"Steph bilisan mo at male-late na tayo." narinig kong sigaw ni Aiye sa labas ng kwart ko.
"Saglit lang, patapos na ko." sagot ko. Pupunta kami ngayon sa isang bar. Ayaw ko sana, kaya lang mapilit siya. Pinsan niya ang isa sa mga tutugtog dun.
Ako si Stephanie Quidta, 23 years old, isa akong Professor sa Yamyoj State University. Ang kasama ko naman dito sa bahay ay si Mariae Sanchez, 23 na rin siya pero mas matanda siya sa akin ng isang buwan. Co-teacher ko siya sa YSU.
"Tara na?" aya ko sa kanya paglabas ko.
"Bakit ganyan ang suot mo? Gosh, hindi school ang pupuntahan natin para magsuot ng ganyan." nakangiwing sabi niya.
"Ano bang problema sa suot ko? Ganto naman talaga suot ko palagi ah." kunot-noong tanong ko sa kanya.
"Duh, may dress akong binigay sayo. Binigay ko 'yon para suotin, hindi para i-display lang." reklamo niya.
"Huwag na. 'Di ba sabi mo male-late na tayo?" nakangiting tanong ko.
"Aish, ewan ko sayo. Sa susunod ako na ang magbibihis sayo para wala kang kawala." nakangusong sabi niya. Kiniditan ko na lang siya para manahimik na.
*****
Alas siete magpeperform ang banda ng pinsan niya pero alas-siete kinse na kami nakarating dahil sa trapik.
"Sa wakas nakarating din tayo. Sila na ang susunod kaya halika na." sabi ni Aiye pagkababa namin.
"Ah sige, mag-C-CR lang ako. Saan banda 'yon?" tanong ko. Tinuro niya ang daan papuntang banyo. Nung nahanap ko na pumasok na ako dun.
""Alam mo twin, ang gwapo at ang hot ng vocalist ng Head Band." kinikilig na sabi ng isa sa mga kasabay ko sa loob ng C.R.
"Sino? Si Clerk? MAs gwapo kaya si Reynan dun." sabi naman ng isa at umirit pa. Napailing na lang ako sa pinag-usapan nila. Basta gwapo nag-uunahan at nag-aagawan sila. Inantay ko muna na may lumabas sa isang cubicle at ako naman ang papasok. Pero bago pa ako makapasok, bigla akong nahilo dahilan para apahawak ako sa katabi ko.
""Hey! Miss, are you okay?" tanong niya.
"yeah. Nahilo lang bigla." sagot ko.
"First time mo bang pumasok sa gantong lugar?" tanong niya ulit. Tumango na lang ako bilang sagot dahil umiikot pa rin ang paningin ko.
"You better go home, sis and take a rest." singit naman ng isa.
"I agree. I think you should go home." pag-sang-ayon naman ng isa.
"I think, I really need to go home. I'm not used to a place like this." sabi ko.
"Anyways, I'm Mara, yours?" pagpapakilala ng nahawakan ko kanina.
"Stephanie, thanks." nakangiti kong sabi sabay abot ng kamay ko.
"Don't mention it. Hi! Steph, I'm Natha, her twin sister." nakangiting pagpapakilala ng isa pa. Sila ang narinig kong nag-uusap kanina.
"Ah. That's why both of you looks similar." tumatango-tangong sabi ko.
"No, I'm prettier than Mara." pagprotesta ni Natha.
"No, you're not."sabi naman ni Mara. NApatawa na alng ako sa kanilang dalawa.
"Girls, mauna na ako. Thanks, by the way." pamamaalam ko sa kanila.
"Okay. Take care, Steffy. Bye." sabay nilang sabi ngunit hindi pa rin natinag sa pagsasamaan nila ng tingin. Napailing na lang akong humakbang. Hanggang sa pintuan naririnig ko pa rin ang pagtatalo ng dalawa kung sino ang mas maganda sa kanila. Gusto ko sanang magpaalam kay Mariae kaso, sa sobrang daming taong nagsisiksikan wala akong madaanan. NApagdesisyunan kong i-text na lang siya pero hanggang sa makuwi ako ng bahay at makatulog nakalimutan ko na.
***
'Hoy babae, gumising diyan at may kasalanan ka pa sa akin." kahit kelan talaga ang ingay ng babaeng 'to.
"Hmm." umungol lang ako.
"Hindi ka pa rin babangon diyan? Teka lang." sabi pa niya. Naramdaman kong lumundo ng kama at may tumulak sa akin.
"Aray ko. Ano bang problema mo? Natutulog 'yong tao istorbo ka." sabi ko habang hinig\himas-himas ang likod kong tumama sa sahig.
"Kanina pa kita ginigising pero nagtutulog-tulugan ka lang. San ka pumunta kagabi?" tanong niya tapso nameywang pa.
"Sa CR." sagot ko at umupo sa kama.
"Tapos?" tanong niya ulit.
"Umuwi ng bahay." sagot ko naman.
"Hindi ka man lang ngapaalam? Alam mo bang alalang-alala na ako sayo? Ni text wala man lang. Malay ko bang ni-rape ka ni Baklang Dinasaur." mangiyak-ngiyak niyang sabi.
"Sorry na. Nahilo kasi ako kagabi, magpapaalam sana ako sayo kaso hindi ako makasikasik sa sobrang daming tao sa bar." pagpapaliwanag ko.
"Hindi ka nag-text." nakangusong sabi niya.
"Binalak ko namang i-text ka kaso nakalimutan ko talaga. Sorry na." sabi ko ulit.
"Bahala ka diyan. Hindi mo man naisip na mag-aalala ako ako at kung ano ang mararamdaman ko." nagtatampong sabi niya at tinalikuran ako.
"Sorry na. Promise, hinding-hindi na mauulit 'yon." pang-aamo ko sa kanya.
"Amp. Basta sa susunod huwag mo nang ulitin pa 'yon ha." sabi na lang niya at niyakap ako.
"Opo. Bati na tayo ha. Ibibili na lang kita ng paborito mong fishball, isaw at kwek-kwek." sabi ko sa kanya. Natawa na lang kaming dalawa.
***
"Nasa second floor ng National bookstore ang mga designs na kakailangin mo sa event." sabi ni Aiye. Andito ako ngayon sa SM para mamili ng gagamitin naming designs sa stage for the event.
"San dun banda? Ang laki-laki nitong NBS ma'am." tanong ko sa kanya.
"Basta doon mo hanapin, "di kaya magtanong-tanong a sa mga sales lady." sigaw niya.
"Huwag mo kong sigawan dahil hindi ako bingi." sabi ko sa kanya.
"Sorry na. Ang ingay-ingay kasi dito." sabi niya. Hindi kami magkasama ngayon dahil may reunion silang magkakapamilya kaya ito kausap ko sa phone.
"Sige, salamat." sabi ko at binaba na ang phone. Umikot ako para umakyat pataas at hindi ko napansing may tao sa likod ko kaya nagkabungguan kami.
"Aray ko. Dahan-dahan naman kuya." reklamo ko.
"Ako pa ngayon? Ikaw ang tatanga-tangang hindi tumutingin sa dinadaanan mo tapos ako pa ang sisisihin mo?" galit niyang sigaw sa akin.
"Aba't. Hoy lalaki hindi sayo itong store kaya huwag mo kong sigawan." sigaw ko rin sa kanya.
"Wala akong pakialam. Alam mo miss, minsan iwan mo 'yang katangahan mo sa bahay niyo ha para wala ka namang maagrabyadong iba." sabi niya at lumabas na. Napakayabang niya. Gwapo sana bastos lang ang ugali.
"Bastos." sigaw ko sa kanya. Nakakapang-init ng ulo. Padabog akong umalis sa kinatatayuan ko dahil maraming tao ang nakatingin sa akin. Binili ko na ang lahat ng kailangan kong bilhin at umuwi na. Sana naman hindi na ulit mag-krus ang landas namin ng bwisit na 'yon.

BINABASA MO ANG
Love Dream
RomanceAlam niyo ba ang love dream ni Franz Liszt? Walang lyrics 'di ba? Classical music kasi. Narinig ko 'yon sa Professor namin, kaya naisipan kong gawan nang kwento ang tugtog na iyon. Dito niyo malalaman kung Love Dream ang title nun.