Maaga akong pumasok sa office para makagawa ng lesson namin mamaya. Nagpa-part time ako sa Yamyoj State University bilang instructor. Naalala niyo pa naman siguro nung tiananong ako ni Ate Faye dati 'di ba? Ang may-ari ng YSU at ng company na pinagtatrabahuhan ko ay iisa lang. Nasa Accounting Department ako naka-assign. Yamyoj Furniture Company ang pangalan ng pinagtatrabahuhan ko.
"Good morning Ma'am." nakangiting bati sa akin ni Manong Guard.
"Good morning din po Kuya." bati ko at ginantihan rin ng ngiti.
"Ang aga niyo po ata?" tanong niya.
"Ah, opo. Kailangan ko po kasing gawin ang lesson mamaya. Alam niyo naman pong trapik sa daan, kaya inagahan ko na at dito ko na lang sa office gagawin habang hindi pa time." sagot ko sa kanya.
"Ganun po ba? Oh siya, sige na po para matapos niyo habang maaga pa." sabi niya. Umakyat na ako gamit ang hagdan. Nasa 10th floor pa naman ang office ko. Hindi ako gumagamit ng elevator dahil takot akong sumakay doon.
Pagdating ko sa office sinimulan ko ng gawin ang topic. Mabilis ko lang natapos dahil Personality Development lang naman ang subject ko mamaya. Maya-maya pa nakarinig ako ng tatlong sunod-sunod na katok sa pinto.
"Come in." sabi ko. Bumukas ang pinto at iniluwa noon si Joahanna, ang secretary ni Mr. Dela Peña.
"May kailangan ka ba Han?" tanong ko.
"Pinapatawag po kayo ni Sir, Ma'am." sagot niya. Kumunot ang noo ko. Ngayon pa lang ako pinatawag ni Sir.
"Bakit daw?" nagtatakang tanong ko.
"Hindi ko po alam, Ma'am. Sabi niya po kasi pumunta kayo sa office niya. ASAP." kibit-balikat niyang sabi. Hindi na ako nagtanong pa at sumama na lang sa kanya paakyat. Good thing nasa ika-labindalawang palapag lang ang opisina niya. Kumatok muna si Joahanna bago kami pumasok.
"Good morning, Sir." bati ko sa kanya ng nakangiti pero deep inside kinakabahan ako.
"Good morning too, Miss quidta. Have a seat, please." sabi niya. Agad naman akong tumalima. Pinalabas niya muna ang sekretarya niya bago nagsimula.
"sir tungkol saan po ba ang pag-uusapan natin?" tanong ko.
"Pwede ba kong humingi ng pabor sayo, hija?" tanong niya.
"Pwedeng-pwede po basta ba kaya ko." sabi ko sa kanya.
"Tungkol ito sa YSU. Pwede bang ikaw ang magturo ng MSCED ng I.T doon?" tanong niya ulit.
"Anong seksyon po ba, Sir?" tanong ko naman.
"1-F. Lahat kasi ng prof nila nagsi-quit. Wala talagang ni-isa sa kanila ang gustong magturo." sabi niya. Sa pagkakaalam ko iyon ang seksyon na puro barumbado ang mga lalaki. Gusto kong umayaw kaso nakakahiya kay Sir.
'Sige po." sabi ko na lang. Napangiti siya sa sinabi ko. Agad naman akong lumabas at bumalik na sa opisina ko. Good luck to me. Sana kaya kong disiplinahin ang mga batang 'yon.
***
"Good evening class." bati ko sa mga estudyante ko. Mga acconuting students ang handle ko ngayon.
"Good evening, Miss quidta." bati rin nila.
"Okay our lesson for today is about Love and Marriage." sabi ko sa kanila at nilabas ang marker ko upang isulat ang topic.
"Love raw oh." narinig kong sabi ng isa kaya naghiyawan sila.
"Kayo talaga. Basta love ang topic nag-iingay kayo." napapa-iling kong sabi.
"Naman ma'am." sabi naman ng isa na tumatawa pa.
"Enough. What is love?" tanong ko. Maraming nags-taas ng kamay nila.
"Miss ako po." sabi ni Jerome.
"Jerome sagot." sabi ko.
"Love an intense feeling of deep affection." sagot niya.
"Very good. May iba't-ibang uri tayo ng love. May true love, first love, one love. Pero ang ating pag-aaralan ngayon ay tungkol sa pagkakaiba ng romantic love sa passionate love at bakit sila related sa marriage." panimula ko sa lesson namin.
"When we say Marriage, it is a long term socially approved sexual union between two people." dagdag ko pa. Tahimik lang silang nakikinig sa akin."Today, most people marry because they "fall in love'.The romantic love they believe in lasts until death. Although they may never have seen such a love relationship in real life, they believe in it. They feel complete,immersed in the other person, sure of the rightness of the relationship, in agony when separated from their loved one. Based on these feeling, they marry." sabi ko sa kanila.
"Miss they said, romantic love is not universal." sabi ni Alyana.
"That's true. Romantic love is not a biological reaction of two young people toward their sexual urges but is rather a cultural pattern into which people are socialized." dagdag ko sa sinabi niya. Tahimik pa rin silang nakikinig kaya nagpatuloy ako.
"In previous times in our society, marriage has been based on other considerations, primarily the man's ability to support and protect his family, or the woman's ability to bear children and run a household. How about in Ancient Greeks?" tanong ko sa kanila para ma-share rin nila ang kaalaman nila about sa love.
"Miss, They described romantic love as a "madness by which a person was affected through the caprice or malevolence of some god or goddess." sagot naman ni Mariella.
"Very good. Pagdating pala sa love nagiging active kayo." sabi ko sa kanila. Tumawa naman sila. Nagpatuloy ako sa pagklase.
"Romantic love began as an aristocratic phenomenon and was nearly always unconsumated; part of the ideal of romantic love required that the love object be unattainable." dagdag ko ulit.
"Miss in your own words, what is love?" biglang tanong ni Jerome. Napaisip ako.
"Love is difficult to define in terms that can be tested empirically." sagot ko sa kanya. Tumango tango naman siya.
"romantic love is certainly a wonderful experience and the basis of many good relationships." natahimik kaming lahat sa nagsalita. Siya ang pinakatahimik na estudyante ko. Laging nag-iisa at natutulog lang sa tabi.
"Very good Mr. Cayetano." sabi ko. Hindi niya ako pinansin. Bigla siyang tumayo at naglakad palabas ng room.
"Miss may alam po ako sa US naman." sabi ni Janine habang tinataas-taas niya ang kamay niya.
"Then go. Share it with us." sabi ko sa kanya.
"They define, that romantic love as an ideal for all classes and as a way of choosing one's mate is widely accepted." sabi niya ng nakangiti. Pinalakpakan siya ng mga kaklase niya.
"Very good. Question.Why is romantic love is important today?" tanong ko."Yes, Miss Pamplona."
"Romantic love is important today that is almost universally accepted as the most compelling reason for a couple to begin a life together." sagot niya.
"Very good. Ang galing naman. Siguro dito ko na lang ibbase ang exam niyo para mataas ang makukuha niyong score." sabi ko sa kanila.
"Yes." hiyaw nilang lahat.
"Next meeting we will discuss the seven loving behaviour. Class dismiss." pagtatapos ko sa klase. Nag-unahan sila sa pagtakbo palabas. Pero may naiwan akong estudyante si Mariella.
"Miss okay ka na ba?" tanong niya sa akin.
"oo naman. Bakit mo naitanong?" tanong ko naman sa kanya.
"Wala lang po. Parang kakaiba po kasi kayo ngayong araw." sabi niya at nagkibit balikat na lang. Lumabas na siya ng room at sumunod naman ako. Okay na nga ba ako?Siguro, oo.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ayan sana may matutunan kayo. Nirelate ko 'yan sa Sociology at MSCED naming subject.
Credits to my Prof and Social Institutions book. ^__^

BINABASA MO ANG
Love Dream
RomanceAlam niyo ba ang love dream ni Franz Liszt? Walang lyrics 'di ba? Classical music kasi. Narinig ko 'yon sa Professor namin, kaya naisipan kong gawan nang kwento ang tugtog na iyon. Dito niyo malalaman kung Love Dream ang title nun.