"Ikaw ha. Lumalabas na naman 'yang paggiging Katud Queen mo." sabi ni Mariae at sinundot-sundot ang braso ko.
"Ano na naman ba? Alam mo ikaw ang dami mong issues sa buhay." naiiritang sabi ko sa kanya.
"Mukhang ayos na kayo ni Clerk ah." hirit pa niya.
"Mabait naman kais 'yoing tao." sabi ko sa kanya.
"Yiiieee. Akala ko ba galit ka sa kanya dahil sinabihan kang tatanga-tanga?" natatawang tanong niya.
Badtrip lang 'yong tao, isa pa nag-sorry na kaya shut up ka na at huwag ng umisyu pa, okay?" sabi ko. tumango naman siya.
"Opo. Pero matanong ko lang. Basta ba huwag kang magagalit?" sabi niya s akin.
"Ano?" sabi ko pero hindi ako tumitingin sa kanya dahil abala ako sa paggawa ng lesson ko bukas sa mga I.T. First meeting pa naman namin kaya kailangan maayos ang presentation ko bukas.
"Tungkol kay Jonel." nag-aalangang sabi niya.
"Oh? Anong meron dun?" kunot noong tanong ko.
"Nakapag-move on ka na ba dun after ka niya iwan three years ago?" tanong niy. Natahimik ako bigla. Ayaw ko ng maalala pa ang mga bagay na 'yon.
"Hindi ko alam. Nung nakita ko kasi siya last week bigla na lang bumanggon ang galit sa puso ko." sabi ko sa kanya.
"Nakita mo siya? Saan? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" nanlalaki ang mga mata niya sa gulat.
"Isa-isa lang. Alin dun ang gusto mong una kong sagutin?" tanong ko sa kanya.
"Saan mo siya nakita?" ulit niya.
"Sa CNB Charity. Iyon sana ang sasabihin ko sayo at siya rin ang hinahabol ko pero hindi ako sigurado kung siya ba talaga 'yon o namamalik mata lang ako." kibit-balikat kong sabi sa kanya.
"Pero kung sakali mang siya 'yon, haharapin mo ba?" tanong niya pa ulit.
"Hindi ko alam. Sa ginawa niya sa akin, malamang sa lamang hindi." sagot ko sa kanya.
"Kung ako siguro ang nasa posisyon mo baka nasapak ko na 'yon." sabi niya.
"Bakit si Reytlan hindi mo sinapak?" tanong ko sa kanya at tumawa.
"Ibang isyu naman 'yon." sagot niya at tumayo na.
"Oh? San ka pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Maliligo para ma-refresh." sagot niya at umalis na. If I know umiiwas lang 'yon na siya ang pag-usapan.
"Kunware ka pa. Ayaw mo lang pag-usapan ang epic love life mo eh." pang-aasar ko sa kanya.
"Nagsalita. Hindi hamak naman na mas epic ang love life mo kesa sa akin. Iyong akin dahil lang paggiging childish ko. Eh ikaw? Dahil naka--." hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya nang marealize niya ang mali.
"Huwag na nating pag-usapan." seryosong sabi ko.
"Sorry. Napaka-insensitive ko. Sorry talaga." mangiyak-ngiyak niyang sabi.
"Okay lang, ako naman ang nag-umpisa eh." sabi ko at ngumiti ng tipid.
"Sorry talaga." sabi niya ulit.
"Sige na. MAligo ka na at magsisimba pa tayo." sabi ko naman. Agad naman siyang tumalima. Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi naman kasi ganun kadali na patawarin si Jonel sa ginawang panloloko niya sa akin. Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at si Clerk. Agad ko namang sinagot.
"Hello." sabi ko.
"Steph, magsisimba ba kayo mamaya?" tanong niya.
"Oo.Bakit mo naitanong?" sabi ko.
"Wala lang. Kitakits na alng tayo sa simabahan mamaya. Kasama ko ang banda." sabi niya.
"Sige." sabi ko. Ibababa ko na sana ang phone pero nagsalita ulit siya.
"Hindi ba linggo ngayon?" tanong niya. Nagtaka ako kung bakit niya tinanong.
"Oo. Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ba tuwing linggo pumupunta kayo sa CNB Charity?" tanong niya ulit.
"Oo. Hindi kami nakapunta kanina kasi marami kaming ginawa. Andun naman sila Faye para mag-volunteer." sagot ko sa kanya.
"Ah. Sige, nagtaka lang ako kung bakit wala kayo dun kanina." sabi niya.
"Ha? PAano mo nalaman?" nagtatakang tanong ko.
"H-ha? A-ah. Wala, wala. Oh sige bye na mag-aayos pa ako." nagmamadaling paalam niya. ,Ang weird niya ha. Napailing na lang ako at iniligpit na ang mga kalat ko.
"Sinong kausap mo?" nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Mariae sa pinto.
"Ano ka ba naman. Bakit ka nanggugulat? Aatakihin ako sa puso nito dahil sayo eh." sabi ko sa kanya at hawak-hawak ang dibdib ko.
"Sorry. Bawas-bawasan mo kasi ang pag-inom ng kape." sabi niya.
"Gaga, kelan pa ako umiinom ng kape, aber?" tanong ko sa kanya.
"Ay oo nga pala. hindi ka nagkakape." sabi niya at napasapo sa kanyang noo.
"Mag-memo plus gold ka na. Masyado ka nang makakalimutin sa mga bagay-bagya." sabi ko sa kanya at tinapik sa balikat.
"Sponsor mo?" tanong niya.
"Hindi. Diyan ka na at ako naman ang mag-aayos." sabi ko sa kanya. Kinuha ko ang tuwalya sa kwarto ko at pumasok na sa bathroom. Pagkatapos ng kalahating oras umalis na kami ng bahay at nag-antay ng dyip.
"Si Chebby 'yon ah." sabi ni Mariae at tinuro ang kinaroroonan ng Head Band.
"Oo nga. Tara. Sabi kasi ni Clerk sisimba raw sila." sabi ko naman. Pumunta kami sa harap kung saan sila nakapwesto.
"Buti naman at nandito na kayo. Magsisimula na ang misa." sabi ni Clerk at pinaupo kami.
"Anong nakain niyo at naisipan niyong magsimba?" tanong ni Aiye sa kanila.
"Bakit ipinagbabawal na ba ng simbahan na pumasok kami rito?" inis na tanong ni Reylan.
"Hindi ikaw ang kausap ko kaya huwag kang sumabat." sabi ni Aiye at inirapan si Reylan.
"Kayong dalawa nasa simbahan na tayo hindi pa rin natigil sa iringan niyon 'yan. Pwede ba for once tumahimik kayo. Nakakarindi kasi kayo eh." kalmadong sabi ni Reynan. Agad namang tumahimik ang dalawa.
"Hindi pa rin nagbabago ang dalawang 'yan. Mahal nila ang isa't-isa pero ayaw pang magbati ulit." bulong ni Clerk sa akin.
"Oo nga. Yaan mo na. Magbabati rin 'yang mga 'yan." sabi ko na lang. Hindi nagtagal nagsimula na ang misa. Tahimik kaming nakaikinig sa sinasabi ng Pari.
"Kung may mga taong nakasakit sa inyo, huwag niyo nang balikan pa. Mas mahalaga ang kinabukasan, kaysa sa nakaraan. Kaya move on." sabi ni father.
"May tinatamaan na naman." bulong ni Aiye at tumingin sa akin. Pinadilatan ko lang siya ng mata.
"Letting go is not about forgetting the past, it means looking forward instead of looking back." pagtatapos niya sa homilya. Nagsitayo na kaming lahat. Nagkatinginan kami ni Aiye at ngumiti sa isa't-isa. At least alam naming nagkakaintindihan kami. It's time to let go and forget about the past.
BINABASA MO ANG
Love Dream
RomansaAlam niyo ba ang love dream ni Franz Liszt? Walang lyrics 'di ba? Classical music kasi. Narinig ko 'yon sa Professor namin, kaya naisipan kong gawan nang kwento ang tugtog na iyon. Dito niyo malalaman kung Love Dream ang title nun.