5. "It is not proud."

8K 189 24
                                    

Chapter 5

"It is not proud."

----

  

"Uy Des, ayos ka lang ba?" tanong ni Elle sa akin na nagpabalik sa akin sa sarili ko. Tiningnan ko siya at kita ko sa mukha niya na nag-aalala siya. I nodded and smiled at her as a reply.

"Dapat kasi hindi ka na muna pumasok, eh. Tingnan mo ang sarili mo, para kang ewan. Bakit ba kasi pinilit mong pumasok eh kaka-discharge pa lang sa’yo kahapon? Nagpahinga ka muna sana sa bahay niyo." dagdag pa niya. Gusto kong matawa dahil para siyang nanay ko kung umakto.

We're currently inside the school’s infirmary dahil sa sinabi ni Hermes kanina na required check-up. Parang ewan nga eh. Kaka-galing ko lang sa hospital at ngayon ay infirmary naman. Anong klaseng medical record ang mangyayari sa records ko? I shrugged.

Nakaupo kami ngayon sa waiting area at papasok lang kami sa main room ng infirmary kapag tinawag na ang pangalan namin. Kaunti na lang kaming mga magkakaklase dito dahil kami na ang last batch and after nilang macheck-up, babalik agad sila sa classroom.

I sighed nang maalala ko si Hermes. I still don't get what he was talking about earlier. Nakilala ko ba siya dati? Pero saan? At kailan? At kung nagkakilala nga kami, bakit hindi ko siya matandaan? Hindi kaya he mistook me for someone else?

Napatingin ako sa direction kung nasaan si Hermes. At ewan ko kung bakit nairita ako nang makita siyang nakikipag-usap at nakikipagtawanan sa babae na kaklase rin namin. Tsk, I guess he was just playing around with me.

"Des! Ano ba? Kanina ka pa tulala. Ano bang nangyayari?" sabi ulit ni Elle at nakita kong naaasar na siya sa kinikilos ko. 

"I'm sorry Elle. It's just..." I trailed off. Bigla ko kasing naalala ‘yung supposedly-deal na binawi na din ni Hermes kanina lang. How should I explain that to her, lalo na kug if Hermes threatened me na huwag sasabihin kahit kanino?

To be honest, kahit na sobrang close kami ni Elle, may mga oras pa rin na hindi ako nakakapag-open up sa kanya agad-agad. I know that she's my bestfriend. And the first ever na naging friend ko to be exact. Still, I find it hard to trust her. Siguro kasi nasanay ako na sinasarili ko lagi ang mga problema ko. Kahit naman kasi kay Mommy, hindi ako nag-oopen up. Bukod sa lagi siyang busy at wala nang panahon sa akin, feeling ko I'm just another burden to her na wala siyang choice but to accept me at gawing responsibility.

"Ano?" she pried nang hindi ako magsalita. Yumuko ako dahil sa naramdaman ko over my chest area. Ito na naman ang kirot na ‘to. Everytime na naba-bother ako, laging sumasakit nang sobra ang dibdib ko. I've been experiencing this for a year now and I've learned to live with it but I didn't tell my mom about it. Ayokong maging pabigat sa kanila and it's a miracle that I'm still alive. Paano kasi, sa sobrang sakit, feeling ko mamamatay na ako.

"Des, a-ayos ka lang?" kinakabahan na tanong ni Elle sa akin. I looked up to her and forced myself to smile kahit medyo mahirap.

"Yeah. I'm fine. There's nothing to worry about." I told her, wishing she'd buy it. I'm pretty sure this pain wouldn't last long.

"Are you sure? Kasi maputla ka na nga, mas pumutla ka pa ngayon." she commented. I would have laughed at what she said if it weren't for my heartache. 

"I'm really fine. Promise. Medyo nahihilo lang. Sakto nga nasa infirmary tayo ngayon at mabibigyan ako ng gamot for headache." Sana nga headache na lang eh at hindi heartache. Hindi na siya nagsalita but I can still feel her looking at me. Nakakatouch. First time kong maramadaman na may nag-aalala sa akin.

"Elana Magno?" narinig naming tawag ng school nurse. 

"Sige Des, ako na pala ang tinatawag." she said before standing up and walking inside the door. When I heard the door shut, I had no choice but to bow down. Sobrang sakit na naman niya. And I don't know why pero habang tumatagal, pasakit na siya nang pasakit. I clutched the hem of my skirt. I don't want to touch my chest dahil I don't want others to recognize that I'm in pain. Ayokong kaawaan ako. Maya-maya lang, nakita kong lumabas si Elle sa room at tumabi ulit sa akin. 

How to Save a Heart (Saving Destiny #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon