Dream 2: He's here?

180 7 9
                                    

"Nakakainis talaga siya, walang modo, walang respeto, walang kwenta. Argh. bwisit. Mamatay na siya." gigil na gigil kong sabi.

"Ano ba 'yan Steph, pinong-pino ang sibuyas sa sobrang galit mo." sabi ni Aiye. Gumagayat ako ng sibuyas dahil magluluto kami.

"Paano ba naman kasi kanina. Ugh." sabi ko ba pa at lalong diniin ang pagtadtad sa sibuyas.

"Ano bang nangyari sayo? Pagdating ko sa bahay nakabusangot na 'yang mukha mo." kunot-noong tanong niya sa akin at nilapag ang gulay na hinihimay niya.

"Kanina kasi pagkatapos kitang kausapin sa phone, may nakabangguan akong lalaki." kwento ko sa kanya.

"Tapos?" tanong niya.

"Sinabihan akong iwan ko daw ang katangahan ko sa bahay." dagdag ko. bigla siyang tumawa nang pagkalakas loakas. Tawa siya ng tawa hanggang sa mapahawak sa tiyan niya.

"Sorry. Tama naman kasi siya." sabi niya habang natatawa pa rin.

"Isa ka pa. Nakakainis." sabi ko at padabog na binitawan ang kutsilyo at pumasok sa kwarto ko. Narinig ko pa rin ang tawa niya hanggang sa kwarto. Abnormal din ang isang 'yon. 

***

"Sleeping beauty, ready na po ang hapunan." naramdaman kong may yumuyugyog sa balikat ko.

"Eh ano?" tanong ko pagkamulat ko ng mata.

"Wala ka bang balak kumain? Ako kasi gutom na dahil hindi ako nakakain sa resort kanina." sagot niya.

"Kasalanan ko?" mataray kong tanonng sa kanya.

"Oo." sagot niya.

"Bakit na naman?" tanong ko ulit.

"Kasi hindi ka sumama. Mas pinili mo pa 'yong pagbili ng kung anu-ano na pwede namang bukas kesa sa samahan ako. Kaya ayan tuloy may nakatapat ka sa katarayan mo." sabi niya at pinipigilan ang matawa.

"Sige ipaalala mo pa." sabi ko sa kanya.

"Kaya nga halika na para hindi ko na ipaalala pa sayo." pamimilit niya at hinihigit ang kamay ko.

"Oo na, kung hindi lang kita matiis,ewan ko na lang." sabi ko at tumayo na.

"Yehey. Huwag kang mag-alala buhay prinsesa ka ngayon dahil ako ang maghuhugas ng pagkakainan natin." nakangiti niyang sabi.

"Talga? Buti na,man." natatawa kong sabi sa kanya. Lumabas na kami at kumain. Tinotoo nga niya ang sinabi niya siya ang gumawa ng lahat. Pagkatapos nun ay pumasok na kami sa kwarto, makikitulog sa akin.

"Steph may tanong ako sayo." sabi niya at umupo sa kama.

"hmm?" sagot ko.

"naniniwala ka ba sa forever?" tanong niya. Natawa ako kasi ang seryoso ng mukha niya.

"Bakit mo naman natanong?" tanong ko sa kanya.

"Tinatanong kita kaya huwag mo kong sagutin ng tanong din." sabi niya.

"Oo na. Para saan ba 'to?" tanong ko ulit.

"Basta. Sagutin mo na lang kasi." reklamo niya.

"Oo naman." sgot ko para matapos na.

"Ako kasi hindi." sabi naman niya.

"Bakit naman?" tanong ko naman.

"Wala kasing forever." natawa ako sa sagot niya.

"Paano mo naman nasabi? Walang forever kasi niloko ka ni R---" naputol ang sasabihin ko kasi bigla niya akong sinamaan ng tingin.

"Ituloy mo kung hindi babangasan ko ngala-ngala mo." sabi niya kaya tumahimik na lang ako. MAhirap na, baka magtampo ulit.

"Sorry na. Matulog na tayo, kung anu-ano na kasi ang napasok sa isip mo." sabi ko na lang at humiga na.

***

 Papunta kami sa Concert ng Bubog Charity ngayon dahil araw ng linggo. At sa tuwing araw ng linggo pumupunta kami dun at nagdodonate ng mga kakailanganin ng mga bata't matatanda na nakatira dun.

"Steph hindi ka ba nahihirapan sa schedule mo?" tanong ni Faye. Isa siya sa mga volunteers sa CNB Charity.

"Hindi naman, isa pa para naman sa mga taga-CNB 'yon kaya kakayanin ko." sagot ko sa kanya at ngumiti.

"Bakit ayaw mong mag-stick na lang sa isang trabaho para hindi ka mahira[an?" tanong pa niya.

"Okay lang talaga Faye, huwag kang mag-alala kapag hindi na magpapahinga ako." nakangiti kong sabi sa kanya at tinapik sa balikat.

"sabi mo 'yan ha. Inaalala lang kita." sabi pa niya at napabuntong-hininga.

"Opo. Salamat sa concern." sabi ko. Tumango lang siya. Pagkababa namin sa van nag-uunahan magsitakbuhan ang mga bata paunta sa amin.

"Dahan-dahan lang mga bata baka madapa kayo." sigaw ko.  Nang makarating sila sa kinatatayuan namin isa-isa silang pumila at nagmano sa amin.

"Ate Steph, na-miss ka po namin." nakangiting sabi ni Allan.

"Na-miss ko rin kayo. Oh siya, halina kayo at maglalaro na tayo." sabi ko kaya nag-unahan naman sila sa pagtakbo.

"Pwedeng-pwede ka na talaga mag-asawa Steph." nakangising sabi ni Aiye.

"Wala pa sa vocabs ko ang mag-asawa Mariae." sabi ko sa kanya.

"Wushu. Oo na, malay mo ang nakabungguan mo sa SM ang makakatuluyan mo." pang-aasar niya. Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad.

 "Steph pwede ba kitang makausap kahit saglit lang?" napatigil ako nang marinig ko ang boses ni Sister Lita.

"Opo naman, tungkol saan po ba?" tanong ko. Pumunta muna kami sa ofice niya at doon nag-uap.

"Okay lang ba sayo na ipa-ampon ang mga bata? May pumunta kasi dito last monday at nagtanong." tanong niya sa akin. 

"Okay lang naman po 'yon sa akin basta ba sa mga mabubuting tao mapupunta ang mga bata." sagot ko na nakangiti. Though malulungkot ang lahat, okay lang 'yon at least magiging maayos na ang buhay nila at may mag-aaruga sa kanila.

"Okay naman ang mag-asawang pumunta dito. Mababait sila at alam kong kaya nilang ibigay sa bata ang lahat ng gusto nito." sabi niya.

"Iyon naman po pala. Mabuti na rin po 'yon para mabigyan ng katuparan ang mga pangarap nila." sabi ko sa kanya. "Sino po ba ang aampunin nila?" dagdag ko pa.

"Si Allan." sagot niya. Nalungkot ako kasi siya ang isa sa mga malalapit na bata dito sa akin.

"Ah. Sige po. Matutupad na rin ang gustong niya, ang maging isang doktor." malungkot na sabi ko.

"Ang pinoproblema ko lang ay kung paano ko sasabihin sa bata ang mangyayari." nag-aalalang sabi ni Sis.Lita.

"Ako pong bahala. Huwag po kayong mag-alala tutulungan ko po kayo." nakangiting kong sabi.

"Talaga? Naku salamat naman kung ganun. Hija." sabi niya. Tumayo na kami at lumabas ng opisina. Kailangan kong makausap si Allan at ipaintindi sa kanya ang mangyayari. Matutuwa siguro 'yon kapag nalaman niyang magkakaroon na siya ng magulang. Papunta na sana akong playground ng may namataan akong isang tao. Biglang nag-init ang mukha ko at bumangon na naman ang galit sa puso ko. Anong ginagawa ng hayop na 'yan dito?

Love DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon