"Kinakabahan ka 'no?" tanong sa akin ni Mariae. Ito na ang unang araw nang pagtuturo ko sa I.T.
"Medyo, alam mo naman ang usap-usapan tungkol sa klaseng 'yon." sagot ko sa kanya at napabuntong-hininga. Habang palapit nang palapit sa room nila lalong bumibilis ang tibko ng puso ko sa kaba.
"Kaya mo 'yan, ikaw pa ba?" sabi niya sa akin at tinapik ako sa balikat." Oh siya, dito na lang ako. Good luck." paalam niya. Napabuntong hininga na lang ulit ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Maya-maya lang nasa pintuan na ako ng room nila, nagtaka ako kung bakit ang tahimik naman. Binukasan ko ang pinto at pumasok. Inikot ko ang paningin at nakaupo silang lahat, malinis ang classroom.
"Good evening, class." bati ko sa kanila.
"Good evening, Miss Quidta. Welcome po." sabay-sabay nilang bati sa akin. Mas lalong kumunot ang noo ko. Hindi ko inaasahang ganto ang magiging kalalabasan nang unang meeting namin.
"Miss, bakit ganyan po ang reaksyon mo? Nagtataka ka ba kung bakit ang tahimik namin?" tanong sa akin nang babeng sa palagay ko President nila."Huwag po kayong maniwala sa mga sinasabi nila. Hindi naman po 'yon totoo, mababait po kami." malungkot na dagdag pa niya.
"A-ah. Bakit naman nila ginawa 'yon?" na-uutal na tanong ko.
"Kasi po, lagi naming sinasabi na isusumbong namin sila kay Mr. Dela Peña." sagot niya.
"Bakit naman?" tanong ko ulit.
"Hindi naman kasi sila nagututuro, puro pagawa na lang ng essay at assignments. pagdating ng examination, panay take home." sagot niya sa akin. Nalulungkot ako sa kinahinatanan ng klase na ito. Napabuntong hininga ako bago magsalita ulit.
"Huwag kayong mag-alala, I'll do all my best para maturuan kayo, about God pa naman ang topic natin." nakangiting sabi ko sa kanila. Nakita kong umaliwalas ang mga mukha nila, at ang lungkot ay napalitan ng mga ngiti.
"Salamat po." sabay-sabay na sabi nila.
"Before we proceed to our topic, who can give me the definition of religion?" panimula ko. Nagsitaasan sila ng kamay, pero bago ko pa maibuka ang bibig ko upang tumawag, biglang bumukas ang pintuan.
"Good evening, Miss. Sorry we're late.' nakayukong sabi ng dalawang dumating. Pamilyar ang boses nila.
"Good evening, too Ladies. Maupo na kayo." sabi ko sa kanilang dalawa. sabay rin silang nag-angat ng ulo at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin.
"IKAW? HINDI BA IKAW 'YONG BABAENG NAHILO SA BAR? IKAW ANG INSTRUCTOR NAMIN?" sabay ulit na sigaw nila. Halos mabingi ako sa lakas ng boses nila. Napatawa ang lahat sa reaksyon nila.
"Opo, ako nga po 'yon. Kaya maupo na kayo para maipagpatuloy ko na ang diskusyon." natatawa kong sabi sa kanila. Sumunod naman si Mara at Natha sa akin, pero hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon sa mukha nila.
"Grabe hindi ako makapaniwala, Instructor natin siya ngayon sissy." narining kong sabi ni Mara kaya Natha.
"At dahil late kayo,kayong dalawa ang sasagot sa tanong ko. Ikaw muna Mara." sabi ko."Define religion."
"Religion, beliefs?" sagot niya at napakamot ng ulo.
"Pwede. Natha?" sabi ko at tumango-tango." Define religion, habaan mo.' dagadag ko pa.
"A religion refers to a belief in, or the worship of, a god of gods or the service and worship of God or the supernatural." dire-diretsong sagot niya at umupo.
"Very good. Kapag sinabi nating relihiyon, napapaloob doon ang paniniwala at pagsunod. Lahat tayo ay may kanya-kanyang relihiyon ngunit may isang paniniwala. Ang paniniwala sa ating Panginoon."
"Miss, religion can also be unified system of beliefs and relative to sacred things." sagot ng isa.
"Very good. ang relihiyon ay sagrado. Paano ba natin masasabing sagrado ang isang bagay?" tanong ko ulit sa kanila.
"Miss, kapag may nangyaring maganda sa isang bagay, masasabi nating sagrado iyon."
"Good. Bakit ang Krus naging sagrado?" tanong ko ulit at ginuhit sa board ang Krus.
"Kasi doon ipinako si Jesus para sagapin ang mga tao."
"Tama. kaya naging sagrado para sa atin ang Krus dahil may nangyari. Kahit ballpen, lapis, papel o kung ano pa mang bagay ang meron tayo ay maituturing nating sagrado kapag may nangyaring maganda rito."pagpapaliwanag ko."According to a psychologist william James, religion as the feelings, acts, and experiences of individual men in their solitude, so far as they apprehend themselves to stand in relation to whatever they may consider the divine."
"Miss for you what is God?" biglang tanong sa akin ng president nila.
"He is the most powerful creature." sagot ko. Tumango-tango siya.
"Why do people need god?" tanong niya ulit.
"Because He is the one who created us. We are nothing without God." sagot ko ulit."Enough fot tonight, research about the different types and kinds of religions. Class dismiss." pagtatapos ko.
"Bye, Miss." sabi nila at nagsilabasan na. Naiwan naman ang kambal.
"O? bakit hindi pa kayo umuwi?" tanong ko sa kanila.
"sabay na po tayo,Miss. Nga po pala, bakit po ninyo naisipang dito magturo?" tanong ni Mara.
"Dito na ako nagtuturo, hindi niyo lang siguro ako nakikita." sagot ko."Kayo nga rin hindi ko nakikita dito."
"Minsan lang po kasi kami napasok. Nagpa-part time lang po kayo rito?" sabi ni Natha.
"Oo, may trabaho ako sa opisina, sila rin ang may-ari nitong school. Nakiusap siyang ako ang magturo sa inyo." sabi ko naman.
"Buti naman po at hindi kayo umayaw. Tara na po." sabi naman ni Mara.
"Saan ba kayo nakatira?" tanong ko.
"Sa Blue Masda Village po." sabay na sagot nila. Kambal nga talaga laging magkasabay e.
"Good thing, doon din ako nakatira." nakangiting sabi ko.
"Talaga po? Wow naman, destined tayong tatlo."sabi ni Natha at tumawa.
"Loka ka. Tayo na baka gabihin tayo lalo." sabi ko at umalis na kami. Ayos naman na kasama ng dalawa, ang daldal nga lang. Nag-agawan pa kung sino ang magda-drive pauwi. May sasakyan sila pero iisa lang."Sinong mas matanda sa inyo, siya na lang magda-drive baka abutin tayo ng umaga rito." sabi ko.
"Sabi sayo ako na e." sabi ni Mara at binelatan si Natha, ginantihan rin siya ni Natha. Kung anu-anong kalokohan ang pumapasok sa isip ng dalawa kaya masya ang buyahe namin. Pagdating sa tapat ng bahay namin, nagtaka ako dahil may mga nakaparadang sasakyan.
"Miss, may mga bisita po ata kayo." sani ni Natha.
"Pansin ko nga. O, siya salamat sa paghatid niyo. Mag-ingat kayo ha." pamamaalam ko. Dali-dali akong pumasok sa bahay at nakita ko ang Head Band na nakaupo sa sala pero wala si Clerk." O. anong ginagawa niyo rito?" kunot-noong tanong ko.
"Birthday daw ng dati nilang ka-banda at pinapapunta tayo." si Mariae ang sumagot.
"Ngayon na?" tanong ko ulit. Nagsitanguan ang lahat at ngumiti.
"Magbihis ka na Steph, aantayin ka namin." utos ni Mariae at tinulak-tulak ako.
"Oo na, hindi mo kailangan manulak. Bakit kasi biglaan e." nakasimangot na sabi ko at nagmamadaling pumasok sa banya. Kung dati nilang ka-banda ibig sabihin hindi ko pa nakikita 'yon. Sino naman kaya 'yon? at bakit iba ang pakiramdam ko? Para bang may mangyayaring hindi maganda o napapraning na naman ako?
BINABASA MO ANG
Love Dream
RomanceAlam niyo ba ang love dream ni Franz Liszt? Walang lyrics 'di ba? Classical music kasi. Narinig ko 'yon sa Professor namin, kaya naisipan kong gawan nang kwento ang tugtog na iyon. Dito niyo malalaman kung Love Dream ang title nun.
