Dream 6: I Love You, Goodbye

106 8 2
                                        

Nagkatitigan lang kaming dalawa. Hindi kami natinag kung walang tumikhim.

"Aherm. Uso ang bumitaw at tumayo."nakangiting sabi ni Chebby. Dali-dali niya akong itinayo at at nangamot ng ulo.

"A-ah. Sorry." nakayukong sabi ko.

"Don't be. Aksidente lang ang nangyari. Okay ka lang ba?" tanong niya pero kita ko sa mata niya ang pag-alala.

"O-oo. Salamat." sabi ko at tipid na ngumiti.

"Aherm. Ako ang dapat mag-sorry, hindi ko kasi nakita ang upuan." singit ni Aiye. 

"Okay lang. Okay lang ba kayo? Hindi kayo nasaktan?" tanong ulit nu Clerk. 

"Ikaw naman kasi Mariae hindi ka nag-iingat. Paano na lang kung hindi nasambot ni Clerk 'yong tao? "inis na sabi ni Reylan kay Mariae.

"Alam mo ikaw, kung wala kang ibang sasabihin itikom mo 'yang bibig mo, kundi makakatikim ka talaga sa'kin.Matagal na kong nagtitimpi sayo." inis din na sigaw ni Aiye sa kanya.

"Palibhasa kasi 'yang katangahan mo kahit saan lumalabas talaga." sigaw din ni Reylan. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Sumenyas si Reynan na umalis na kami dun. Hinwakan naman ni Clerk ang kamay ko at inakay papuntang labas ng bahay. Umunpo kami sa sa mesa sa garden. 

"Can we talk?" tanong niya sa akin pagkaupo ko.

"Sure. Tungkol saan naman?" nagtatakang tanong ko. Tinanguan niya ang dalawa kaya nagpaalam na papasok na muna.

"Steph, Pre, pasok na muna kami baka nagsuntukan na 'yong dalawa. Alam niyo namang hindi pa naka-move on ang dalawang 'yon." natatawang paalam ni Chebby. tumango lang ako.

"Sige. Salamat." sabi naman ni Clerk.

"Tungkol saan ba ang pag-uusapan natin?" tanong ko ulit sa kanya.

"Una, gusto kong mag-sorry sa nangyari sa mall dati." sabi niya. Kitang-kita ang sinseridad sa sinabi niya.

"Okay lang, thou tumaas ang presyon ko." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Masama lang talaga ang timpla ko nung panahon na 'yon. Pangit tuloy ang impresyon mo sa first meeting natin." sabi pa niya.

"Okay lang 'yon ano ka ba. Tapos na 'yon, isa pa nag-sorry ka naman na." sabi ko naman. Ngumiti rin siya.

"Anyways, I'm Clerk Dela Peña, balita ko sa company at school ka namin nagtatrabaho." pagpapakilala niya at inabot ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko naman iyon.

"Yeah. Hindi ka ba nagtatrabaho dun?" tanong ko sa kanya.

"Hindi, pero minsan andun ako tumutulong kela Dad. May sarili akong business na pimamahalaan." sagot niya sa akin.

"Ah. Kaya naman pala hindi kita nakikita sa Yamyoj Furniture Company." tumatangong sabi ko.

"Bakit ayaw mong sa Company na lang magtrabaho? Mas magaang pa 'yon." tanong niya ulit.

" 'Yong sahod ko kasi sa pagpa-part time instructor,dino-donate  ko sa Concert ng Bubog Charity. Para sa mga taong walang pamilyang mauwian." sabi ko sa kanya.

"Good samaritan ka pala. Hindi halata sa mukha mo nung una tayong nagkita." natatawang sabi naman niya.

"Heh. Akala mo lang 'yon. inborn na 'yon, ayaw ko lang kasi na nakakita ng mga taong pagala-gala sa kalsada at namamalimos ng makakain lalong-lalo na ang mga bata." sabi ko at bumuntong-hininga.

"Tama 'yan. Maganda naman ang hangarin mo kaya ipagpatuloy mo lang 'yan." sabi niya.

"Ang mga bagay na iyon ay hindi kailangang ipagdamot sa mga taong nangangailangan." dagdag ko pa.

"Tama. Bakit ayaw mong humingi ng tulong sa mga Organisasyon o sa Gobyerno?" tanong niya.

"May mga grupo ng kababaihan naman na tumutulong kasama namin. inilapit na namin sa DSWD 'yon, kaso walang nangyari." malungkot na sabi ko.

"Kung sabagay. Baka pagkakitaan pa kayo kapag mga mukhang perang pulitiko ang nahingian niyo na tulong. Alam naman natin sa panahon ngayon, kahit isang patak ng tubig may buwis na." sang-ayon naman niya.

"Exactly. Kaya tama nang may mga taong kusang tumutulong sa Charity. At least bukal sa kalooban nila ang tumulong." sabi ko ulit. Naputol ang pag-uusap namin dahil tinawag na kami ni Chebby.

"Handa na ang videoke. Sino ang unang kakanta?" tanong ni Reylan. Buti naman at okay na siya. Tiningnan ko si Mariae at maga ang kanyang mata.

"Anyare sayo?" tanong ko pagkaupo ko sa tabi niya.

"Wala naman. Alam mo na siguro 'yon." sabi niya. Hinimas ko na lang ang likod niya para makisimpatya.Dahil walang nagpresinta kung sino ang kakanta, si Chebby ang kumuha ng microphone. 

Wish I could be the one
The one who could give you love
The kind of love you really need
Wish I could say to you
That I'll always stay with you
But baby that's not me
You need someone willing to give their heart and soul to you
Promise you forever, baby that's something I can't do
Oh I could say that I'll be all you need
But that would be a lie
I know I'd only hurt you
I know I'd only make you cry
I'm not the one you're needing
I love you, goodbye

I hope someday you can
Find some way to understand I'm only doing this for you
I don't really wanna go
But deep in my heart I know this is the kindest thing to do
You'll need someone who'll be the one that I could never be
Who'll give you something better
Than the love you'll find with me
Oh I could say that I'll be all you need
But that would be a crime
I know I'd only hurt you
I know I'd only make you cry
I'm not the one you're needing
I love you, goodbye

Leaving someone when you love someone
Is the hardest thing to do
When you love someone as much as I love you

Oh I don't wanna leave you
Baby it tears me up inside
But I'll never be the one you're needing
I love you, goodbye

Baby, it's never ganna work out
I love you, goodbye

 Tahimik kaming lahat na nakikinig sa kinanta niya. Walang ni isang um imik sa amin dahil kahit hindi kagandahan ang boses niya maayos niyang kinanta. Lahat kami nakatingin lang sa kanya.

"Whoa. Bakit ganyan kayo makatingin sa akin? Alam kong pangit ang boses ko, kaya wala namang ganyanan." nakangusong sabi niya. Kahit ni isa sa amin wala pa ring umimik. Hindi kami natahimik sa boses niya kundi dahil sa mismong lyrics ng kanta.

Love DreamMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon