Dali-dali akong tumakbo papunta sa kinaroroonan niya pero bigla akong tinawag ni Aiye.
"Hoy babaita, san ka pupunta?" tanong niya sa akin.
"H-ha? Ah, doon lang. May nakita kasi akong isang pamilyar na tao." sagot ko na nauutal.
"Sino?" nagtatakang tanong niya.
"Oh? Andito lang pala kayo. Tena na at mananaghalian na tayo. Kanina pa nag-aantay ang mga bata." hindi na natuloy ang sasabihin ko kasi biglang dumating si Sister. Lita.
"Sige po. Steph halika na." aya sa akin ni Aiye. Tumango na lang ako at nagsimula nang maglakad. Habang naglalakad iniisip ko pa rin ang nakita ko kanina. Ano kaya ang pumasok sa isip niya at bumalik siya dito? O baka naman namamalik-mata lang ako?
"Hoy. Ano bang nangyayari sayo at kanina pa kita kinakausap pero hindi ka nasagot?" kunot-noong tanong sa akin ni Aiye.
"A-ah. Wala,wala, may naalala lang ako." sabi ko na lang at kumuha ng plato. Hindi ko namalayan na nakaratiing na pala kami sa kusina.
"Bahala ka nga. Ayaw mo pang sabihin kung anong nakita mo kanina at ganyan na lang ang epekto sayo." sabi niya.
"Tsaka na. Kumain muna tayo at may importante akong sasabihin sayo." sabi ko na lang sa kanya. Mabilis lang kaming natapos sa pagkain. Hindi na ako tumulong sa pag-aayos dahil kailangan namin kausapin si Allan, pero bago 'yon kailangan ko munang sabihin kay Mariae.
"Ano na ang sasabihin mo sakin at parang sobrang affected ka?" bungad na tanong niya sa akin.
"Tungkol kay Allan." sagot ko.
"Oh? Ano tungkol sa kanya?" tanong niya.Bumuntong hininga muna ako bago sinabi sa kanya.
"May pumunta daw ditong mag-asawa at naghahanap ng batang aampunin." simula ko.
"Tapos? Si Allan ang gusto nilang aampunin?" tanong niya. Tumango ako.
"Oo.' malungkot na sabi ko.
"Edi mabuti, matutupad na rin ang pangarap niyang magkaroon ng mama at papa." sabi niya.
"Oo nga." sabi ko at bumuntong hininga ulit.
"Oh? Kanina ka pa bumubuntong hininga dyan. Anong problema mo dun?" nakataas ang kilay niya habang tinatanong ako.
"Hindi pa kasi nila nakakausap ang bata. Baka mabigla lang." nag-aalalang sabi ko.
"Hindi 'yan. Iyon pa, sabi nga niya big boy na siya kaya kaya niya na 'yon. Ikaw ang kumausap sa kanya dahil kayo ang magkasundo. Panigurado matutuwa pa 'yon." sabi niya ng nakangiti.
"Sana nga. Pero kailangan mo kong samahan ha." sabi ko sa kanya.
"Oo na. Wala naman akong choice eh." sabi niya na natatawa. Tumayo na kami at pumunta sa kinaroroonan ni Allan.
"Pogi may sasabihin lang sana si Ate, okay lang ba kung doon tayo sa kwarto niyo?" tanong ko sa kanya.
"Tungkol saan naman po?" tanong niya.
"Basta.Tara?" aya ko sa kanya. Humawak siya sa kamay ko at sabay kaming pumunta sa room nila habang nasa likod naman namin si Sister Lita at Mariae. Pagdating namin sa kwarto nila ay umupo kami sa kama sumunod naman ang dalawa.
"'Tungkol saan po ba ang sasabihin niyo?" inulit niya ang tanong.
"A-ah. Paano ko ba sasabihin 'to?" tanong ko habang nangangamot ng ulo.
"Tungkol po ba sa pag-ampon sa akin?" inosenteng tanong niya. Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Hindi lang ako kundi tatlo kami.
"A-alam mo?" tanong ko habang tinuturo siya?" tumango lang siya.
"P-paano mo nalaman, Allan?" singit ni Sister.
"Narinig ko po nung nag-uusap kayo ng Ale at Mama nung nakaraang linggo." sagot naman ni Allan.
"Hindi ba sabi ko bawal makinig sa usapan ng mga matatanda?" mahinahon na sabi ni Sister. Tumango lang si Allan at yumuko.
"Okay lang ba sayo na may aampon sayo?" tanong ko.
"Okay lang naman po. Mabait naman po sila eh. Nakausap ko na po sila nakita kasi nila akong nadapa." sabi pa niya.
"Ah. Basta kapag nasa kanila ka na mag-behave ka ha? Huwag kang magulo at pasaway dun baka ibabalik ka nila dito hindi na matutupad ang wish mo." pananakot ko sa kanya. Natawa silang talo sa sinabi ko.
"Opo. Ikaw talaga ate. Basta mag-asawa ka na para may baby ka na rin, mawawala na kasi ako." snakalabing sabi niya. Natawa ulit ang dalawa pero ako nangamot lang ng ulo.
"Eh? Pogi, wala pang nagkakamaling manligaw sa akin. Baka malugi sila." natatawang sabi ko sa kanya.
"Bakit naman po? Masipag naman po kayo at maalaga. Ayos na po 'yon pwede nang pagtiyagaan." dagdag pa niya.
"Limang taon ka lang ba talaga? Kung anu-ano nang napasok sa isip mo eh." sabi ko sa kanya. tumawa lang ulit sila.
"Oo nga naman Steph, malay mo si Mr. Katangahan na pala ang true love mo." pang-aasar naman ni Aiye kaya sinamaan ko ng tingin.
"Oo nga naman hija, simula ng tumulong kayo dito tatlong taon na ang nakalipas, ni minsan hindi ka nagdala ng kasintahan mo rito." singit naman ni Sister na lalong mas kinatawa ni Mariae.
"Hay naku Sister, huwag niyo pong ipaalala sa kanya. Mamaya magbigit pa 'yan tayo ang may sala." sabi naman ni Aiye at tatawa-tawa pa rin.
"Imbes na ako ang pagkaisahan niyo, bakit hindi na lang tayo lumabas para makapagpaalam na sa mga bata?" sabi ko sa kanila sabay irap.
'Oo nga 'no. Magsisimba pa pala tayo mamaya." sabi ni Aiye.
"Oh siya, sige na. Mag-ingat kayo ha." sabi ni Sister. Lumabas na kami at nagpaalam sa mga bata.
***
"Everyone deserves a second chance. Kung may tao mang nagkasala sa inyo, bigyan niyo ng pagkakataon na bumawi. Hindi masamang magpatawad." sabi ni Father habang naghohomilya.
"Steph narinig mo 'yong sabi ni Father? Second chance daw." kinulbit ako ni Aiye para sabihin lang 'yon.
"Shhh. Ang ingay mo nakikinig ako." sabi ko sa kanya.
"Second chances doesn't always mean a happy ending. Sometimes it's just another shot to end things better." dagdag pa niya. Napaisip ako sa sinabi niya. Pero minsan kasi mahirap magbigay ng second chances lalo na doon sa taong alam mong hindi niya deserve ang chance na iyon.
"Relate ka 'no?" tanong ulit ni Mariae pero hindi ko siya pinansin.
"Since we cannot get what we like, let's just like what we can get." pagtatapos niya sa homilya. Nagsitayo na kaming lahat. Hanggang sa matapos ang misa, tumatak sa isip ko ang sinabi niya. Siguro nga kailangan ko ng magpatawad para maka-move forward na ko.
BINABASA MO ANG
Love Dream
RomanceAlam niyo ba ang love dream ni Franz Liszt? Walang lyrics 'di ba? Classical music kasi. Narinig ko 'yon sa Professor namin, kaya naisipan kong gawan nang kwento ang tugtog na iyon. Dito niyo malalaman kung Love Dream ang title nun.