, ay umiwas na ako sa kanya. Pakiramdam ko nga ay nakakahalata na siya dahil na rin sa nangyari kahapon noong uwian. At ilang beses niya na rin tinangkang makipag-usap sa akin pero ako ang umiiwas. Kung tutuusin, mas gusto kong umiwas na lang siya. Hindi dahil sa ayoko sa kanya, kung hindi para hindi ko na magawa ang nasa scroll. Thanatos never showed up again after kong lumabas ng hospital. But I started having weird dreams about him and Hermes. I mentally slapped myself para itigil ang iniisip ko. I looked at Elle and she just munched on her chips while looking at me with a blank expression.

How to Save a Heart (Saving Destiny #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon